1 Chapter One: The Meet Up

OUR DATE Chapter 1. The meet up

"Wah!" Tili ko ng makarating ako sa aking destinasyon.

Ang Mall.

"Oh! Em! Ji!" Tili ko habang patalon talon akong lumapit sa entrance ng Mall.

Hindi na ako makapag hintay!

Habang papalapit ako ay tinititigan ako ng guard. Puno ng pagtataka ang kanyang mga mata.

Nginitian ko sya ng matamis.

"Good morning!" anas ko bago ipakita ang akibg maliit na bag na tanging wallet at cellphone ko lamang ang laman.

"Hmm... Good Morning, Maam." Tumatango pang bati pabalik sakin ng guard.

Ngumiti akong muli. Saka inilibot ang aking paningin sa loob ng mall.

Namiss ko ito. Yung pupunta ako para sa mahalagang bagay. Nakasanayan ko na ang pumunta rito. Madalas ay dahil sa kaparehong bagay at dahilan kagaya ngayon.

Inunti unti ko ang paglalakad. Unti unti, bumilog ang aking mga labi. Pakiramdam ko ay nagniningning ang aking mga mata sa sandaling iyon.

ICD CREAM!! GELATO!! OMG!!!

Ngunit ay unti unti akong napabusangot. Hindi pagkain ang ipinunta ko roon. Kailanga kong magtipid.

Mabibigat ang mga paang umalis ako sa harap ng stall na iyon. Ang sakit ng puso ko.

Nararamdaman ko ang pagkirot niyon. Nahihiraang akong huminga. Nanlalabo na rin ang aking mga mata. Sumisinghot singhot pa akong napalingon sa stall.

"Gusto ko ng ice cream..." pakiramdam ko'y tutulo na ang luha ko, kaya kahit labag sa loob ay  mas lalo ko pang binilisan ang pag alis roon.

Mas malayo, mas ayos. Malayo sa tukso.

Pumunta na ako sa kabilang dako ng Mall na iyon. Kung ano anong pagkain pa ang nagpatakam sa akin na sya pang lalong nagpabigat ng loob ko.

*kruu kruu*.

Napahawak ako sa aking tiyan. Dapat yata ay sumabay ako sa pagkain ng tanghalian kanina. E 'di sana'y hindi ako natutukso sa mga pagkaing nakalatag sa harapan ko. Na may roong ginintuang presyo.

Hay nako.

Tinampal tampal ko ang aking pisngi.

Umayos ka!!!

Napatango tango ako sa aking sarili. Napansin kong sinusulyapan ako ng mga napaadaan sa harap ko. Kaya muli ay tinahak ko ang daan patungo sa aking destinasyon ng nakayuko. Mas lalo ko ring inilugay ang aking buhok. Natatakpan ang aking mukha.

Hinila ko pa pababa ang aking malaking hoodie Jacket. Hindi nasisiyahan sa haba ng suot.

Pakiramdam ko kasi'y hindi iyon saat para mapagtakpan ang aking pagkatao.

Hinila ko rin pababa ang aking suot na cap. Hinigpitan ang kapit ng salamin sa mata.

Ayos lang kaya ang itsura ko? Kanina ko pa napapansin ang madalas na pagsulyap ngmga taong nadadaanan ko. Kilala kaya nila ako?

Kinabahan sa sariling naisip, binilisan ko lalo ang paglalakad.

Muli, ang pangit na disposisyon ko kanina ay napalitan ng kasiyahan. Ang mga luhang malapit ng tumulo ay bumalik bigla. At ang busango na mukha ay napalitan ng ngiti.

Isang makamandag na ngiti. Charot. Cute na ngiti lang.

Napapailing pa ako sa aking sarili ng napasok ko na ang loob ng store.

Ang daming sale! Makakatipid ako!

Kagat labing tinungo ko ang section ng mga librong gusto ko.

Ang iba rito'y nabasa ko na. Ngunit mas nanaig pa rin akin na mabili ang mga ito.

May nakita akong bukas

Pinapadaan ko ang aking daliri sa bawat librong nakikita ko. Magkakasya kaya ang pera ko?

"Argh! Asan ka ba kasi?"

Napatigil ako sa paglalakad. Hinahanap ang pinanggalingan ng tinig. Inilihis ko ang aking mga mata. May nakita akong anino sa dulo ng store.

Npalunok ako. Multo? Ay, tanga! Wala nga plaang multo nv tanghaling tapat. At lalo ng walang anino ang multo!

Nasampal ko nalang ang aking noo. Unti unti kong tinahak ang daan papunta roon.

Hindi ko ipinakita ang aking sarili.

Baka naman nagaayos lang ng libro? O, customer na may hinahanap na libro?

Itinago ko ang aking sarili sa isa pamg book shelf.

Pagkatapos ay inilabas ko ang aking noo ng paunti unti. Hanggangsa makits ko na ang may ari ng anino.

Napanganga ako.

Ang tangkad. At ang likod niya! Likod palang gwapo na ! Pano kaya kapag humarap ito?

Kinikilig pa ako ng bigla syang lumingon sa banda ko. Napatago agad ako.

Hindi plaa libro ang ipinunta nya rito. Napansin ko kasing may hawak syang cellphone. May tinatawagan siguro?

Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon. Saka bumalik sa section ng mga librong gusto ko. Nakahanap ako ng pwesto at duon na sumalampak. Kaharap ang mga librong pinagpipilian ko.

Hindi nagtagal ay nakapili na ako ngmga bibilhin. Nakatore ito ngayun sa aking gilid.

Wah! Ang dami na namang madadagdag sa koleksiyon ko!

Unti unti ko nang binuhat ang mga libro. Saka nagpunta sa cashier. Ngiting ngiti ako habang pinapunch ng cashier ang mga libro.

Yes! Wahhhhh!!

Booksssss!

.

Nakita ko na ang presyo. Kaya mabilisan kong hinalungkat ang bag ko. Nangmakakuha ako ng pera ay saka ko inabot sa cashier. Ngunit laking gulat ko ngmay makita akong braso sa harapan ko.

Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong ay nilingon ko ang salarin ng panggugulat.

Ngunit hindi ko pa man naipipihit ang aking ulo para makita angkanyang mukha ay napalingon akong muli sa mga braso niya. Kasabay ng pagkunot ng aking nuo ay ang pagbitbit niya sa mga libro ko. Teka, binayaran niya!?

Pero libro ko iyon!

Napasinghap ako kasabay ng pagpihit ko. Ngunit imbes na ang mukha niya angmakita ko ay dibdib at mga braso lang ang sumalubong sakin.

Niyakap niya ako! Teka nga! Sino ba ito?

Hindi ko sya kilala! Tsaka, bakit nya binayaran ang mga libro ko? Wah Mama!

"Kanina pa kita hinahantay!" sabi niya habang hila hila nya ako.

Papunta kami ngayun sa benches sa open space ng mall sa second floor. Hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil simula ng hinila nya ako ay hindi na niya ako nilingon.

Masyadong mabilis ang kanyang paghakbng kaya kahit anong pilit konv makasabay siya upang makita ang mukha ay nahuhuli pa rin ako at nahihila niya.

Napalunok ako ng tumigil sya sa paglalakad. Tumigil na rin ako, unti unti. Nakatalikod pa rin sya sakin. Hawak ang mga libro ko sa kabilang kamay.

Habang ang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko.

Pakiramdam ko ay namumula na ako habang nadikit na lamang ang aking mga mata sa magkahugpong naming mga kamay.

Nanghihina ako. Ahhhh! Bakit ako kinikilig?? Eh bakit rin ba kasi ang init ng kamay niya?

"Kumain ka na?" tanong niya sakin. Pagkatapos ay hinila niya ako papalapit sa kanya. Nakaupo na sya ngayun sa bench habang nakatayo ako. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

Ngayun ko lamang npansin na hinihingal sya. At ngayun ko lang rin napansin na hinihingal rin ako. Aish!

"Ahm, kuya?" tanong ko. Kaya napaangat ang tingin niya sa akin. Napalunok ako ng makita ko ang mukha niya. Sya yung lalaki kanina!

Napakunot ang noo niya. "Anong sabi mo?"

Napakurap kurap ako. "Kuya? 'hindi  po kasi kita kilala. Bat po hawak niyo ang kamay ko? Bakit po binaharan niyo yung binili ko?"

Nakita ko pang ginulo gulo niya ang buhok niya.  Nanlaki ang mata ko ng marinig kong muli ang king tiyan. Nakakahiya!

Napatingin sya sa tiyan ko saka siya tumingin sa mga mata ko. Hilaw na ngiti lang ang naisukli ko sa kanyang ngisi. Tumayo siya sabay sabibg, " Halika na. Saan mo gusto kumain?"

Hinila niya na akong muli. Saka kami nagtungo sa mga fastfood chain.

~~To be continued ~~

To read the other part, follow niyo ako sa Facebook @Yannah M. Riego. HAHAHA

Thank you sa pagbabasa!

avataravatar