webnovel

Hindi kita binigo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nanalo ang Luo Shen's Legend?

Paano ito naging Luo Chen?!

Nanigas ang mukha ni Producer Xue at biglang napatigil sa ere ang mga kamay niyang yayakap na sana kay Pei Hang. Muntikan rin tumalon si Ye Yiyi dahil sa pangyayaring ito.

Nagkagulo ang lahat ng mga manonood!

Anong nangyayari? Mali ba ang narinig natin???

Hindi lamang ang mga manonood ang nagulat. Kahit si Luo Chen ay nakaupo lamang doon at hindi niya naintindihan kung ano ang nangyayari.

Habang si Cai Yong Sheng at Chu Hong Guang ay nakasimangot noong tiningnan nila ang entablado. Hindi sila makapaniwala na manunumbalik pala si Ye Bai sa industriya...

Inulit ng babaeng host ang pag-anunsyo dahil naintindihan niya ang kaguluhan na dinulat sa pagitan ng pangalan ni Luo Chen at ang isang pelikula, "Ang nanalo ng Best Actor ng Golden Orchid Awards ng taong ito ay ang aktor na gumanap ng role na Sheng Yue sa A Life and Death Struggle, si Luo Chen! Congratulations, Luo Chen!"

Ang mga salita ng babaeng host ay parang mga patak ng malamig na tubig na tumutulo sa mantika. Hindi ito bumabagay sa hula ng mga tao para sa Best Actor.

Nagulat si Ye Mu Fan at bigla niyang hinila sa kanya si Luo Chen ag niyakap niya ito ng mahigpit. "Tama na ang pagtutulala mo diyan! Luo Chen, ikaw ang nanalo!"

Si Ye Wan Wan lang siguro ang pinaka-kalmadonh tao sa lugar na iyon.

Tumayo si Ye Wan Wan at niyakap niya ang nakatameme na si Luo Chen. "Congratulations, Luo Chen."

Tulirong tinitigan ni Luo Chen si Ye Wan Wan, medyo nanginginig siya at makikita na namumula na ang kanyang mga mata. Sabik na sabik siya noong niyakap niya si Ye Wan Wan. "Brother Ye… nagtagumpay ako… kinaya ko… hindi kita binigo…"

Kumalma na ang kaninang mabigat niyang puso. Naramdaman ni Luo Chen na nakatanggap siya ng panibagong buhay.

Matagal rin na nakatunganga si Gong Xu bago siya nag-react. Naguguluhan ang puso niya habang tinititigan niya si Luo Chen na parang nakita niya ang kabit ng asawa niya. "P*ta! Masyado kong prinoktetahan ang sarili ko sa lahat ng tao, pero ang kaibigan ko pa pala ang magnanakaw ng parangal na para sa akin! Loko ka talaga!"

Nagreklamo siya pero maririnig ang saya sa kanyang boses.

Hindi mapakali si Luo Cheng noong tiningnan niya si Gong Xu.

Pareho silang na-nominate, pareho silang nagtrabaho ng maigi, at pantay lamang ang effort na binigay ng dalawa sa kanilang trabaho, pero si Luo Chen pala ang nakakuha ng parangal...

Hindi siguro ito alam ng ibang tao at nakita lamang nila ang pasaway na ugali ni Gong Xu, pero alam ni Luo Chen noong una pa lang kung gaano naghirap si Gong Xu sa pagsasanay nila. Sinabihan pa nga siya ni Gong Xu na itago ito kay Brother Ye...

Nasurpresa ang lahat ng mga manonood at sinabi nila ang kani-kanilanh opinyon sa nakakagulat na pagkapanalo. Habang kinakaskas ni Cai Yong Sheng ang kanyang ngipin sa sobrang galit, si Jiang Yan Ran naman at pa-sikretong pumapalakpak para sa kanila dahil lubha siyang natuwa sa naging resulta.

Hindi na kinayang kumalma pa nila Ye Yiyi, Pei Hang, Producer Xue at ang lahat ng nasa grupo nila noong nakita nila ang resluta. Si Pei Heng lamang ay nanatiling masaya at mapagbati ang kanyang itsura dahil sa tagal na niya sa industriya.

Putek! Paano nangyari iyon?!

Si Luo Chen! Paano nangyari na si Luo Chen ang nanalo?!

Hindi lamang si Ye Yiyi at ang grupo niya ang nagkaroon ng ganitong reaksyon. Walang sino man ang nag-akala na ang Best Actor ay mapupunta sa hindi sikat na nominee.

Biglang naguluhan si Ye Yiyi, pero pinakalma niya ang kanyang sarili.

Best Actor lamang ang napanalunan nila… pero kaya nilang sirain ng Emperor Sky Entertainment ang Age of Immortals; kailangan lamang nila ng kaunting effort para gibain ang kalaban na kumpanya...

Nagsalita ang host, "Inaanyayahan namin si Luo Chen para tanggapin ang parangal na ito!"

Sa oras na ito, biglang umentra ang guest presenter na si Sun Dong Yu ang host. "Pasensya na at umentranako. Hindi pa ako tapos magsalita. Ang nanalo ng Best Actor… ay dalawa!"

Ano?

… may isa pa?!

Hindi pa nga natatauhan ang lahat sa nakakagulat na pangyayari kanina, ngunit mas lalo silang nagulat sa mga salitang sinambit ng guest presenter.

Pilit na nagpatuloy si Sun Dong Yu habang nakangiti siya. "Tama, ang pangalawang tao na nanalo ng Best Actor ay si… Gong Xu!"

Kung ginulat ng mga salita ni Sun Dong Yu ang mga tao noong binanggit niya ang pangalan ni Luo Chen, ngayon naman ay pinasabog niya ang utak ng mga tao noong sinabi niya ang pangalan ni Gong Xu.

P*ta?

 Anong klaseng resulta ito?

Dobleng Best Actor ang parangal?!

Kakatayo lang ni Gong Xu para yakapin si Luo Chen nang bigla niyang narinig ang kanyang pangalan. Nagulat siya sa pangyayaring iyon. Sa isang saglit, kumurap siya at hindi mapinta ang naging reaksyon niya. "Um… Brother Ye… nababaliw na yata ako… dahil gusto ko na talagang makita na nakasuot ka ng bestida… nag-de-delusyon pa nga ako…"

"Baliw!!!" Hindi na napigilan ni Luo Chen ang kanyang mga luha. Tumulo ang sandamakmak na luha sa kanyang mga mata at niyakap niya ng mahigpit si Gong Xu. "Magiging totoo na ang delusyon mo! Totoo na!"