1 Prologue

"Vince," nakangiti niyang sambit. "Huwag kang matakot. Gawin mo kung anong nagpapasaya sa'yo. 'wag mong indahin lahat ng panghuhusga nila." Nakakapanatag ng loob ang boses nya.

Wala akong nagawa kundi ang titigan siya. Hindi ako makapaniwalang napagaan nya ang loob ko sa ilang salita lang.

Nang matanto niyang hindi ako sasagot ay agad niyang inilapit ang kanyang labi sa aking noo. Napapikit ako nang iginapos niya ang mga kamay sa aking leeg. Kung kaya, nang marahan niyang idinampi ang mga labi, ay wala akong nakita. Subalit ramdam ko ang lamig ng kanyang halik na tila pumukaw sa aking natutulog na sarili. At ang amoy ng kanyang pabangong mala-rosas ang waring nagsasabi sa'king kaluluwa na sundin ang anumang sinabi nya.

Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon upang hagkan din siya.

Wala akong balak na suwayin siya. Ninanais ko ring magbago. Nais kong maging malaya... kasama siya.

avataravatar