webnovel

Paalam Muna Sa Ngayon

Kilalanin ang tatlong characters sa kakaibang kwentong di nyo malilimutan... Ito ang aking First Installment sa aking Ibraim Sorrento Novel Universe... Happy Reading at ihanda ang inyong puso sa pagbabasa.

IbraimSorrento · Urban
Not enough ratings
19 Chs

Chapter 7 - JOSHUA KENT CARINGAL

Humingi si Josh ng pera sa kanyang ama at di siya nagkamali sa inaasahang magiging reakson nito sa kanya. Narinig niya mula sa kanyang ama ang mga salitang inaasahan na niyang lalabas sa bibig nito.

"Para san? Sa inuman at sa kung anu-anong bisyo mo?" Tuloy-tuloy sa pagsumbat ng ama sa kanyang mga kalokohan.

Hindi rin nakaligtas dito ang sugat sa labi ng anak, "At napaaway ka pa yata."

Di niya ito binigyang pansin. Tanging nasa isip lamang ay ang perang kailangan niyang maibalik. At masisisi nga ba niya ang ama kung pagsalitaan man siya nito? Siya. Si Joshua Kent Caringal. Ang patapon na anak ni Atty. Jaime Caringal. Na wala ng binigay kundi sakit ng ulo sa kanyang ama. Kaya masisi mo nga ba siya?

"Di ka na bata, Joshua! Dapat nga ngayon ay nasa kolehiyo ka na. Pero anong ginagawa mo sa sarili mo? Sa tingin mo ba madali lang sa akin ang lahat ng to? Akala mo ba..." di na naipagpatuloy ni Jaime ang sasabihin sa anak. Tiningnan lamang siya nito ng taimtim at tila tinitimbang.

Pinagmasdan ni Josh ang ama. May mga kulubot na rin ito sa magkabilang gilid ng mga mata.... tanda ng paglipas ng panahon at lungkot na pinagdadaanan.

"Dad... kailangan ko lang mabalik sa isang barkada ang pera. Kahit na ibawas mo to sa allowance ko ngayong linggo." mariin niyang tugon sa ama.

Tiningnan ni Jaime ang gawain sa kaharap na laptop. Marami siyang kailangang tapusin. Wala siyang panahon na makipagtalo pa sa anak sa mga oras na iyon. Kaya mula sa pitaka ay naglabas siya ng apat na raang piso at iniiabot sa binata.

Ramdam ng ama na malalim ang dahilan ng paghingi ng anak niya ng pera. Hindi ugali ni Josh na iaawas ang halagang hiningi sa halaga sa allowance sa kasunod na linggo. Pasasaan pa at di naman nawawalan ng pag-asa si Jaime na babalik ang dating Josh na kanyang anak.

"Salamat, Dad. Babawi ako." Yun lang at nagpatuloy na si Josh sa kanyang lakad.

Sinundan na lamang ni Jaime ng tingin ang anak habang papalabas ito ng kanyang office room. Muli, naalala niya ang masasayang sandali nilang mag-ama... nilang pamilya...