webnovel

Umuwi na tayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hinaplos ni Si Ye Han ang ulo ni Ye Wan Wan. "Uwi na tayo?"

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. "Sa bahay mo?"

Lalong dumilim ang mga mata ni Si Ye Han at pinigilan niya ang kanyang sarili na halikan si Ye Wan Wan. "Sa bahay natin."

Wala nang hinihiling pa si Ye Wan Wan. Kusa siyang pumasok sa kotse ni Si Ye Han...

Sa hindi kalayuan, bumalik na sa realidad ang utak ni Ye Mu Fan nang makita niyang pumasok si Ye Wan Wan sa itim na kotse.

"Punyeta! Bumalik ka dito! Bakit papasok ka na lang sa kotse ng ibang tao?!" Nagmadaling lumapit si Ye Mu Fan sa kanila.

Sa may pintuan ng kotse, nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo habang nakatingin siya kay Ye Mu Fan. "Sino ka?"

Halos mamatay sa sobrang galit si Ye Mu Fan. "P*ta! Ako ang kapatid mo!"

"Hindi kita kilala." Tumalikod at pumasok sa kotse si Ye Wan Wan pagkatapos niyang sabihin iyon.

Ang malamig na hangin ang pumalibot sa lugar.

Ye Mufan: "…"

Punyetang babae 'yon! Sinabi niya talaga na hindi niya ako kilala!

Tinapon niya sa isang tabi ang kanyang kapatid papunta sa malayong kalangitan dahil may boyfriend na siya, tama ba?!

Ang mga mata ni Si Ye Han ay panandaliang tumingin kay Ye Mu Fan bago niya prinotektahan ang ulo ni Ye Wan Wan at pinasok niya ito sa loob ng kotse. Sumunod din si Si Ye Han papasok sa kotseng iyon.

Sa sandaling iyon, nawala na sa kadiliman ang kotse.

Doon lamang lumabas sa pinagtataguang lugar sila Gong Xu at ang iba.

Maingat na tiningnan ni Gong Xu ang nasa harapan niya. "Umalis… umalis na sila?"

Agad namang tinanggal ni Luo Chen ang mga kamay ni Gong Xu na nakahawak sa kanya.

Galit na hinila ni Ye Mu Fan si Gong Xu papunta sa kanya. "Mokong, anong alak ba ang pina-inom mo sa kanya?"

Mukhang inosenteng-inosente si Gong Xu. "Liquor… liquor lang… Lafite… at whiskey rin… ininom ko iyon… at ininom niyo rin iyon…"

Galit na tinapon ni Ye Mu Fan si Gong Xu sa malayo.

Nanginginig sa sobrang takot si Gong Xu. "Ah… ang sakit sa puso ng nalaman ko… kaya pala hindi umiinom si Brother Ye! Sa susunod, hindi ko na pipiliting uminom si Brother Ye, wahhh!"

"Sa susunod?" Galit siyang binalaan ni Ye Mu Fan, "Walang sino man ang pwedeng magpahintulot kay Ye Bai na uminom ng alak simula ngayong araw! Dinadagdag ko ang patakaran na ito sa handbook ng kumpanya!"

Mabilis na tumango si Fei Yang sa sinabi ni Ye Mu Fan, "Pwede nating isa-katuparan ang patakaran na iyon!"

Ito ang unang beses na nakita ni Ye Mu Fan ang boyfriend ni Ye Wan Wan.

Kung iisipin ang nakaraang, naasar si Ye Mu Fan kay Ye Wan Wan, na parating sinasabi na ang kuya niya ang pinaka-gwapo sa lahat noong bata sila, ay biglang sinabi na 100 beses na mas gwapo sa kanya si Si Ye Han.

Ngayon… punyeta… wala siyang choics kundi aminin na… tulad nga ng sinabi ng babaeng iyon… 100 beses na mas gwapo ang boyfriend nito kaysa kay Ye Mu Fan...

Kaya pala! Kaya pala nawalan na ng pakialam ang babaeng iyon kay Gu Yue Ze at nawala na rin ang natitira niyang pagmamahal niya sa lalaking iyon.

Sinabi ni Ye Wan Wan noon na ang boyfriend niya ay isang empleyado ng Si Corporation, pero sa itsura palang, nagdala pa kamo siya ng mga bodyguards. Siya ba ay isang minor manager o direktor?

Ang bata niya pa pero mukhang mataas ang posisyon niya dahil nagta-trabaho para sa kanya ang mga bodyguards ng Si Corporation. Hindi kaya ginamit niya ang itsura niya para umangat lalo siya...

Dahan-dahan na nilapitan ni Fei Yang si Han Xian Yu at pabulong niyang sinabi, "Ah, Xian Yu, may gusto sana akong sabihin… pero hindi ko alam kung sasabihin ko ito…"

"Ano iyon?"

"Para sa akin… kailangan mong lumayo kay Ye Bai simula ngayon!" Mahinahon siyang sinabihan ni Fei Yang.

"Ganyan talaga siya kapag nalalasing," sabi ni Han Xian Yu.

Mabilis na umiling si Fei Yang. "Hin-hindi, hindi yan ang ibig kong sabihin… na-diskubre ko lang ngayon na… abnormal pala ang sexual orientation ni Ye Bai… lalaki ang gusto niya, 'di ba?"

Hindi excuse ang panlalandi niya sa mga lalaki kahit na siya ay nababaliw kapag nalalasing, tama?

Walang masabi si Han Xian Yu nang marinig niya iyon. "..."

Naiintindihan at kilala ni Fei Yang si Han Xian Yu. Naramdaman kaagad ni Fei Yang na parang may mali sa nagong reaksyon ni Han Xian Yu. "P*ta! Lalaki ba talaga ang gusto niya?! Xian Yu, huwag mong sabihin sa akin na alam mo na ito noon pa man! Xian Yu, magpakatatag ka!"

'Wag… 'wag ka maging bakla...