webnovel

Outlier

Lilliana grew up in a family of soldiers. Her father is a soldier and so are her brothers. Imagine living in a camp where you get to see them everyday. It does something to your system, something good. It taught you how to be brave and to be responsible - to own your actions because there's no one that should be held accountable for it other than your own. All her life, she believes that is also her calling. But life happens, it intervenes.

MarielleDomingo · Urban
Not enough ratings
23 Chs

Simula: Life Happens

Have you ever cried so much? Yung iyak na umabot sa hindi ka na makahinga. Sa sobrang bigat ng nasa dibdib mo, hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo.

Pakiramdam ko napag-iwanan na ako ng lahat. I am lost, I can never go back. Paumpisa pa lang ang laban pero nabigo na ako.

Sa lahat ng dahilan na pwede kong ikabagsak, ito pa talaga. Tuloy-tuloy ang daloy ng luha ko kasabay ng pagkalambot ng tuhod. Napaupo na lang ako sa sahig.

Paano na ngayon?

I never wanted something so much as I wanted to be a soldier. Yun lang naman. Hindi dahil sa sundalo si dad o sila kuya. Hindi dahil sa sundalo sila tito o yung mga pinsan ko. Kung hindi dahil yun yung gusto ko.

I wanted to be a soldier because that's my dream. Ito ang pangarap ko simula nung bata pa. That's who am I supposed to be. Or so I thought. Pinaniwala ko ang sariling kaya ko din dahil nakaya naman ng pamilya ko.

Everytime dad went home after his duty, I am there. Just waiting for him. Seeing him wearing that uniform makes me so proud. How am I gonna be like him now?

Morning run was a tradition. Dad wanted us to be healthy and athletic as much as possible. My brothers became soldiers because that's what is expected from them. But not to me.

Malaya akong pumili ng kung anong gusto kong gawin sa buhay because I'm an only girl.

Gusto kong sumigaw.

Isigaw at iiyak kung bakit ganito. Bakit sa akin pa? Isang test na lang sana pasok na ako. Mag-eempake na lang at sasabak na sa training sa susunod na buwan.

Para akong nagising sa panaginip. Para akong batang naagawan ng candy na wala ng iba pang solusyon kung hindi ang umiyak. Bukod dito mayroon pa ba akong ibang magagawa?

I've prepared so much and have planned everything only to lose it in the end. I have my goals.

But why? Why? Ano ba namang kalokohan 'to? Kinurot ko pa ang sarili ko kasi baka naman hindi ito totoo. Baka isang panaginip lang ang lahat. Magigising na lang ako kinabukasan na parang walang nangari. Everything is where it should be.

"Aaaahhhhhhhhhh!" Dalawang linya pa din ang nakikita ko. Hinagis ko ito palayo sa akin. Tuloy-tuloy pa din ang pagbagsak ng luha. Parang dam na kapag nabuksan ay mahirap ng pigilan.

Hindi ko namalayan na nasa kwarto ko na pala si diko. Sinubukan kong itago yung pregnancy test kit pero huli na. Inagaw niya ito sa kamay ko.

"D-diko Zach" natatakot ako na nahihiya. Hindi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni diko. Titig na titig sya sa bagay na hawak niya. He calmed himself before looking at me.

"You're pregnant" bulong niya. Hindi na nagtanong dahil iyon ang totoo. I am pregnant.

Di ko na siya sinagot. He knows. And soon dad will come to me too. Seeing his disappointed face makes me cry harder.

He hugged me. Kagaya nung ginagawa nya nung bata kami. Pilit na pinapasan pati mga problema ko.

"I'm… I'm sorry" sabay ng marahang pagtapik nya sa aking likuran na para bang hinehele ako.

"Sshhh. Don't cry. No more crying."

Natawa ako ng bahagya. He tried. He tried to mask the disappointment in his eyes pero nakita ko pa din. Kung ganito na si diko, paano pa kay dad? Kuya and sangko will be the same for sure. Ano pang mukha ang maihaharap ko?

"I g-got… dis-disqualified" garalgal na sabi ko. My dreams. Naglaho na lang na parang bula. Ganun-ganun na lang. But I got something in return. Someone rather.

"Sshhh. We'll figure this out. You have me. You have us" paulit-ulit na pagsabi niya para mapatahan lang ako.

The Severinos were strong - ito ang turo ni dad sa amin simula bata pa.

Nanginginig na kamay ang ihinaplos ko sa aking tiyan. Tuloy pa din sa paghikbi. Feeling that I have calmed down a little, diko helped me para makaupo na sa kama.

"Congratulations Lilliana" sabi ni diko habang sinasalubong ang tingin ko. Nakita ko ang tanong sa kaniyang mga mata, may halong pagdududa.

Tipid na ngiti lang ang sagot ko sa kaniya. Hawak ko pa din ang tiyan ko. Pilit kong dinadama ang init na mula sa kaniya.

I know what's coming. I'm sure of it. This time, hindi ako masayang tama ako ng marinig ko na ang tanong niya.

"Sino?"

"Sino?" ulit ko sa tanong niya. Baka sakaling makuha niyang ayaw kong pag-usapan ito. Madalas pinagbibigyan niya ako pero not this time.

"Stop escaping the inevitable." he's right. Kahit ano pang takas ko sa katotohanan, darating ang panahong kailangan ko pa ding harapin ito.

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang susunod na pag-iyak. Despite this, he sternly looked at me. Halatang galit sa nangyari.

"You don't have a boyfriend. Do you?" I stilled for a second then tried so much to relax. Namula ako, sabay iwas ng tingin. How am I supposed to say the truth? I don't want to confess!

"Lilliana" may pagbabantang sabi niya, naningkit ang mga mata. The eyes were Severinos' trademark. It's like they can see through you. You can never hide the truth.

"Tell.Me."

Matapos ang ilang sandaling hindi pa rin ako sumasagot, nagsalita uli siya. Tapos ng isipin kung sino ba ang ama ng batang dinadala ko.

Hindi ko na kayang itago pa. Iilan lang naman ang lalaking malapit sa akin kahit noon. Alam din ni diko yon.

"Don't tell me…" tumayo sya ng makita ang kumpirmasyon sa mukha ko.

Malulutong na mura ang pinakawalan niya.

"Fuck. No. No! I'm gonna kill that …" pulang-pula sa galit ang kaniyang mukha. Nanggigigil sa katotohanang nasa harap niya. Nakita ko na lang na hawak-hawak na niya ang kaniyang cellphone para tumawag.

"No!" sabay agaw ko. I ended the call.

"Please. Diko, please let me tell him. Give me time." pagmamakaawa ko sa kaniya. Hindi pa ako handa.

He's staring at me na para bang sinisigurong hindi ako nagsisinungaling. Bumigay na din si diko sa gusto ko. Hinawi niya ang buhok sa aking mukha.

"Okay. Whatever he says, tell me. You have to tell me."

I don't know how I fell asleep. Sa dami ng nasa isip ko, nakatulala na lang ako sa bintana.

Maiingay na yapak ang narinig ko. Bigla na lang bumakas ang pinto at iniluwa nito si dad kasunod ang tatlo kong kapatid.

"Lilliana Esperanza!" galit niyang sigaw sa akin sabay tapon ng papel - the result that the army doctor gave me, the reason for all of these. Then the waterworks started again.

"What have you done?" hawak-hawak ni kuya at diko ang magkabilang kamay ni dad. Pumagitna naman si sangko sa amin.

"Dad I'm s-sorry." mahinang sabi ko.

"Sorry? You got pregnant ng wala kang boyfriend?"

"H-hindi ko po s-sinasadya" agap ko.

Hindi ko alam kung paanong nakalas niya ang pagkakahawak ng dalawa, sabay sampal sa akin. I stilled, hindi makapaniwalang pinagbuhatan ng kamay ni dad. This is the first time. A tear fell kasabay ng pamamanhid ng aking pisngi.

"Can you hear yourself? Wala bang kwenta ang mga turo ko sa inyo? You're a Severino!" sabi niya habang dinuduro ako.

"I'm sorry dad" iyak ko habang hawak ang namamagang pisngi.

I'm sorry. That's the only thing I can say. I don't even know if I'm entitled to it.

Sangko hugged me. Alam na niyang nanlalambot na ako, nahihirapang huminga.

"Alam mo man lang ba kung sino ang ama?" he sneered. At me. Desperado na may tama akong nagawa. Kahit ito man lang.

"Opo. S-si… si Joaquin po." pag-amin ko. Then came the moment of silence, the calm before the storm bago maputol ang pasensya ni dad.

Ang galit na tingin niya na ipinukol sa akin ay nailipat sa aking mga kapatid.

They stood straight. Just like they always do kapag pinapagalitan ng ama, kapag pinagsasabihan ng kanilang superior.

Of course they knew Joaquin. Joaquin Percival Lopez, their childhood friend, is a marine. Sundalo din gaya nila. They were the ones who opened our doors kay Joaquin. Not that he needed a house but he sure needs a home.

Nobody expected us to do this thing, to even have a thing. He's like my adopted brother. Saksi sa paglaki simula nung bata pa.

I witnessed their parade of girls. And oh boy do they have a lot girls.

Dad gave us the look, the look that says he's disappointed-and-tired and you-better-fix-this, then walked out. Iniisip kung saan ba siya nagkamali.

It is such an exhausting day. Mag-isa na naman ako. Humuhugot ng lakas ng loob sa kung saan pa pwede. I need to make this call.

Sinagot na ni Joaquin ang tawag pagtapos ng ilang sandali.

"Hello?" sabi ng babae sa kabilang linya.

Natulala ako. Hindi alam kung sino ba ang babaeng ito.

"S-si Joaquin?"

"Oh, he's sleeping. Nagkasakit sya. Do you want me to wake him up?"

"No! I-I mean… just say that-that… nothing. I'll just call him again. Thanks" I ended the call.

So much for expecting something different from your papa.