webnovel

Hindi inasahan!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dalawang… dalawang bidang lalaki?

Ang ibig sabihin nito ay dalawa ng Best Actor!

Ito ang unang beses sa history ng Golden Orchid Awards na nagkaroon ng dalawang Best Actor! Hindi ito inasahan ng lahat!

Naging emosyonal ang lahat dahil sa anunsyong ito!

Walang nag-akala na ang hindi inaasahang pangyayari sa Best Actor ng Golden Orchid Awards! At tsaka, sila Luo Chen at Gong Xu pa ang nanalo ng Best Actor, kaya naging dalawa ang Best Actor at ito ang unang beses na nangyari ito sa history ng Golden Orchid Awards.

Inakala ni Ye Yiyi na kaya niyang pabagsakin si Luo Chen at kaya niya pa ngang unahing pabagsakin si Gong Xu.

Gayunpaman… hindi niya inakala na magiging ganito ang resulta...

Dobleng Best Actor!

Ito ay dobleng Best Actor!

Makikita ang na kinakabahan at naguguluhan na si Ye Yiyi.

Tinitignan naman ni Ling Shao Zhe si Gong Xu na parang nakakita siya ng multo.

Si Gong Xu na walang sawang minamaliit ng mga tao at tinawanan ang kanyang pag-arte ay nanalo pa ng… Best Actor?

Namutla rin si Producer Xue at parang naguluhan pa siya. Bigla siyang bumulong kay Ye Yiyi, "Sino ba ang Ye Bai na yan?! Saan nanggaling yun? Hindi pa nangyayari ito sa histroy ng Golden Orchid Awards… Miss Yiyi, Mukhang… hindi na natin kayang talunin ang dalawang iyon…"

Malaking problema na nga ang isang Best Actor, pero ngayon, dalawang tao pa ang naging Best Actor. Hindi lang doble ang magiging kasiraan nito sa kanila; lalaki at lalaki pa ito hanggang sa hindi na nila ito kontrolado!

Mahuhulaan kaagad ng maraming mga tao na biglang sasabog sa kasikatan ang pangalan nila Luo Chen at Gong Xu, pagkatapos ng Golden Orchid Awards.

Ito ang magiging realidad nila, lalo na kay Gong Xu. Nakakatakot na nga ang kasikatan niya at ang kaguluhan na nadudulot niya sa kanyang fans. Manunumbalik siya sa industriya gamit ang panibago niyang persona at magiging pasabog ang epekto nito.

Sa ganitong pangyayari, kahit na magsama pa ang Worldwide at Emperor Sky, hindi pa rin nila matatalo ang Age of Immortals.

Ito ang unang beses na nagkaroon ng dalawang Best Actor sa histroy ng Golden Orchid Awards. Maigi silang sinubaybayan ng publiko at sinuportahan at lubhang umasa sa kanila ang mga husgado. Magkakaroon ng negatibong kritisismo ang Emperor Sky at Worldwide kung ipagpapatuloy nila ang pagpapahirap sa Age of Immortals, kung kakayanin pa nilang pahirapan ang Age of Immortals.

Natural lamang na alam ni Ye Yiyi ang inakala niyang mangyayari. Akala niya hindi siya magkakaroon ng problema, kaya nagulat siya sa naging resulta. Makikita ang kadiliman sa kanyang mukha noong tiningnan niya si Ye Mu Fan...

Gayunpaman, may isang tao pa ang mas malala ang itsura kumpara kay Ye Yiyi― si Chu Hong Guang.

Kung iisipin ito ng mabuti, gumastos siya ng maraming pera at ginamit niya ang maraming resources para sa kanilang pelikula, ngunit ang nagawa lamang nito ay pasikatin sila Cai Yong Sheng at Cui Ming Qian upang makakuha sila ng Best Novice. 

Gusto sanang ipakita ni Chu Hong Guang na ang kanyang panghuhusga at desisyon ay parehong tama.

Sa huli, nanumbalik si Ye Bai at nagawa niyang gawing Best Actors sila Luo Chen at Gong Xu!

Kahit si Gong Xu na tinuring na walang kwenta ang kanyang acting skills sa entertainment industry, ay nakapanalo pa ng Best Actor dahil sa tulong ni Ye Bai.

Malaking pagbabago ito at sinaksak nito ang kanyang puso...

Pinilit ni Chu Hong Guang na ang desisyon niya ay tama dahil mapagmalaki siya at naisip niya na mali si Ye Bai, ngunit nalulunod na siya sa pagsisisi ngayon.

Mapapa sa kanya ang lahat ng ito kung hindi lang umalis si Ye Bai noon! Mapupunta sana ang lahat ng ito sa Worldwide!

Mamamatay sana sa sobrang galit ang Emperor Sky at baka yumanig pa ang posisyon ng Emperor Sky bilang lider, sana nakataas ang kanilang mga noo kung nakuha nila ang mga parangal na ito...

Ngunit ngayon, walang kwenta na ang lahat ng bagay.

Naramdaman ni Chu Hong Guang na kumibo ang kanyang mukha. Gusto niyang sakalin ang basura na iyon na si Cai Yong Sheng!

"Brother Ye! Na… napanalunan ko ang Best Actor… dali, kurutin mo ako…"

"Huwag mo na siyang guluhin diyan. Ako nang kukurot para sayo!" Pangasar na sinabi ni Ye Mu Fan.

Ito ang unang beses na natuwa si Ye Mu Fan sa lalaking ito.

Sa mga panahong ito, maraming nakasalubong na pagsubok ang Age of Immortals sa kahit saang lugar sila pumunta. Pinalayas pa nga sila sa isang palabas bago pa nagsimula ang seremonya. Pinagdaanan niya na ang sarili niya para sa kanyang kamatayan. Hindi niya inasahan ang ilaw sa dulo ng kadiliman...