webnovel

Siya ang future husband ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Si Yehan: "…"

Biglang nagulat si Lin Que bago siya humalakhak. Tiningnan niya ang babae na nakasuot ng costume ng hayop at naging interesado siya dito. "Ate… yung pamamaraan mo ng paglalandi ay… napaka-creative…?"

Saang pamilya siya nanggaling? Nakakatuwa naman!

Hindi siya pinansin ni Ye Wan Wan at nagpatuloy lang ito sa pagiging sabik niya at bigla niya pang nilapit ang "bear paws" niya kay Si Ye Han.

Matagal na noong huling nakakita si Lin Que ng isang nakakamanghang babae kaya hindi niya naiwasang asarin ito, "Uy, sis, may anak nang tumatakbo takbo yung nilalandi mo. Bakit hindi na lang ako ang landiin mo? Single ako!"

Inirapan siya ni Ye Wan Wan sa likod ng headpiece nito at agad niyang sinabi ng walang pagdadalawang isip. "Ayoko! Ang pangit mo kaya!"

Lumaki ang mga mata ni Lin Que nang marinig niya iyon. "P*ta! Anong sinabi mo? Pangit ako???"

Hindi naman siya pangit kahit na hindi siya kasing gwapo nila Si Ye Han at Xie Zhe Zhi, 'di ba???

Ito ang unang beses na tinawag siyang pangit ng isang babae!

At saka… bakit pamilyar ang boses ng babaeng ito noong tinawag siya nitong pangit?

Makikita ang saya sa mga mata ni Si Ye Han nang marinig niya ang boses ng bear na ito.

Sa oras na iyon, tumatawa sa tabi nila si Xie Zhe Zhi. Tiningnan niya muna si Si Ye Han bago ang toy bear. "Miss, alam mo ba kung sino siya? Pero pinili mo pa rin na landiin siya?"

Biglang sumabad si Ye Wan Wan sa kanya. "Siyempre alam ko kung sino siya! Siya si Si Ye Han, ang future husband ko!"

Xie Zhezhi: "…"

Lin Que: "…"

Nagulat si Lin Que. "P*ta! Ang lakas ng loob mo sis!!!!"

Alam niya na si Si Ye Han ito pero bakit niya pa rin ito nilalandi ng ganito?!

Kahit si Xie Zhe Zhi ay nabighani sa pangyayaring ito. Mas magaling pang malandi sa kanya? At babae pa ito?

Hindi napansin ng dalawang ito ang pagka-malumanay sa mga mata ni Si Ye Han...

Tumalon talon si Ye Wan Wan papunta kay Si Ye Han. "Little big brother! Little big brother! Sabihin mo nga sa akin kung pwede ba kitang landiin?"

Malanding tiningnan at inaasam-asam ni Si Ye Han ang babaeng naka-costume. Inunat niya ang kanyang mga kamay at sinabi, "Halika dito."

Binalot ng kasiyahan ang mukha ni Ye Wan Wan at bigla siyang sumugod kay Si Ye Han.

Maraming hawak si Si Ye Han, pero naisipan niya pa rin na lumapit sa noo ng bear para halikan ito.

Nabigla sila Lin Que at Xie Zhe Zhi. Anong nangyayari?

"Putek! Nagtagumpay siya sa ginawa niya?* Lumaki ang mga mata ni Lin Que.

Hinaplos ni Xie Zhe Zhi ang kanyang baba at bigla siyang naliwagan.

Naramdaman ni Ye Wan Wan ang halik ni Si Ye Han sa kanyang balat kahit na hinalikan lamang siya nito sa kanyang costume. Kumulo ang init sa kanyang ulo ng halikan siya ni Si Ye Han.

Si Ye Han: "Hindi ba't sinabi mo kanina na mamayang hapon ka pa makakarating?"

"Natapos kaagad ako sa trabaho, kaya maaga akong nakarating!" Nakangiting sinabi ni Ye Wan Wan at bigla siyang napatanong, "Paano mo nalaman na ako ito?"

Pinipi ni Si Ye Han ang kamay ng bear at tunog matalino niyang sinabi, "Sino pa ba ang gagawa ng bagay na ito kung hindi ikaw?"

Ye Wan Wan: "Oh. Ahem… oo nga naman…"

Hindi na siya makasagot kay Si Ye Han...

Lumapit sa kanya si Si Ye Han at tinanggal nito ang ulo ng bear. Makikita ang ulo ni Ye Wan Wan nang matanggal ang ulo ng bear.

Nakataas na naka-bun ang buhok ni Ye Wan Wan at may mahiwagang ngiti siya sa kanyang mukha. "Sobrang kyut ko 'di ba?"

"Ano! Ikaw… Ye Wan Wan!!!!"

Nagulat si Lin Que kaya bigla siyang napasigaw.

P*ta! Sabi na eh! Yung *babaeng* ito ang naka-costume...

Tiningnan ni Xie Zhe Zhi si Ye Wan Wan at nabigla siya at walang pakialam na nagtanong si Lin Que, "Alam mo na kung bakit hindi pa rin nagagalit si 9th brother?"

Lin Que: "Naiintindihan ko… malinaw na ito ngayon…"

Magaling magpasaya ang babaeng ito!