1195 Maganda naman ang naging resulta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kailangan pa rin ni Lolo ang paliwanag nilang dalawa.

Parehong lumapit si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan sa kanilang lolo.

May respeto na tumayo sa harapan ng kanilang lolo si Ye Wan Wan at inamin niya ang kanyang pagkakamali. "Lolo, pasensya na. Nakikipagbiruan ako sayo kanina kaya hindi ko kaagad nasabi na ako si Ye Bai… hindi ka naman magagalit lolo, 'di ba?"

Kahit na seryoso ang itsura ni Ye Hong Wei, hindi siya makikitaan ng galit sa kanyang pananalita. "Ye Wan Wan, kahit si lolo ay naloko mo."

Tahimik na nakatayo sa isang gilid si Ye Yiyi at Ye Shao An. Hindi nila maitago ang kasakiman sa kanilang mga mukha.

Natutuwa si Ye Mu Fan sa masakim na itsura ni Ye Yiyi ag ng kanyang tatay habang kausap niya si Ye Hong Wei, "Haha, Lolo, huwag mo masyadong dibdibin. Hindi ko rin siya namukhaan noong una!"

"Tumatanda na talaga si Wan Wan…* bumuntong hininga si Ye Hong Wei. Unti-unting binalot ng kagalakan ang kanyang mga mata habang tinitingnan niya ang kanyang mga apo at malumanay niya silang kinausap, "Mahusay ang ginawa niyong dalawa! Alam ni Lolo ang lahat ng tiyaga na binigay niyo."

Pinalibutan ng kakaibang pakiramdam sila Ye Yiyi at Ye Shao An nang marinig nila iyon.

Napatigil muna si Ye Hong Wei bago siya magpatuloy, "Mu Fan, Wan Wan, pumunta kayo sa susunod na Lunes sa opis ko. May sasabihin ako sa inyo. At tsaka, Ye Shao An, sabihan mo ang board. May board meeting tayo sa susunod na Lunes."

Sa madaling salita, gustong itupad ni Ye Hong Wei ang pangako niya para i-anunsyo ang pagbabalik ni Ye Wan Wan at Ye Mu Fan sa buong kumpanya.

Lumiwanag ang mga mata ni Ye Mu Fan. "Opo, Lolo!"

Sumagot rin si Ye Wan Wan, "Okay!"

Nagtinginan si Ye Shao An at Ye Yiyi. Binalot ng kadiliman ang mukha ni Ye Shao An. Muntikan na siyang umubo ng dugo.

Gayunpaman, pinuri naman ni Ye Yiyi si Ye Wan Wan. Ngunit ang kanyang mga kuko ay nakadiin sa kanyang mga palad.

Hinayaan niya talaga sila Ye Mu Fan at Ye Wan Wan… ang dalawang basura na ito… na lumago pa sa ganitong punto...

Ang lahat ba ng nakuha niya sa mahirap na daan na tinahak niya–ang Ye family, ang Emperor Sky Entertainment, ang nirerespeto niyang titulo bilang eldest miss ng Ye Family–ay nanakawin na?!

Paano nangyari iyon?!

Natapos na ang Golden Orchid banquet at ang mga bisita ay isa-isa nang umalis.

Sa may garahe ng parking, walang buhay na sumama na lamang si Gong Xu kay Luo Chen. Hindi na napansin nila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan si Gong Xu dahil abala silang kinausap ang mga bisita.

Kaya ang kaawa-awa na sila Luo Chen at Tang Xing Huo ay nagdudusa sa mga pasabog ni Gong Xu.

"Imposible… paano nangyari ito… paano naging babae si Brother Ye… paano naging si Brother Ye si…" Umungol si Gong Xu nang bigla siyang nanigas at ang mga mata niya ay nakatutok sa taong nasa harapan niya. "Little Candied Plum…"

Ang babae na naglalakad papunta sa harapan nila ay may suot na itim na glwn at may halo ito ng mga kristal na mga ilaw. Sa pagkakataon na ito, parang nagsanib sa iisang tao sila Little Candied Plum at Ye Bai.

Nag-sway ang bestida ng babae habang naglalakad ito hanggang sa huminto ito sa harapan niya.

Tumawa si Ye Wan Wan. "Ano? Hindi ba't gusto mong ibigay ko sayo ang pinangako ko? Ngayon, binigay ko na sayo ang regalo ko sayo."

Tulirong nakatitig sa kanya si Gong Xu. Hindi niya mailabas ang init na namumuo sa kanyang damdamin at unti-unting namumula ang kanyang mukha.

Sh*t! Ang… ang ganda niya! Hindi ako pwedeng magalit sa kanya!!!

Lalo na dahil ang taong nasa harapan niya ay si Ye Bai– si Ye Bai na nakasuot ng panggabing mga kadamitan...

Ang lakas ng kamadag niya!

Nagkomento si Tang Xing Huo nang makita niya si Gong Xu na parang isang desperado sa pagmamahal na babae, "Parang mabuti nang babae pala si Ye Bai…"

Kung hindi, ang mokong na ito ay magiging bakla na nang hindi niya namamalayan.

avataravatar
Next chapter