webnovel

GUITAR STRING

Pagkatapos ng malagim na pangyayari sa section namin, napag-isipan ng guidance namin na tuluyan na kaming pagbakasyonin dahil dalawang linggo na rin lang naman ang nalalabi sa amin. Bumalik na lang daw kami kapag kuhanan na ng mga classcards namin para sa ganun ay maka-recover kami sa naganap sa amin.  "P're punta kayo dito sa bahay. Mag-isa lang ako at wala magawa dito. Shot tayo ng tropa", text ni George ang bestfriend ko sa klase at presidente namin."Sige dud punta ako, daanan ko lang si Jane.Text mo na rin ang iba na sumunod na rin." Mag aalas-siete na rin nang dumating kami ni Jane at tumatagay na ang buong tropa. Si Jasper ang varsity player namin. Si Mitch ang pinakamaliit sa tropa. Si White, syempre ang pinakamaputi sa amin na may lahing dollar. Si Venus ang malandi naming kaklase na may gusto kay Jasper. Kaming pito ang solid na magkakatropa sa room namin. "Dud ano na ba ang resulta ng investigation sa pagkamatay ni sir Dante," tanong ko kay George dahil s'ya ang kinausap ng pulis na kakilala n'ya noong araw na nagpakamatay ang prof namin. "Ang sabi sa akin, tinanong nila ang nanay ni sir Dante at hindi rin daw nito alam kung ano ang problema ng anak n'ya. Pero napapansin n'ya na parang matamlay ang anak n'ya mag iisang buwan na. Pero bago noong araw ng pagkamatay ni sir ay bigla na lang daw itong yumakap sa kanya at sinabing mahal na mahal n'ya daw ito bago umalis na hindi naman lagi ginagawa ni sir," sagot ni George. "May nakakapagtaka pang nangyari. " Naalala n'yo yung kakaibang binigkas ni sir bago n'ya hiwain 'yung tiyan n'ya? Para kasing isang sumpa 'yung sinabi n'ya", singit ni Mitch. "Hmmm,teka, bakit n'ya sinabing kung hindi n'ya gagawin na magpakamatay ay pamilya n'ya ang mapapahamak, hindi kaya may kaaway si sir at may tinatagong malaking sikreto at pinaghahanap na s'ya kaya naisipan na lang magpakamatay," dagdag naman ni White. "Nakita n'yo ba kung paano lumabas yung bituka ni sir, iwww, kadiri talaga. Hindi na tuloy ako makakain ng isaw ngayon. Nakakapanindig balahibo. Jasper yakapin mo ako, natatakot ako", landi naman ni Venus kay Jasper na pilit nagpapayakap. Si Jasper naman ay pilit na lumalayo. Napayakap naman sa akin si Jane at hinalikan ko s'ya sa noo. "Mga dud, tama na nga 'yang takutan na yan. Wala na tayong magagawa sa may toyo nating professor. Ang magagawa na lang natin ngayon ay magpatuloy sa mga buhay natin at mag enjoy. Tapusin na natin 'tong inuman natin at baka hanapin na ang mga babae ng mga magulang nila", yaya ko sa kanila. Dumating na ang araw ng kuhanan ng mga classcards namin at halos kokonti lang kaming kumuha. Ang iba ay mga magulang nila ang pumunta dahil hindi pa raw kaya ng mga anak nila na makita ang school namin. Ang iba naman ay mag tatransfer na lang daw ang kanilang mga anak sa ibang school sa pasukan. Talagang marami sa amin ang na trauma sa ginawa ni sir. Naisip ko na hindi ba n'ya inalala kaming mga estudyante n'ya sa nangyari sa kaniya? Dumating na ang bagong buwan at bakasyon na ng lahat ng mag- aaral. Ang sarap nag tulog ko kahit na tanghali na. Nagising na lang ako ng may tumatapik sa akin na parang humahangos. Si Jane. "Chad gising, may emergency", umiiyak si Jane habang nagsasalita. "Ano bang nangyari", tanong ko kay Jane habang yakap-yakap ko ng mahigpit. Nanginginig s'ya na parang takot na takot. "Chad puntahan natin si Windy, nag text ang mama n'ya nagpakamatay daw si Windy. Dali- dali akong nagbihis at wala ng hila-hilamos naming pinuntahan ang bahay ni Windy. Madami na ang nakikiusyoso sa bakuran nila. Tinawag ko ang isang pulis na para papasukin kami dahil mga kaklase n'ya kami. Pagpasok namin ay umiiyak na napayakap kay Jane ang mama ni Windy. "Tita ano pong nangyari? Asan po si Windy," tanong ni Jane. "Nasa kwarto pa s'ya at di pa naibababa dahil iniimbistigahan pa ng mga pulis, Jane ang anak kooooooo....!!! Hiyaw na mama ni Jane habang nakayakap sa kanya. Dahan- dahan naming pinuntahan kung nasaan si Windy at laking gulat namin sa nakita. Nakabigti si Windy. Ang masaklap ay gumamit s'ya ng nylon string at sa sobrang ipit nito ay nalaslas ng kalahati ang leeg ni Windy at malapit na itong mapugot. Napatakbo si Jane at ako naman ay napaupo sa isang gilid. Hindi pa namin namamalayan na ito na pala ang unang araw ng sumpa ni sir Dante.