webnovel

our sort off fairytale

[ COMPLETED IN BOOKLAT & SWEEK | UPDATES WEEKENDS ] "I love you because everything seems better when you're there, when you're right here with me." Marquis Gilbert von Beckenbauer was left for dead on the hands of his competitors because he had the lead of the game for his country's princess husband search. Nagising na lang siya na nakabenda at sa realisasyon na nasa ibang bansa siya. Walang envoy. Walang phone. Walang kahit ano bukod ang sarili at ang dala-dala niyang passport, kendi, at isang bill. At hindi siya gaanong nakakaintindi ng Tagalog. In short, he's practically going to have a really hard time getting back on the game. Hindi pwede iyon dahil hindi niya gustong mapunta sa kamay ng mga nagtangka sa kanya ang pinakamamahal niyang Prinsesa. Ang makakatulong na lang sa kanya ay ang nagligtas sa kanyang babae. The girl who he should have rather left alone but he can't. Not when watching her look like she carries the world in her shoulders makes him worry so much. And not when he's starting to care for her more than he even cares about anyone else. Pero... hindi ba ang prinsesa ang mahal niya?

pinutbutterjelli_ · Urban
Not enough ratings
23 Chs

three } A Stranger, Valwick, and Encounters Again

"P-PERO," marahang napamura si Marieke nang bumaba na ang kamay nito at nagkaroon ng mantsa ng dugo ang jacket niya. Kung hindi lang siguro black ang jacket niya ay makikita niya ang dugo. Wala naman siyang takot sa dugo pero ngayon parang kinikilabutan siya. The guy is bleeding a lot!

The blue-eyed guy cough. "Please... Don't. You can do it. You... You can help... Me."

"But you're going to die at this rate," sabi niya at lumapit dito. May alam siyang kaunti sa first-aid kaya hinubad na niya ang jacket at agarang tinali sa baba ng dibdib ng binata. Umungol ito sa sakit sa simpleng paggalaw lang niya rito. Napamura ulit siya dahil nagsisimula na naman siyang mag-panic. "I... Hold on."

Mabilis siyang tumayo pero inilagay na ata ng lalaki ang lahat ng lakas niya sa paghigit ulit sa kamay niya. Narandaman niya ang mainit na likido mula roon. May sugat rin kaya ang kamay nito? "Please. Zey can't zee me like zese. I... I will die."

"No... No worries. Maghahanap lang ako ng supplies, okay? I haven't even gone to College... God, what do I know? Pero... " hindi na siya nag-aksayang isalin iyon kahit mukhang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. Basta binigyan niya na lang ito ng tingin na nangungusap na pagkatiwalaan siya nito. Mas aatakihin siya ng anxiety kung papanoorin niya lang ito at hindi iyon magiging maganda para sa kanilang dalawa.

He wheezed and gradually lets her go. Tumango ito at tumango siya pabalik bago tumakbo papasok ng airport. Naghanap siya ng drugstore habang nanginginig pa ring nagta-type sa kamay ng kung anong pwedeng gawin para sa lalaki. Mukha na nga siyang naiinis at naiiyak sa ibang mga tao pero hindi niya pinansin. She just went on.

Nakahanap naman siya agad ng drugstore. Pumasok siya at nagsimulang kumuha ng mga sterile na bandages, alcohol, and some medicine. D-in-ouble check niya saka nagmamadaling iniharap sa counter. "Pakibilisan po, please," agaran niyang sabi. Nagpa-panic na siya. She can feel it coming. Huminga siya nang malalim ng ilang beses. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima.

"Miss, are you okay?" Humarap siya sa counter na malalaki ang mga matang parang ginulat ng kung sino. She shifted her eyes and bit her lower lip. "I-I'm fine," kumuha siya ng pera mula sa bulsa at ibinigay sa counter. Kinuha ito ng asa counter at bumalik siya sa breathing exercises niya. Pakiramdam niya nahihilo na siya at mabubuwal na ata. Hindi pwede... I need to...

May kung sinong humigit sa braso niya na ikinagulat niya. She looked harshly at the person. He's tall, blond, and has the body built of someone who goes to the gym once a week. Hindi masyadong maskulado pero alam mong may muscles. Nakasuot ito ng itim na shades na bumagay sa suot nitong itim rin na trench coat. At kung mas titignan niya siguro ito ay mapapansin niyang may pagkahawig ito sa lalaking sasaklolohan niya.

"W-what--"

Hinawakan nito ang kamay niya at nakakunot noong nagpahigit siya. Napahigpit ang hawak niya sa kamay nito. "Right. Do that. Focus on your breathing and calm down," wika ng lalaki na medyo lumingon sa kanya.

Tumango siya at sumunod. "Saan ka pupunta?"

"Parking," sinabi niya rin kung asaan ang binatang sugatan. "I... He asked me not to..."

Umiling lang ang lalaki. "Focus. And I'm a doctor by the way."

Kumunot ang noo niya pero hindi na siya makalaban dahil kailangan niya pa ring kalmahin ang sarili. Kaya nagpatianod na lang siya. Dinala siya ng doktor sa parking lot at sakto namang doon na siya tuluyang kumalma.

Bumitaw na siya sa doktor at lumapit sa estrangherong sugatan na hanggang ngayon ay lumalaban para hindi mawalan ng ulirat. He's holding on his dogtag while breathing in and out slowly.

"Vho?" tanong nito at nakita niya ang pagdaan ng panic sa mukha nito nang makita ang doktor na kasama niya. "You didn't--"

Umiling siya. "Uh... He can help. And he's not from the hospital," Binalingan niya ang doktor na tipid na ngumiti.

Mahinang tumango ang estranghero at nagbigay permiso sa doktor. Sinubukan niya namans patahimikin ang boses na bumubulong sa kanya na nagsasabing hindi niya naman talaga mapagkakatiwalaan ang lalaking nag-claim na doktor. At sinasabing kargado-konsensya niya ang estranghero at kung mamatay man ito ay...

Nahila siya sa pag-iisp ng mga masasamang bagay nang magsalita ang doktor. "Okay, Miss. Please lay him down correctly."

She shakily nodded and did as told.

::

Pabalikwas na bumangon si Gilbert at gulat na gulat na tumingin sa paligid. Asa isang kwarto siya na mas maliit sa kung ano ang kwarto niya sa Dutchy. He shifted his eyes from left to right. Nervous. Alert. Scared.

Walang kahit anong gumalaw sa kwarto at nang masiguro niya iyon ay napahilamos siya sa mukha. Hinila niya pataas ang mga hita at inilagay ang ulo sa mga iyon. "Salamat sa Diyos..." mahinang wika niya sa salitang German.

He remembered what happened a few minutes later after he arrived in the Philippines. Ang akala niya ay magiging kalmado lang ang lahat pero bago pa sila makaalis ng airport ay in-ambush ang sasakyan nila at iniwan siya. He was left to bleed to death. The others will killed thru smaller devices, as small as a needle pressed to their necks. He was stabbed and beaten. Kinuha rin ng mga umatake sa kanila ang lahat ng pera niya along with his gadgets and his notes. Everything.

Gusto niyang magmura. He knew that the other Dutchys can be very competetive. He didn't know that they would go as far as killing his envoy and doing this to him. Viktor was right to be worried.

Tapos ngayon, asa kwarto siya sa kung saan sa Pilipinas. Nagamot at naagapan naman ang pinsala niya. Pero...

"Ano nang gagawin ko ngayon?" aniya sa Wikang German. Hindi niya alam kung paano na siya magsu-survive. Walang natira sa kanya. O wala nga ba? Itinaas niya ang ulo saka kinuha ang jacket niyang nakasampay sa isang upuan.

Hinalughog niya iyon at hindi naiwasang madismaya nang makita kung anuman ang natira sa kanya. His passport, a few spare change that he kept on a hidden pocket, isang piraso ng candy, at ang paborito niyang fountain pen. Nanlulumo na kinuha niya ang candy at inilagay sa bibig bago ibinulsa ulit ang mga gamit. Iyon lang. Iyon lang ang natira. God.

Napamura na siya. Nagpakawala siya ng ilang malulutong na mura sa sariling wika. He was alone. Wala siyang maintindihan sa pagTatagalog ng mga Pilipino. Kaunti lang ang alam niya. Hindi niya naman matawagan si Viktor. He had the number memorized. Pero hindi siya sigurado kung ano ang siste sa international calls. Idagdag pang wala siyang pera para pambayad sa gagawing tawag. What should he do now?

Narinig niyang bumukas ang pinto at sumusukong nagtaas siya ng mga kamay. If they plan to come back and kill him then fine. Magtitiwala na lang siya sa bodyguard ng prinsesa. Liningon niya ang nagbukas ng pinto. What he saw was a girl 11 inches smaller than him. Nakapamulsa ito at may nakasabit na plastic bag ng mga biscuit sa kaliwang braso nito. Nakakunot-noong tinignan siya nito. "Anong ginagawa mo?"

"P-Pardon?" mabilis niyang tanong. Are they sending innocent looking girls now? Those evil...

"Ah, oo nga pala," sabi nito sabay sara ng pinto. Lumakad ito at naupo sa upuan sa harap niya. "Are you okay?" tanong nito. "I... I'm sorry dinala kita sa cheap na apartment. I mean, I brought you to a cheap apartment because uh... Most apartments here aren't cheap. This one's actually... Um... Already expensive for me," nag-iwas ito ng tingin.

"You... Vho are you?"

Ibinaba na niya ang mga kamay. She didn't look like she meant any harm. Parang hindi nga ito mukhang makakapanakit ng kahit ano. Hindi rin siya sigurado kung bakit nga ba andito ito.

Tinitigan siya nito at mukhang iniisip kung ano ang sasabihin sa kanya. "Um... Marieke. My name is Marieke. You can call me Rie or Marie or Rieke, whichever."

"I... I see... Did you help me?"

Marahan itong natawa at napahimas ng batok. In the slightly dim light, he noticed that her hair had blue highlights on the lower streaks. Napailing siya. Bakit siya nagfo-focus sa buhok nito?

"Yeah. You magically appeared out of nowhere. And I can't possibly just leave you to bleed out to death there."

"Thanks..." Linunok na niya ang candy. "Fraulein Marieke. I... I appreciate ze help."

"Fraulein?"

"It's Miss in German."

"Ah." Tumango ito at nanatiling nakatitig sa kanya. Hindi niya maiwasang kabahan. She was looking at him as if she's finding something... A fault, maybe? But...

"Ah... Vere you expecting me to introduce myself?" he asks after a few minutes of awkward silence. Nag-snort ito bago tumango. Marahan naman siyang natawa bago inilahad ang kamay. "Gilbert von Beckenbauer, you can call me Gil if you prefer."

"...Oh," kumurap-kurap ito. "You said German... so you're from Germany?"

"Not exactly," wika niya. "Valwick."

Kumunot ang noo nito at nakahinga naman siya nang maluwag. She had no idea what his country was even. Well, sino ba namang aware sa lahat ng mga bansang asa mapa? Their country was fairly small. Only an island on the ends of Germany. And they really keep to themselves. May trading man na nagaganap ay andoon lang mismo sa mga karatig na bansa.

"Wait..." Inilabas nito ang phone at saglit na tumipatipa bago ito hinarap. "Oh, it is a country. Interesting. Bakit ka andito?"

"Pardon?"

"Ah..."

Napahimas ulit ito ng batok at nag-iwas ng tingin. "It's a personal question. Sorry. Um... Here." Inabot nito sa kanya ang plastic bag ng biscuit. She brought what seemed to be brands he had never seen on his life and... They're quiet small.

Hindi niya alam kung mabubusog ba siya sa ganoon. Pero hindi naman siya tumatanggi sa hospitality. At mukha namang nakaabala na siya ng sobra sobra dito. Kaya sa halip, nagbukas na lang siya ng isa at kumain. It's not bad. At all.

Mukha ngang gutom na gutom na siya at hindi pa siya nag-offer kay Marieke. Hinarap niya ito sa kalagitnaan nang pagkain at iniumang rito ang biscuit na hawak. Kumurap-kurap ito.

"Ah... Hindi. No. It's for you. I ate something a while ago. I'd treat you to something but I'm not really sure what you'd want so... I settled for that."

Lumunok muna siya saka tumango. "Thank you, Fraulein."

"...Yeah. Sige, kain ka lang... I mean... eat well."

Tumango siya ulit. Naintindihan niya naman ang ilan sa sinabi nito. Kumuha siya ng isa pang biscuit at kumain. Wala na namang nagsalita sa kanila. Marieke seems to be as quiet as he is. Kaya kung walang mangunguna ay maghapon silang hindi mag-uusap. He was kind off expecting questions. Kind off. If she didn't then it's okay.

"Are you dangerous?" kagyat ay tanong nito matapos niyang maubos ang huling biscuit. Lumunok muna siya at nagpunas ng bibig gamit ang panyong asa bulsa.

"No. I'm not."

"Are you in danger... I mean, will having you with me put me in danger?"

"No. I think they're assuming I'm dead. And I vould have been if you didn't save me. Thank you once again," he smiled. He can understand why she'd be afraid. He would be as well if he's in her position. "And I'm really sorry for the trouble."

Umiling ito. "Glad to help. Um... Is it alright if we uh... matulog um... sleep for now? We can go elsewhere tomorrow."

"You're going to stick with me?"

The girl smiles lightly. "You sound convincing but I'm tired and I'd rather rest," dumiretso ito sa couch na naroroon. At basta-bastang humiga at tumalikod.

"You can take the bed."

"Nah. And if you plan anything, I know where you're injured--"

"I von't."

Saglit itong humarap para balingan siya. Ngumiti siya rito. Ang sabi ng Ama niya noon ay kung gusto mong makuha agad ang tiwala ng isang tao ay dapat manatili kang nakangiti. At hindi niya naman ito niloloko. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

"And... If you don't want to come with me, I don't suggest that, but you're your own person uh... You can leave," tumalikod muli ito at narinig niya ang pait sa boses nito. "You don't have to say goodbye... Kahit... Uh... Just lock the door."

Tumango siya. Nanatili muna siyang nakaupo at tinitigan ang dalaga. She looks frail. Like porcelain. The kind that will break with the slightest mishandling. Base rin sa tono ng boses nito ay mukhang ilang beses na itong iniwan. May mga nagpaalam at may mga hindi. At sanay na ito sa ganoon na wala siguro talaga rito kung basta basta siyang umalis ngayon din.

Pinakiramdaman niya ang sariling katawan. Wala siyang marandamang sakit sa sinaksak sa kanya. His face does hurt though. At siguradong may mga kulay talong pa siyang mga pasa sa mukha. If anything else, he seems so-so. Hindi pa niya sinusubukang tumayo pero alam niyang baka mabuwal siya. Napatingin na naman siya sa dalaga. Paano kaya siya nadala nito gayong hamak na mas matangkad at mas malaki siya rito? Maybe, she got some help.

Napangiti siya. Hindi niya alam kung bakit siya tinulungan nito kahit mukhang dudang-duda ito sa kanya. Kaya ang magagawa niya lang ay magpasalamat. "I really appreciate it, Fraulein Marieke. Thanks for helping me."

Nagulat pa siya ng tinaas nito ang kamay at nag-thumbs up.