1 prologue

MICROCHIP IMPLANT- ang RFID chip na i-di-nesenyo para ipasok sa sistema ng mga tao. Karamihan sa mga taong napasukan na nito, sinasabing maganda ang epekto sa kanila dahil napapadali ang lahat. Hindi na nila kailangan pa ng literal na salapi, ID, cards o anuman para sa mga transaksiyon. Ang tatak (tattoo) na lalabas sa kanilang pulso na lamang ang kanilang ipinakikita.

Ngunit handa na ba 'ko at ang Pilipinas sa ganitong pagbabago? Handa na ba 'kong magpalagay nito at hayaan ang ibang tao na kontrolin at manipulahin ang isip, galaw at buong pagkatao ko? Handa na ba 'kong kalimutan ang duda ko sa gobyerno at pabayaan na lamang silang gawin ang kanilang trabaho ngayong kasagsagan ng krisis sa buong mundo, gayong alam kong isa ito sa paraan at panahon upang simulan ang pag-iisa ng buong mundo o New World Order?

No, me and my friends won't let that happen.

- Marco Indigo Cortez

avataravatar
Next chapter