webnovel

CHAPTER 1

"OKAY, PEEPS, lets do this." Walang kaabog-abog na kinalas ni Ruby ang suot niyang pulang silk robe. Red lace brassiere at red thong lang ang nasa ilalim niyon. May full length mirror sa harap niya kaya kitang-kita niya ang repleksiyon.

She studied her body. Her skin is creamy white. Flawless. Nasa tamang lugar lahat ng curves niya at ang boobs, ah, those babies are her best assets. Hindi naman sobrang lusog pero mabibilog at tayong-tayo. Her waist is flat, may konting cut pa dahil sa pamatay na work-out na ginagawa niya.

If you've got it, flaunt it! Galing sa bibig ng kaibigan niyang si Bianca ang mga katagang iyon. Si Bianca na siyang nagtulak sa kanya sa propesyon niya. Isang modelo sa nude photo shoots.

"Naku, sister, inggit much ako sa mga 'to," anang bading na make-up artist na abala sa pagda-dust ng glitter sa kanya. Dinutdot nito ng brush na idinawdaw sa glitter ang isang mabilog na kalamnan. "Wish ko lang na maging ganyan ang itsura mga boobits ko kapag umepekto na nang todo ang hormone injections na ipinapaturok ko. Sino ang gumawa ng mga 'yan ha?"

"Excuse me." Inirapan ito ni Ruby. "Organic ang mga 'yan. Biyaya ni Mother Nature. Walang halong kemikal, walang preservatives."

"Ang taray. Ikaw na, sister." Itinaas ng bading ang isang kamay. Tumatawang naki-apir dito si Ruby. "Heads up, sis. May potential fafa sa tabi-tabi." Kumibot ang labi nito paturo sa isang panig ng kuwarto.

Isang lalaking nakasuot ng shades ang natanaw niya. The guy is casually lounging on one of the canvas chairs in the room. May hawak itong smartphone at panay ang tipa nito roon.

"Teka, ba't may ganyan? Di ba bawal ang strangers sa sessions?" Kahit naman sanay na siyang magpa-litrato ng walang damit ay hindi pa rin siya natutuwang ibuyangyang ang katawan niya sa mga taong hindi involved sa photo shoot. "Ano? Libreng boso lang, ganoon?" Umarko ang isang kilay niya.

"Chill, 'te, aalis din 'yan bago ang hubaran. Friend 'yan ni bossing. Gusto raw mag-observe para sa...ewan, thesis ba o kung anumang may kinalaman sa intellectual pursuits. At 'wag ka ha, fafable siya. Kung ako ikaw, ipo-flaunt ko ang beauty ko imbes na magtaray. Huwag sumimangot, sis. Ang wrinkles." Dinutdot nito ng brush ang noo niya.

Agad ngang ni-relax ni Ruby ang facial muscles niya. May suot siyang maskara kapag kinukunan ng litrato kaya walang problema kahit tadtad siya ng wrinkles pero ayaw rin naman niya na maagang tubuan ng mga iyon ang mukha niya. Dapat fresh lagi ang beauty niya. Iyon kaya ang puhunan niya – plus ang sexy body niya – para makabingwit ng yayamaning fafa kagaya ni Bianca na ngayon ay ginagawa na lang na parang Cubao ang Germany.

Fil-German ang nabighani sa bruha. Hinabol-habol ang kaibigan niyang may Master's Degree yata sa art ng pagpapakipot kaya mas lalong nahayok dito ang German. After 25 years eh saka lang ibinigay ni Bianca ang matamis nitong oo kay Fafa German. Ngayon, konting kembot na lang ay till death do us part na ang next chapter ng love story ng mga ito.

She is longing to be like her friend. So what kung hubadera siyang matatawag? Sa doon siya kumikita eh. She likes to think na may semblance of decency pa rin kahit paano ang ginagawa niya. Una ay dahil hindi personal na nakikita ng mga tumitingin ang hubad niyang katawan. Sa litrato lang. Lumalabas ang mga nude photos niya, at ng iba pang mga female models na kasamahan niya, sa isang website. Pay per view ang terms at may porsiyento ang modelo sa ibinabayad. Pangalawa ay hindi rin kita ang mukha niya kaya kahit makasalubong niya ang isa sa mga suki niya ay hindi nito malalaman na katawan niya ang pinagpistahan nito. May suot kasi siyang maskara sa mga litrato. Iyon ang peg ng website. Katawan lang ang ipinakikita, hindi mukha. It is for people who just wants to see a sexy body. Iyong mananatiling impersonal ang panonood nila sa kahubdan ng isang babae dahil hindi nila alam kung ano ang itsura nito.

There were cases when a client would insist on seeing the woman's photos without the mask. Depende na lang sa model kung papayag ito. May dagdag na bayad, of course. At malaki iyon. May mga pagkakataon din, katulad ng nangyari kay Bianca, na nagkagusto ang client sa model. Bihira lang iyon. Parang pagtama sa lotto. Suwertihan lang.

Hindi na umaasa sa ganoon si Ruby. Ayaw din niyang magpa-picture ng walang maskara. Puwede na sa kanya ang kinikita niya. Hindi iyon kalakihan pero ang pera ay pera. Hindi iyon napupulot, talagang kailangang paghirapan.

"Juice?" sabi ng bading na make-up artist. Isang nakarolyong papel ang nasa kamay nito.

"Of course." Inabot iyon ni Ruby saka dinala sa labi. Hindi siya sumasalang sa photo shoot nang wala iyon. Maagap na inilapit doon ng bakla ang apoy na galing sa sinindihan nitong lighter.

Ruby took a deep puff and held the smoke in her lungs for several seconds before exhaling. Ilang minuto ang kailangang dumaan bago niya maramdaman ang epekto ng nilanghap niya, sakto lang para sa pagsisimula ng photo shoot.

The joint – o juice as she and her friends call it – numbs her conscience. Dahil doon ay walang kiyeme niyang nagagawa ang mga poses na kailangan para lumabas na erotic ang mga shots. Nawawala ang inhibitions niya. Kapag high siya ay hindi siya inaatake ng angsts, wala siyang iniisip na kahit ano maliban sa mapaganda ang trabaho niya. May isa nga lang na side effect iyon na nagpapahirap sa kanya. It makes her horny. Super horny, to be exact. Nagsisimula na nga niyang maramdaman ngayon ang pag-iinit sa pagitan ng hita niya.

She stood before the mirror scrutinizing her body. Habang ginagawa niya iyon ay napagawi ang tingin niya sa lalaking mag-o-observe daw. Naka-shades ito pero pakiramdam ni Ruby ay nakapako ang mga mata nito sa kanya. Nakadagdag iyon sa pag-iinit ng puson niya. Her nipples started tingling and she suddenly longed to have someone touch and tweak those peaks. Nagsisimula na ring mabasa ang underwear niya. Well, hindi problema iyon. Sa ilang mga shots nga ay binabasa pa talaga ang panties ng model para kunwari ay sobrang aroused ito. Nakaka-turn on daw iyon sa tumitingin ng litrato nila.

She had to fight the urge to plunge her hand inside her underwear and start touching herself. Her bud is aching and she longed to stimulate it with her fingers while imagining it is the guy with the shades who is palming her pussy.

Lumapit sa kanya ang bakla. Dala nito ang isang riding hood na kulay pula. Ang costume niya. Fairytale ang theme sa nagdaang mga shoots nila. Naging si Snow White na siya, si Cinderella, si Rapunzel. Noong isang araw ay nag-pose siya bilang si Little Mermaid. Ni hindi na kailangang gawing mahalay ang costume niya. All she needed to do was to bare her breasts, unlike the original Little Mermaid who had to cover them with her hair.

Ngayon ay si Red Riding Hood siya. She would be wearing nothing under the red cape. Iyon ang favorite character niya. Red kasi ang signature color niya. Iyon ang kulay ng robe na lagi niyang suot. Ang mga attires niya ay iba't ibang shades ng red ang kulay. Nang suot na niya ang hood ay tumingin siya sa photographer.

"Ano na?" tanong niya rito. Huhubarin na kasi ni Ruby ang bra at panty niya pero wala siyang balak gawin iyon habang may estranghero sa paligid.

"Ready when you are," sagot nito.

"Hello, may tao pa." Tumingin siya sa lalaki.

Tumayo na agad ito at kahit hindi sinabihan ng photographer ay kusa na itong umalis.

"Sino ba kasi iyon?" tanong niya.

"A friend of a friend. Gumagawa ng thesis sa Psychology or something. Huwag mo na siyang problemahin. Strut your stuff, baby. Music, please," hayag nito.

Hindi sasayaw si Ruby pero nakakatulong sa pag-project niya ang tugtog. Depende sa look na gusto ng photographer ang ginagamit na musika. Dark sexy daw ang tema nila. Iyong parang may panganib pero kasama niyon ay may may hint na mauuwi iyon sa isang mainit na tagpo.

Matapos alisin ang pang-ilalim niya ay pumuwesto na si Ruby sa divan kung saan nakatuon ang mga ilaw. Sa likod niya ay may backdrop ng isang bahay. A cottage, actually. Kunwari siguro ay iyon ang bahay ng lola ni Red Riding Hood.

"Imagine-in mo na isa kang tupa at may lobong naglalaway sa iyo," sabi ng photographer.

Hindi na kailangan ng instructions ni Ruby pero nilaro pa rin niya sa isipan ang imagery na tinukoy ng lalaki. Iyon nga lang, hindi imahe ng isang lobo ang lumabas sa isip niya kung hindi isang lalaki na may suot na sunglasses. Nakagat niya ang labi sa silakbo ng pagnanasang gumapang papunta sa gitna ng hita niya. It's the maryjane talking.

"Yes!" natutuwang bulalas ng photographer. "Hawiin mo iyong kapa then give me a pose that would make a man salivate."

Madaling nagawa iyon ni Ruby. Maganda na ang talab sa kanya ng tinira niya. She is feeling high and horny. Kayang-kaya niya ang imaheng ipinapa-project sa kanya. Pawasiwas niyang inililis ang kapa para ipakita ang hubad niyang katawan saka sinapo ng kamay ang isang dibdib. She lifted it up as though she is enticing a man to take her nipple into his mouth.

"Perfect. Just perfect." Panay ang galaw ng lalaki. Palipat-lipat ito ng puwesto. Panay ang click ng camera nito. "Now the wolf is almost upon you. Dadambahin ka na niya. Takot ka pero nahuhulaan mo, hindi ka niya balak kainin."

Naglaro na naman sa diwa ni Ruby iyong lalaking naka-shades. He is kneeling between her legs and he is about to devour her there.

"Aaaah..." Bumuka ang bibig niya, napaliyad siya. Her eyes are half-closed as though she is savoring a most delicious pleasure.

"Great. Hold that look."

Tuluyan nang nakapasok sa sistema ni Ruby ang sininghot niyang marijuana. Parang naka-trance na siya. Naririnig niya ang boses ng photographer pero parang galing iyon sa malayo.