webnovel

Mas ginugusto ka pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-aalala si Xu Yi na baka may mangyari sa loob. Agad niyang pinaalis ang sekretarya at tumayo sa may pinto para makinig.

At narinig niya ang pariralang nakakapagpatayo ng mga balahibo: "Kung magtatangka kang maghanap ng ibang babae sa likod ko, babalik ako ng may anak sa labas!"

Nilarawan ito ni Xu Yi sa utak niya saglit...

Nakakatakot iyon...

Kailangan ko nang asikasuhin ang sekretarya agad!

"Bakit ang aga mong nakabalik? Kamusta?" tinanong ni Xue Li ang sekretarya na nakabalik sa loob ng isang oras.

Nagagalak na sabi ng sekretarya, "Maayos naman, Hindi naman nakakatakot ang 9th master tulad ng inaakala ko at hinayaan akong magbigay ulat. Sobrang maamo niya sa akin pero sa kasamaang palad, saglit lang akong nandoon bago makabalik agad 'yung babae."

"Deputy direktor Xue, alam mo ba kung anong nangyari? Talagang sinipa ng babae 'yung pintuan papasok! Hindi pa ako nakakakilala ng ganoong kabastos na babae sa buhay ko - sobrang bagsik niya!"

"Iniisip ko kung paano siya magpaparaya, pero hindi niya mapigilan ang galit niya. Gumagawa siya ng malaking gulo sa 9th master ngayon!"

"Kilala ko ang mga lalaki - ayaw nila sa bastos, bayolente at hindi makatwirang babae. Lalo na sa tulad ni 9th master, hindi mamumuhay ng maayos ang babaeng 'yon panigurado!"

Nang marinig kung gaano kalakas ang loob ng sekretarya, kumalma si Xue Li. "Kung nakuha mo talaga ang pabor ng 9th master, dodoblehin ko ang benepisyo mo tulad ng pinangako ko noon!"

Agad na nagliwanag ang sekretarya at nakaramdam ng kutya sa kanyang puso. Kung nakuha ko ang pabor ng 9th master, ano pang silbi ng benepisyo sa akin? Tsk.

Pinapantasiyahan ng sekretarya ang tungkol sa kanila sa isip niya nang biglang tumunog ang telepono ni Xue Li.

May sinabi ang taong kausap ni Xue Li at agad na nandilim ang itsura niya.

Maya-maya, ibinababa ni Xue Li ang telepono at tinignan ng masama ang sekretarya, "Anong kahulugan mo ng 'maayos'?"

Nang makita ang madilim na itsura ni Xue Li, nanigas ang ngiti ng sekretarya at maingat na nagtanong, "Deputy direktor Xue.. anong… anong nangyari?"

Xue Li: "Tanggal ka na!"

"A-ano? Imposible!"

Samantala, isang demonyo ang nakatingin sa "bastos", bayolente", at "hindi makatwiran" na babae sa harap niya nang may apoy sa kanyang mga mata.

Si Ye Wan Wan, na gumawa ng gulo dahil sa galit siya, ay nakaka-akit na para kay Si Ye Han.

"Nasaan 'yung cake ko?"

"Dadalhin ko sa 'yo mamaya."

"Bakit mamaya?!"

"..." Kasi gusto ko pang tamasin ang itsura mo.

Maya-maya, dinala ni Si Ye Han ang cake at agad na napawi ang galit ni Ye Wan Wan.

Wala nang magawa si Si Ye Han sa sitwasyon.

"Sarap!" sumubo si Ye Wan Wan at nagliwanag ang kanyang mga mata.

Pinanood siya ni Si Ye Han kumain na parang isang maliit na ardilya at tinanong, "Bakit biglang gusto mong kumain nito?"

Sumubo ng malaki si Ye Wan Wan bago sinabi, "Hindi ko alam. Ayoko sa almond noon at hindi ko alam kung anong nangyari, pero gustong-gusto ko sila kama-kailan lang!"

Naalala niya na gusto ni Si Xia ang ganitong cake. Habang nasa eskwelahan sila noon, madaming mga babae ang magbibigay kay Si Xia ng mga almond cake.

"Ganoon…" bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Si Ye Han, isang sikreto ang nakatago roon.

Matapos ang tahimik na sandali, tinignan ni Si Ye Han ang nakakaaliw na itsura ng babae na mas nagiging maganda na para bang isang paru-paro na lumabas sa kanyang kukun. Tanong niya, "May mga pagbabago ba sa lasa mo, hilig mo, at kinagawian mo?"

Pinag-isipan ito ni Ye Wan Wan. "Panlasa, hilig at kinagawian? Hindi ko sila masyadong pinansin…"

Mukhang seryoso talaga si Si Ye Han. "Isipin mong maigi."

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba, kumurap at pinag-isipan ito ng maigi, "Uh, mas nagugustuhan na kita - pwede ba 'yon?"

Si Ye Han: "… en."