webnovel

Outlier

Lilliana grew up in a family of soldiers. Her father is a soldier and so are her brothers. Imagine living in a camp where you get to see them everyday. It does something to your system, something good. It taught you how to be brave and to be responsible - to own your actions because there's no one that should be held accountable for it other than your own. All her life, she believes that is also her calling. But life happens, it intervenes.

MarielleDomingo · Urban
Not enough ratings
23 Chs

The Reconciliation

I woke up with a massive headache. Fuck. A word that is banned from the Severinos feels so apt as of now. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak matapos makipag-usap kay Joaquin. Ito ang unang beses na napaluha ako dahil sa sama ng loob simula nang maging kami. Ibinuhos ko ang nararamdaman hanggang sa makatulog. Saksi ang unan sa mga nangyari ng gabing iyon.

Sinalo ko ang aking ulo at pilit na umupo. Tagos ang sinag ng araw sa aking kwarto. Tinanghali na pala ako, bagay na hindi dapat lalo na sa mga Severino. Nagrereklamo na rin ang aking tiyan sa gutom.

I reached for my phone and saw his missed call. Nagtext din siya kagabi. I composed a message telling him how sorry I was for having my mood swing got the better of me followed by a promise that I will call him back once I am free. Call me prideful, but there's no way I'm gonna question him and demand an explanation. It is my right to know what will happen especially if it will affect me. This relationship will not function if I'm the only one concerned about our future. But I remind myself not to rush things cause maybe he is not yet ready.

Days passed by like usual. Until he called me one time and informed me that he'll be arriving at the airport. Sabik sa presensya niya, dali-dali akong nag-ayos at nagdesisyong salubungin siya. Hindi alintana ang mga problemang ininda.

The moment he walks I knew that I'm done for. Those stern eyes affects me despite the distance. He can demand anything and I'll willingly obey, like a willing victim to a prey. I'm enchanted by Joaquin. This, I cannot deny.

His lips curled a bit and my heart stopped. Bakit ang lapit na niya agad? Lumunok ako at ngumiti. He's your boyfriend. Ano ba! Shaking myself free from his clutches. "Lilliana." natuyo ang aking labi ng marinig siya. He placed his hand on my waist and hugged me. Squizzing it to confirm that I am there, with him. "I'm here." then he kissed my head.

Tumango ako at bumuntong hininga. "Namiss kita. Sobra." medyo nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko wala ng kulang kapag kasama siya. Kaagad din akong lumayo dahil sa iilang pasulyap-sulyap ng mga tao sa paligid. I need to restrain myself. Kung ako lang ang masusunod baka hindi ko na siya pinakawalan pa.

He led me to their car. Tumango lang ako kay manong ng makita ito. Sanay na siyang magkasama kaming dalawa ni Joaquin tuwing nauuwi siya.

Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi sa kanila. Nakapulupot ang kaniyang kamay sa aking katawan, para bang ito ang nararapat na kinalalagyan. Napangiti ako sa kilos niyang natural na natural.

Napansin ko ring medyo pagod siya. Joaquin prefers not to sleep when he travels. Lalo na kapag mag-isa kaya naman tinapik ko ang aking balikat at pinasandal si Joaquin dito para makapagpahinga. Hindi nagtagal ay nakaidlip din siya.

Having him all to myself, I cherished every moment. He's dangerously gorgeous. His dark hair was much longer compared to the last time I saw him. I envy those thick lashes on him. I sighed, contented even with the silence. After an hour, we arrive at our destination. With his things brought inside, he pulled me straight to his room.

"Joaquin!" napatili ako ng hilain niya palapit sa kama. Tila hindi pa nakuntento at binuhat ako para ikandong. "What are you doing?" I said as I gritted my teeth. He reached for my waist to steady me. That damn scent attacked my senses, rendering me defenseless. Lalo pa ngayong ako'y nasa bisig niya.

I know I should feel safe with him. Pero ngayong kami na lang dalawa, ramdam ko ang kaba. I can defend myself. The problem lies with whether I am willing or not. And God knows I am not.

He plays with my curls while staring intently at me. Tinitimbang ang kung anong nasa isip niya. "Shouldn't you say something?" anas niya. His breath fans my face. I can feel my face blushing. His naughty hand roaming my curves. I'm not slim. This is one of the reasons why I can't be an athlete despite my desire to be one. Helpless, I gathered my courage and looked at him, not fighting the pull of his eyes. I took my time tracing his masculine features with my morena hands. "O baka may itatanong ka?" malalim na sabi niya. My hands froze.

"Sigurado ka ba? Na gusto mong tanungin kita?" both of us knew. The reason why there's some wall separating us recently is because of his enlistment. Alam niyang batid ko na ang totoo pero kung bakit hindi ko pa binabanggit ay hindi niya matanto. Lumabas na kasi ang listahan ng mga bagong kadete na nakapasa. Gaya ni sangko, kasama rin ang pangalan niya.

"Yeah." dama ko ang bilis ng pagtibok ng puso niya mula sa palad ko. Mabuti naman at hindi lang ako ang kinakabahan. Hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa aking baywang. "Ask." his eyes pleading.

"You're leaving." sa halip na magtanong ay ipinunto ko ang bagay na iniiwasan namin. He closed our distance, resting his forehead on mine. Huminga siya ng malalim at pinatakan ng halik ang aking labi. Parang paru-parong kay lamyos ng pagdampi.

"Temporarily." paglilinaw niya. "Four years." sabay pagdila sa kaniyang labi. Nakita ko ang determinasyon pagmulat ng kaniyang mga mata. "Ano sa tingin mo?" this is it. Kailangan kong ipahayag ang opinyon ko. Pero bakit parang ang hirap? Ayaw kong pigilan siya lalo na kung ito talaga ang gusto niya. Ngunit paano naman ako?

May mga bagay na pilit nating isinasantabi ngunit hindi maiiwasang maungkat sa huli. We never talked about his plans. I dismissed the issue as something trivial even though I know it is not. Now, it's biting me back. The truth is, I'm hoping for him to share his thoughts to me. At dumating na nga ito. Bakit parang naduduwag ako ngayon?

"Kailangan pa ba?" bakas ang tampo sa pagkasabi ko. Niyakap niya ako at ibinaon ang ulo sa aking leeg. "You don't even need my opinion." bulong ko.

"You know that's not true." mahinang sabi niya. "I need you. I need you to be there for me. Lilliana, tell me you understand." I can hear the insecurity in him. This man, who can lead others older than him despite the pressure, looks so miserable.

"Pero bakit ngayon mo lang sinabi?" ito ang tinik sa aking puso. Bakit hindi noong nagfill-up siya ng application form? O kaya noong nakapasa na? Pwede rin naman noong sumailalim sa physical, dental, medical, psychological test. Marami ng nakalagpas na pagkakataon. "Bakit ngayon lang? Ngayon lang kung kailangang paalis ka na." I bit his shoulder to vent my frustration. He groaned at the sudden pain but relaxed his muscles after. Accomodating me. Welcoming my rage.

Ihinarap niya ang aking mukha matapos akong kumalma. He kissed both of my eyes, then the tip of my nose. His lips trailing mine, hovering above. Just enough to feel its warmth. "Natatakot ako." his voice was a little bit shaky. "Natatakot akong mapahiya. The Severinos are excellent soldiers. Walang sinuman ang bumagsak sa inyo. Kaya naisip kong tsaka ko na lang sasabihin pag sigurado na. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa iyo pag hindi ako natuloy? Hindi ko kaya Lilliana." nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Parang kinukurot ang aking puso. Sandamakmak na tusok ang inaabot nito. Napagtanto kong siya ang kahinaan ko. "Ayaw kong mag-iba ang pagtingin mo sa akin. Hindi ko kakayanin pag nagkata-" hindi ko na siya pinatapos pa. Hindi nababagay kay Joaquin ang maging malungkot.

Siniil ko ng halik ang kaniyang nanunuksong labi. Hindi ko man alam kung paano ang gagawin, sinubukan ko pa rin. Ilang dampi ang ginawa ko, kasabay ng ilang pagdiin. Nakaramdam ako ng hiya ng marinig ang pag-ungol niya. May kung ano rin akong nararamdaman sa aking ibaba. Bigla akong natauhan. Sa sobrang takot ay pinilit kong kumalas.

Nang maisip ko ang sinabi niya, medyo lumambot ang aking puso. "Do you think I'm that shallow?" medyo hingal na tanong ko. Umiling siya.

"Hindi. Hindi ka ganoon." tumikhim si Joaquin. Namumula rin ang kanyang tainga. Hinawakan ko ito at nakumpirma ang init. Napailing na lang ako.

"Buti naman alam mo." biro ko sa kaniya. "You should stop thinking like this. I'm not a judgemental person. Alam mo iyon. Isa pa, sino ba kasing may sabing madaling magsundalo?" pag-uusig ko.

"Indeed. You're not a shallow person. Paano magiging tayo kung ganoon?" his eyes twinkling mischivously. I pinched my lips not to give in.

"Be serious. Stop distracting me." hinawi ko ang kamay niya.

"Do we still have any problem? Tell me now." good. A relationship should be like this. Open. Hindi na dapat dinadaan sa hulaan. Ito ang mali ko. Madali lang namang magtanong at magsabi. Ito ang dapat naming matutunang dalawa.

"Hindi ko alam kung pinapalaki ko lang ba ang problema pero hindi ko nagustuhan na sa iba ko pa nalaman na magsusundalo ka. Ayaw na ayaw ko ang pakiramdam na iyon Joaquin." huminga akong malalim. "Na para bang hindi ako kasama sa mga importanteng tao sa buhay mo. Kailangan ko bang kwestyunin ang lugar ko sa iyo?" nanginginig ang boses at ilang luha ang pumatak sa akin sa huli. Ito ang pangalawang beses na umiyak ako dahil sa kaniya. Pero iba ang ibig sabihin ng iyak na ito. Para bang gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ang lahat.

"I'm sorry Lilliana. Hindi na mauulit pa." at naniwala naman ako.

Not related to the chapter:

Appreciate everything while you still have them. Let's start practicing being vocal.

One of my greatest regret is not saying how I am proud of my dad. ♡♡♡

MarielleDomingocreators' thoughts