webnovel

Pagbabalik Panahon

Gagawin ang lahat para lang mabago ang nakaraan,May isang manlalakbay panahon(time traveler) binago ang nakaraan...

Rarecheskadiy · History
Not enough ratings
7 Chs

Tama na!

Sinabi ni Mira ang lahat ng mga naranasan niya sa buong buhay niya habang umiiyak sa harapan ni Greg

"Sa buong buhay ko di ko naranasan na maging tahimik at maging masaya, inaapi at sinasaktan tulad noong isang araw, wala ako kwenta, wala akong silbi kasi ganto ako".

Si Greg ay nalulungkot nang kanyang malaman lahat ng hinanakit ni Mira kaya't sinabihan nya ito nang mga maganda at makakatulong na nga salita.

"Mira, ang lahat ng mga nararanasan mong sakit ay may kapalit na kaligayahan,nandito ako upang makinig at tulungan ka"

"Huwag kang maniwala sa mga taong hinuhusgahan ka"

"Sila ay nag kakamali,lahat ng tao ay may halaga lahat ng tao ay may iba't ibang nakakayang gawin o angkin talento"

kinausapng kinausap ni Greg si Mira upang maging komportable siya, ngunit pagkatapos ng ilang minuto may naalala na naman ni Mira ang tungkol sa kaniyang pamilya na pilit siyang hinuhusgahan dahil sa kaniyang paa at sinabi niya din kay Greg ang tungkol sa kaniyang pangarap na maging directress ngunit hindi siya pinapayagan ng kaniyang mga magulang dahil sa kaniyang paa at ginawa na lang siyang tagabantay ng karenderya nila.

"Paano ka makakapag trabaho ng mabuti kung putol ang iyong kabilang paa?"

"Hindi ka magiging mahusay na directress kung ganyan ang iyong kapansanan"

"Wala ka nang kwenta"

Yan lahat ng mga naalala at pilit bumubulong sa isip ni Mira,mga binabatong salita galing sa kaniyang mga magulang,kaya't wala na syang ganang mabuhay pa sapagkat ang tingin nalamang sakanya ng kaniyang magulang ay walang kwentang anak.

Dito nagsimula ang pagiging kaibigan nila Greg at Mira...

Naalala ni Greg na sya ay nakakabalik sa nakaraan o sa hinaharap, sinubukan ni Greg puntahan ang nakaraan ni Mira subalit hindi nya ito magawa...

Kinagabi pag uwi ni Greg sakanyang tahanan sinubukan nya puntahan ang nakaraan ni Mira, pabalik-balik ito sa pinto subalit hindi parin nya magawang makapunta sa nakaraan ni Mira,si Greg ay nag tataka ng husto kung bakit hindi sya makapunta sa nakaraan ni Mira.

Kinabukasan si Greg ay nag punta ky Mira upang tanungin kung bakit naputol ang kaliwang paa ni Mira

"Mira pwede ba kitang makausap?" tanong ni Greg

"Pwede naman, ank ba ang iyong pakay?" sagot ni Mira

Si Greg ay nag dadalawang isip kung ipapatuloy nya ba ang kaniyang plano na tanungin si Mira kung bakit maputol ang kaniyang paa...

"Naalala mo pa ba kung bakit naputol ang iyong kaliwang paa?" Tanong ni Greg sabay buntong hinga..

Si Mira ay di makasagot ng biglang tumulo nalamang ang kaniyang luha, naalala niya lahat ng pangyayari kaya't itoy napaluha, Si Greg ay nagulat sa reaksyon ni Mira pinagsisihan ni Greg ang kaniyang ginawa.

"Tama na! Ayoko nang balikan pa ang pangyayaring iyon!" Sigaw ni Mira habang ang luha niya'y pumapatak

Si Greg ay hindi makasagot sapagkat sya ay nag sisisi sa kaniyang ginawa

"Ang pangyayaring iyon ay sinira lahat,buhay ko,pangarap ko at lahat lahat!" sigaw ni Mira

Si Greg ay hindi parin makasagot,hindi parin umiimik si Greg hanggang nag tanong si Mira

"Bakit mo natanong?"tanong ni Mira

"Maniwala ka man o sa hindi.....,sandali pano ko ba toh ipapaliwanag mukhang hindi kasi ito kapanipaniwala.....,isa kasi akong manlalakbay panahon, nababalikan ko ang nakaraan at nababago ito at napupuntahan ko rin ang hinaharap kaya't nakikita ko ang mga dapat palang mangyari" wika ni Greg

Sa sinabi ni Greg hindi makapaniwala si Mira, kaya't pinatunayan ito ni Greg ky Mira....

Walang trabaho si Greg kaya't pumunta nalang sya kung saan saan kasama si Mira,naghanap si Greg ng mga taong nakita niya na sa hinaharap at sasabihin niya ky Mira ano ang mangyayari palang sa mga taong yun...

Si Greg ay may tinuro na matandang babae at sabi ni Greg

"tignan mo yun Mira, siya ay sasakay sa bus at baba ulit dahil mali ang kaniyang nasakyan..."

Tama ang sinabi ni Greg, ang matandang babae na kaniyang tinuro ay sumakay sa bus at bumaba rin ito,laking gulat ni Mira na tama ang sinabi ni Greg,kaya't simula nun ay naniwala na si Mira na si Greg ay isang manlalakbay panahon