1 #1: Doctor Crush

"Ikaw muna magbantay dun sa kapatid mo sa ospital."

"Ma!!!"

"Reklamo ka ng reklamo! Ikaw kaya pagtrabahuin ko!"

Naiinis ako kay mama. Alam naman niyang ayaw kong pumasok ng ospital pero lagi niya akong pinipilit na bantayan ang kapatid ko roon. Hindi naman sa takot ako sa ospital pero ayaw ko lang talaga dun. Ang boring-boring kasi! Yung feeling na lagi ka nalang natutok doon sa kapatid mo. Di ka pa makakatulog ng maayos dahil kailangan mo i-monitor lahat ng galaw niya. Nakakainis lang!

"Oi Ate! Naligaw ka yata?"Bungad ng kapatid ko nang makapasok ako sa room niya.

"Tch! Tigilan mo ako kung ayaw mong iwan kita ng mag-isa rito!" Inis kong sabi at pabagsak na umupo sa sofa. Ini-on ko ang tv at nanood buong araw.

"Nasaan na ba yang doctor mo?! Ang sabi papasok yun dito ng 5 pm!" Inis kong sabi. Eh kasi gusto ko nang matulog pero di ako makatulog.

"Ehem.." Agad akong napalingon sa narinig.

Nalaglag ang panga ko sa nakita.

Ang gwaaapooo!

"Pasensya na kung natagalan ako." Sabi niya at ngumiti sa akin.

"Haha! Ano ka ba doc. Okay lang." Sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Omoo! Hindi ko alam na ganito pala ka-gwapo ang doctor ng walangyang ito! Kung sinabi niya agad edi sana araw-araw ako na ang magbabantay sa kaniya psh!

Sa mga sumunod na araw ay ako na lagi ang nagbabantay sa kapatid ko. Gulat na gulat si mama at nagtaka kung ano ang nangyayari sa akin. Nginingitian ko lang siya sabay sabing.. "Ayaw mo nun ma?! Hindi mo na ako kailangang pilitin. Magkukusa na ako."

Kung nung una ay bored na bored ako sa loob ng ospital, ngayon hindi na.

Isang araw sumakay ako ng elevator papunta sa room ng kapatid ko. Lumabas kasi ako ng ospital para lang bilhan ng prutas na makakain ang walangyang yun . Habang nasa loob ng elevator ay nagulat ako nang makita si Doc kasama ang isa pang gwapong doctor. Pero mas gwapo parin talaga si Doc.

Ang dami palang gwapo rito sa ospital! Sana pala nag nursing nalang ako.

"Hi Doc hehe!" Bati ko at napalingon naman agad siya sa akin.

"Oi! Hi!" Bati niya pabalik at kilig na kilig naman ako.

Yiee nakikilala niya pala ako. Bwahahaha!

Hindi na nasundan pang muli ang usapang iyon dahil busy si Doc sa pakikipag-usap sa kasama niyang doctor.

Napasimangot nalang ako hanggang sa makarating ako sa floor na bababaan ko.

Nakasabay ko si Doc kaya pigil-pigil ko na naman ang kilig ko.

Bago kami lumabas ng elevator ay narinig ko ang sinabi ni Doc sa kasama niya na ikinaguho ng mundo ko..

"Sa cafeteria nalang tayo magkita babe."

(end)

------

Please also follow my wattpad acc for more stories.

Wp: MswRIGHTer

avataravatar
Next chapter