1 Simula

Parang totoo ngunit alam ko namang hindi. Ngunit bakit sa tuwing ako'y mananaginip, tila ba nakikita ko ang kinabukasan. Kung minsan naman para bang ako ay nasa sinaunang panahon. Di ko alam kung ito ba'y katha lang ng malikot kong isipan o maaari ngang tunay na maranasan.

Marami ang nagsasabi na kabaligtaran ng nasa panaginip ang mangyayari at kahulugan. Kumbaga, ang mga napapaginipan mo ay may kaabikat na kahulugan ngunit minsan di mo alam kung ano nga ba talaga ang katotohanan.

Sa bawat panaginip ko, tila ba ako ay naglalakbay sa panibagong mundo at parang nararanasan ko ang nangyayari dun. Minsan bigla na lang akong nagigising kapag tila ang aking panaginip ay nagiging bangungot. Ngunit madalas naman, tila ba wala akong matandaan sa kung ano ang aking napaginipan. Minsan rin ay tila ba ang saya saya ko pagkatapos kong managinip. Ngunit alam ko naman na ang lahat ng ito ay bunga lang ng aking malikot na imahinasyon.

avataravatar
Next chapter