webnovel

One I've Been Praying

"I'm breaking up with you" 1 sentence, 5 words, tore my heart into pieces.

cllynmy · Book&Literature
Not enough ratings
16 Chs

05

He walked out again. He left me without an explanation again.

I stood up and walked towards the exit of the adventure park. I'm so drained, gusto ko nalang magpahinga. Sumakay ako sa van na siyang maghahatid sa akin pabalik sa mga cottage located at beach front.

"Mukhang nag enjoy kayo ma'am. Napagod po kayo ano?" The driver asked.

I smiled at him as my response.

"May itinerary na po ba kayo para bukas ma'am? Kung wala pa ma'am isu'suggest ko lang po yung Inflatable Island. Malapit lang po yun dito. Twenty minutes lang po yung pagitan."

"Inflatable Island? Ano po yun?" I asked.

"Yun pong nasa dagat yung mga activities na gagawin ninyo."

"Ahh hindi na po. Kung dagat lang po naman ang pag-uusapan pwede naman po na doon nalang sa harap ng cottage"

"Pero may mga activities po dun ma'am. Masaya po yun."

I just nodded. When we arrived at the front gate nakita kong kakapasok lang ni Miru sa loob. Nagpasalamat agad ako kay manong driver at dali daling bumaba para sundan si Miru.

"Miru!" He stopped walking. Pero hindi niya ako tinignan. So I positioned myself in front of him.

"Samahan mo ako. Pupunta ako sa Inflatable Island bukas." Bigla nalang lumabas yan sa bibig ko. Wala na akong pakealam kung anong meron sa islang yun basta makasama ko lang si Miru.

"Magpapahinga ako bukas." He said with his unusual cold voice.

"Ganun ba... Uhm... Ngayon na lang or mamaya?" I tried.

"Magpapahinga na rin ako ngayon."

"Ahh sige... Ako nalang ang pupunta." I said.

Tumalikod na ako. I counted one to three on my head. Hindi ako matitiis ni Miru. Hindi yan siya papayag na pumunta ako sa isla nang walang kasama. Pero nakarating nalang ako sa cottage ko pero wala pa ring Miru na pumipigil sa akin.

I sighed deeply as I walked inside my cottage. Ahh ayaw niya... Sige pupunta talaga ako mag-isa.

____

After an hour lumabas na ako sa cottage. Nagulat ako nang madatnan ko sa labas si Miru, he's sitting at the bench with his backpack just in front of my cottage. May mga bench kasi sa harap ng lahat ng cottages dito. Siguro para tambayan ng mga tourists pagkatapos ng mahabang araw.

I closed the door and locked it. Nagsimula na akong maglakad. When I glanced at him, nakita kong sumusunod siya sa akin. I smiled at that. Sabi na eh hindi ako matitiis nitong taong to.

"Excuse me po." Sabi ko sa crew na nadaanan namin. "May sasakyan pa po ba papuntang Inflatable Island?"

The crew smiled at me."Yes po ma'am. On stand-by naman po yung isang van namin. Ikaw lang po ba mag-isa?"

I nodded. "Yes po. Ako–" I wasn't able to finish my sentence when Miru wrapped his hand around my waist.

"No, I'm with her." Miru said.

The crew looked at him and then turned his gaze towards me with questioning eyes.

I only nodded as my response.

"Ahh okay po. Uhm sige po ma'am, sir. Sandali lang po, kakausapin ko muna ang driver tapos babalikan ko kayo dito pag okay na." He said and smiled at me before walking away.

Miru didn't remove his hand on my waist habang naglalakad kami papunta sa van. He only let go of me nung sumakay na ako. Akala ko tatabihan niya ako pero nagkamali ako. He seated at the farthest end of the van. I look back at him and glared him before I settled myself.

"Alam mo ba kung anong meron doon?" He asked.

Hindi ko siya pinansin.

"Bella I'm asking you a question."

Hindi ko pa rin siya pinansin.

"Bella–"

He stopped talking when I looked at him. I raised my brows and rolled my eyes. Akala niya ah. Baka hindi niya alam kanina pa ako napipikon sa kanya. Ayaw niya akong kausapin diba? Ngayon I'll let you taste your own medicine. Anong feeling ng hindi pinapansin? Anong feeling ng parang kang kumaka-usap sa hangin?

"You won't like the activities there." He said. "At least I warned you."

Hindi ko pa din siya pinansin. I made myself busy looking at the gorgeous trees na nadadaanan namin. If the situation is different, I'm pretty sure nage'enjoy na ako ngayon. Itong si Miru gusto lang palang mag bakasyon hindi man lang sinabi sa akin? Sasamahan ko naman siya ah

Pero what if ayaw niya na kasama ako? Well, that's obvious.

A couple of minutes later, nakarating na kami sa Inflatable Island. Pagbaba palang namin sa van ay sinalubong na agad kami ng mga crew. One thing to describe these people, they are very accommodating. Na kahit hapon na at dalawang oras nalang daw magsasara na sila ay hindi pa rin nila kami pinabayaan.

When we arrived at the beach front, I was so shocked at what I saw. This isn't what I expected.

I expect some bangka na maghahatid sa amin sa Inflatable Island na sinasabi nila. Pero what I saw was a bunch of huge inflatable slides, towers & bridges, beach lounge, sunbathe lounge, jungle bars, slippery slope, human launcher, rock climbing, jumping pillow, wobbly bridge, monkey vines, and trampoline na nakalutang mismo sa dagat.

My eyes widened nung inisa isang ituro ng crew ang mga activities ng Inflatable Island. Oh God, anong gagawin ko dito? Paano ako mag e'enjoy sa mga activities na yan kung hindi naman ako marunong lumangoy!

I heard Miru's chuckle. Alam niyang hindi ako marunong lumangoy! Kaya panigurado natatanga na siya sa akin ngayon. Kaya pala sinabi niya kanina na hindi ko magugustuhan dito.

I closed my eyes for a bit and inhaled deeply. If only I knew kung anong meron dito edi sana hindi nalang ako nag-aksaya ng oras na pumunta dito. Dapat talaga natulog nalang ako eh.

"So, what activity do you want to do first? Bilisan mo, malapit na silang magsara." Miru said in a playful way.

I looked at him.

"Ay nandiyan ka pala? Akala ko ba magpapahinga ka?"

He smiled even more. Yung ngiting hindi na halos makita ang mga mata niya. Yung ngiting sobrang miss ko na. I was just staring at his smiling face when the crew interrupted us.

"Sir, ma'am ano po ang gusto niyong unahin?" He asked.

"Uhm... Ano... Yung... Yung slide nalang oo" nauutal na ako.

"Okay po. Pero pakisuot nalang po itong life jacket niyo ma'am para safe."

Mayroong life jacket!

Kinuha ko kaagad ang life jacket at hinagkan ito. Meron naman pala nito eh. After that I excused myself so I could change my clothes. I wore the usual rash guard, hindi naman din kasi ako mahilig mag two-piece at sure ako hindi papayag si Miru. Gusto ko sana siyang galitin pero wag muna ngayon. Dapat ako yung galit, kunwari.

I tried almost all of the activities. Malakas ang loob ko kasi may life jacket naman at nandito si Miru kasama ko. Thing about having Miru with me is that hindi ako natatakot kahit pa high tide. Kasi alam ko na he always had my back. Alam kong safe ako basta't kasama ko si Miru. I trust him so much.

Sinamahan din ako ni Miru sa lahat ng activities pero hindi kami nagpapansinan. Inaalalayan niya ako sa tuwing nahihirapan ako pero hanggang dun lang.

After trying almost all activities, I decided to change. It's getting cold out here. Sarado na rin ang Inflatable Island pero pwede namang mag stay na muna ang mga turista sa bar lounge sa harap ng dagat. Gusto ko sanang mag stay na muna dito pero inaantok na talaga ako. Pagod na pagod na ako. Sa dami ba naman ng activities na ginawa ko ngayong araw.

Pagpasok namin sa van ay pumikit agad ako. Twenty minutes naman ang byahe, might as well itulog ko nalang yun. I expected Miru to seat at the back just like earlier. But instead, he seat beside me. Dahan dahan niya ring pinatong ang ulo ko sa mga balikat niya.

I smiled as I closed my eyes. My Miru.

"Rest love"

Was the last thing I heard before I sleep in peace.

***

:)