webnovel

Sunday Fun Day (CHAPTER TWENTY TWO)

"Tama na! Tama na! Ayaw ko na!" Sigaw ko kay Kyle.

"Hindi, Aisha! Suko ka na agad?"

Halos mangiyak ngiyak na ako rito.

Tumakbo ako.

Tumakbo ako ng mabilis para hindi ako maabutan ni Kyle.

Naiiyak na talaga ako katatawa. Paano ba naman kasi? Hinahabol ako ni Kyle kasi nag lalagayan kami ng mga bubbles sa mukha. It's Sunday today and Sunday is laba day. After church at palengke kasama sina Ate, dumiretso uwi na kami para maglaba.

"Isa!" Pinanlakihan ko siya ng mata. Kinuha ko 'yung host at tinutok sa kanya.

"Hoy, Aisha! Patayin mo 'yan!" Reklamo niya habang nakatakip ang mukha na tumatalikod sa akin, pero hinaharap ko 'yung host sa kanya.

"Oh ano? Ako naman hahabol sa'yo ngayon! Wahahahaha!"

"Ate Ammy! Si Aisha! Naglalaro ng tubig!"

"Wala! Hindi ka non maririnig! Busy silang nagluluto sa loob tsaka ang lakas lakas ng music, hello? Lagot ka sa'kin ngayon!!" Nahuli ko siya at walang awa ko siyang pinupusitsitan ng host though nakatakip siya, pero masaya ako sa ginagawa ko. "It's payback time, Kyle!" Kiniliti ko siya.

"Tama na ah!" Pagmamakaawa niya. Nakawala siya sa kiliti ko. Niyakap niya ako.

"Hoy!!"

"Niyakap nalang kita para hindi mo na ako matutukan ng host." Triny kong umalis sa yakap niya. "Wag! Tama na!" He tightened the hug.

"Hindi. Papatayin ko na." Niluwagan niya pagkakayakap niya, kumawala na ako sa yakap niya at pinusitsitan ko siya one last time.

"Kala ko ba?"

"Oh, wala na. Inoff ko naman talaga ah."

"Pero may pahabol ka pa."

"Gano'n talaga!" At tumawa ako ng tumawa.

"Tara na nga magsampay na tayo para matapos na 'to."

————

"Aray ko, Kyle!" Paano ba naman kasi pinapagpag niya 'yung damit sa harapan ko edi natalsik talsikan ako ng tubig.

"Bakit masakit ba? Hindi naman tumama sa'yo eh. Aray ka diyan!"

"Shunga! Iyong tubig na tumalsik sa mukha ko. Try mo rin kaya!" At binawian ko siya. Iilag pa sana siya, pero hindi na niya nagawa.

"Marry me!!"

"Huh? Anong sinasabi mo riyan?"

"Huh? Kumakanta lang ako ah! Assuming ka diyan!" I rolled my eyes at him. "Wag kang mag alala, Aisha. Darating din tayo diyan." Napangiti ako sa sinabi niya. "Pero sa ngayon medyo maaga pa, wag ka muna magpropose sa akin." Hinampas ko siya ng damit. "Aray ko! Aray naman, Aisha!"

"Napaka ano mo kasi eh!" Tinawanan niya lang ako. Nakisabay nalang din ako sa pagtawa niya.

"Ate! Kuya! Kain na raw po!"

Pumasok na kami sa loob after naming masampay lahat. Nakitulong na rin si Jeztrienne sa pagsasampay para mapabilis.

"Oh musta luto ko?" Tanong ni Ate.

"Hindi masarap! Napaka alat!" Pang aasar ko.

"Masarap po, Ate. Huwag ka pong maniwala dito kay Aisha."

"Kaya bayaw kita eh. Apir!" At nag apir ang dalawa. Magkakampi talaga 'tong dalawang 'to.

EUNHO'S POV

"Eunho, before heading back to the Philippines, would you like to come with us to Germany first?"

"For what, Uncle? Isn't just a waste of money for the extra tickets?"

"Hmm don't you remember? It's your cousin's 7th birthday!"

"Oh Andrea?"

"Yup. And your Uncle George and Aunt Therese will throw up a big party and they are expecting you to be there. Can you make it?"

"Oh, I almost forgot. Of course, I can. Andrea is close to me. I don't wanna miss her special day. Wait, how about Kyle? Is he coming?"

"I already told him about it, but he told me he can't make it. He said maybe he'll be there on her 18th birthday." He chuckled. "And besides, He and Andrea are not that close, really."

"Oh okay."

"Your Aunt Therese also invited Meredith? Do you mind seeing her there?"

"No, I don't. It's fine. Though we're not in speaking terms yet, but maybe in time when I get back there, maybe we'll sort things out between us."

"Sure thing. Good luck to you then. By the way, what time will you leave here? You'll gonna go back to your dorm today right?"

"Yep hmm maybe by 5 at the afternoon or 6 maybe?"

"Okay, I have an appointment near your dorm. I will go with you then."

"Alright. Do you want me to give you a ride or you'll bring your own car?"

"Thanks for the offer, but I'll bring my own. Earlier, I was planning to join ride with you and just commute on my way back here, but I realized it would be a hustle heading back."

"Okay, then. Please tell Aunt Netty to prepare early dinner so I wouldn't miss her food so much when I get back to the dorm."

"Sure. I know there's no one who cooks more delicious foods than your Aunt does." I smiled at him as a response.

AISHA'S POV

"Saan kayo pagkatapos niyo kumain?" Kuya Dan asked. Dito siya natulog kagabi kasi medyo malayo pa uuwian niya eh late na rin natapos 'yung movie.

"Hmm saan nga ba? May lakad ba tayo?" I asked Kyle.

Since hindi kaagad nakasagot si Kyle at mukhang nag iisip pa siya, nagsalita uli si Kuya Dan. "Hmm why not sama nalang kayo sa amin?"

"Ay saan po ba, Kuya?" I asked.

"Sa bahay ampunan sa Pasay. May sadya kasi ako ron. Eh naisip kong isama na rin kayo kasi pupunta kaming Star City pagkatapos."

"Wow Star City! Pwede po bang sumama?"

"Oo naman, baby. Balak ka talaga naming isama."

"Oh ano game?" Tanong ni Kuya sa amin.

"Sure po!" Sagot naman ni Kyle.

"Sige ah, Kuya. Pero paano si Tita? Maiiwan na naman siya ritong mag isa?" Nilingon ko si Tita na busy sa pagsubo.

"Syempre hindi. Sasama rin ako sa inyo. Nasabi na nina Ate mo kanina sa akin and since hindi naman ako busy today edi go!"

"Yehey!" At pumala-palakpak si Jez sa tuwa.

"Wait lang po. Ano palang gagawin mo sa bahay ampunan, Kuya?" Tanong ni Kyle.

"Bibisita lang. Family friend kasi namin yung dating nagmamanage don. 'Yung nagmamanage naman ngayon 'yung anak lang din nila na best friend ko, si Rico."

"Oo, Kyle. Si Dwaine kasi every month kaming pumupunta ron dati, pero since busy siya these past few months, hindi na siya nakakadalaw don." Napatango tango nalang si Kyle.

————-

"Mga bata! Andito ang Kuya Kenjie niyo at si Ate Nurse Ammy niyo!" Masayang sabi ng madre na namamahala rito.

"Kenjie? Ang dami naman atang pangalan ni Kuya? Dwaine? Danielle? Kenjie? Tatlo tatlo?" Takang tanong ni Kyle.

"Hindi, dalawa lang. Kenjie Danielle Martinez, ayan full Name ni Kuya, pero tinatawag lang siyang Dwaine ni Ate. At kung bakit? 'Wag mo nang tanungin, long story." I chuckled. Tumawa nalang si Kyle as a response.

"Kuya! Ate!" Excited 'yung mga batang tumakbo palapit kina Ate at Kuya sabay yakap. Madalas kasi sila rito rati kaya siguro kilala na nila 'yung mga bata rito.

"Hi, kids!" Bati ni Ate.

"Hello, mga bata. May kasama kami ngayon." At pinakilala kami ni Kuya isa isa. We greeted them and they greeted us back. Tuwang tuwa naman 'yung mga bata nung nakita si Jeztrienne at inaya siyang maglaro.

Andito kami ngayon sa playground ng bahay ampunan. Nakaupo lang kami ni Kyle dito sa single swing habang pinapanuod 'yung mga bata kasama si Jez na masayang naglalaro. May slide dito, may monkey bar at may sea saw. Si Ate at Tita naman asa loob nakikipagkuwentuhan kay Sister na sumalubong sa amin kanina at sa mga iba pang madre. Si Kuya Dan naman andoon din nakikipag catch up sa best friend niya.

"Ate! Kuya! Mag boyfriend girlfriend din po ba kayo?" Tanong ng bata na mga asa 5 years old palang siguro.

"Yie!!!" Tukso naman ng tatlong kasama niya na mukhang ka edad lang din niya.

"Kayo ah! Bata palang kayo bakit alam niyo na 'yang mga 'yan huh?" Sagot ko.

"Hindi pa, pero soon." Sagot naman ni Kyle. Pinalo ko siya ng mahina.

"Yie!!" Sabay sabay nilang sabi.

"Bagay po kayo." Sabi naman ng batang lalaki na sobrang puti at tingkad na tingkad ang brown eyes.

"Hello, ang ganda ng mata mo ah. Anong name mo?" Hindi ko pinansin 'yung sinabi niyang bagay daw kami ni Kyle, pero si Kyle ayan ngiting ngiti. Ewan ko diyan.

"Austin po."

"Hello, Austin. Kayo anong name niyo?"

"Ako po si Lisa." Sabi ng batang unang lumapit kanina.

"Ako naman po si Jiya."

"At ako po si Rhea."

"Hello! Ang cute naman ng names niyo." I said while smiling back at them.

"Gaano na kayo katagal dito?" Tanong naman ni Kyle.

"Since birth po andito na po ako." Sabi ni Lisa.

"Ako rin po since birth na rin." Sabi naman ni Rhea

"Ang Sabi po ni Sister nung 2 years old daw po ako dumating dito kaya 4 years na po ako dito."

"Bale 6 years old ka na, Austin?" Kyle asked.

"Opo." Then he smiled sweetly.

"Ang gwapo mong bata." I patted his head then he smiled na naniningkit ang mata.

"Eh Ikaw, Jiya?" Tanong naman ni Kyle.

"Ahh last year lang po."

"Ate, Kuya, hulaan niyo po ilang taon na niya." Nakangiting sabi ni Lisa.

"Hmm 5 years old?" Tumawa silang lahat.

"Mali ka, Aish. 6 years old ano? 6 years old ka na, Jiya?"

"8 po." Tumatawa niyang sagot.

"8!? Akala namin ka edad mo lang sila eh." I said with my surprised facial expression.

"Kasi po ang liit niya po, noh?" Sabi ni Austin, dahilan para hampasin siya ni Jiya ng mahina. Tumawa naman 'yung ibang bata at nakitawa na rin kami ni Kyle.

"Oh mga bata, magpaalam na kayo kina Ate at Kuya niyo kasi aalis na raw sila." Announcement ni Sister na kalalabas lang.

After magpicture taking at magpaalam sa isa't isa, umalis na nga kami sa bahay ampunan. Maganda ron. I enjoyed our time we spent there with the kids. Si Jeztrienne din nag enjoy din talaga siya. Ang saya lang. Next month babalik daw si Kuya rito at inaasahan ng mga bata na makasama uli kami nina Kyle. On the way na kami ngayong Star City. Excited na nga si Jez eh.

"Pasandal nga."

"Huy! Makita nila tayo. Mamaya asarin tayo." Bulong ko kay Kyle. By the way, magkatabi kami sa backseat sa pinakalikod. Si Kuya Dan ang nagdadrive, itong sasakyan niya ang gamit namin ngayon. Bale ang setup namin eh kami rito ni Kyle sa pinakalikod tapos sa harap namin si Jez at Tita tas sa tabi ni Kuya Dan si Ate.

"Ano naman? Sige na, inaantok na ako." I surrendered. I let him sleep on my shoulder. This reminds me 2 years ago nung natulog siya non sa lap ko eh 'di pa nga kami close that time. Napangiti ako by the thought of it. I'm thinking what if doon lang kita nakilala? Would I still fall for you? Hayy. Ilang araw ko na 'tong iniisip. Bothered na talaga ako. Tanungin ko na kaya siya? Siguro in time, when I already have courage. Sa ngayon, enjoy ko muna our time together.

————-

"Ma! Ferris wheel po tayo!" Excited na sabi ni Jez.

"Okay sige."

Nagkatinginan kami ni Kyle.

"Oh bakit gan'yan ka makatingin?" He smiled. "Oh anong ngingiti ngiti mo riyan?" Pinagkunutan ko siya ng noo.

"May naaalala ka ba?" Tiningala niya 'yung Ferris wheel.

"Huh?" Pag mamang-maangan ko. He pouted. "Joke lang! Hahahaha oo na!"

He smiled again. "Yie!!" Pinagkunutan ko uli siya ng noo.

"Hoy! Kayong dalawa! Mamaya na kayo magtitigan diyan! Pila na tayo!"

"Oo na, Ate!"

Nakapila na kami ngayon sa Ferris wheel. Malapit na kami sa unahan.

"Kaya pala.." Ate Ammy said while looking up, nakatingin siya sa Ferris wheel sabay lingon sa'kin, she's smiling now, 'yung smile na parang nang-aasar.

"Huh? Anong kaya pala, Ate?"

"Kaya pala nagngingitian kayo kanina eh! Wahaha! May naaalala kayo sa ferris wheel ano? Yie! Yie!" At sinundut-sundot niya tagiliran ko.

"Ano ba, Ate! Nakikiliti ako!"

"Uy!! Kinikilig ang kapatid ko!"

"Shh, Ate. 'Wag kang maingay!" Pasigaw na bulong ko sa kanya.

"Now I know." She giggled.

"Oo na, Ate!"

"Sama sama po tayo sa iisang wheel ah!" Excited na sabi ni Jez. Pero wheel? Wait, pero ano ba rapat itawag don? Hahahaha!

"Sure, baby." Kuya Dan replied.

Minutes later turn na rin namin sa pila. "Yey! Tayo na!" Jez shouted with full energy.

"That was so fun!" Kyle whispered pagkababa namin.

"Yeah, ang saya." I replied.

"Ay Kyle, patingin nga 'yung picture kanina." Phone kasi ni Kyle 'yung ginamit namin pang pic kanina. Syempre knowing Ate, g na g 'yan sa pagpipicture. Parang nagphotoshoot na nga ata siya sa loob ng Ferris wheel kanina eh.

"Ay sige. Eto po oh, Ate." And he handed her his phone na dinukot niya from his side pocket. Of course, inenter niya muna fingerprint niya as its password.

"Thanks!"

"Mga anak, saan niyo gustong kumain mamaya? Treat ko naman this time." Said Tita habang naglalakad kami papunta sa horror house. Si Jez din may suggestion nito. At hindi talaga makukumpleto ang pasyal sa amusement parks kung hindi nadalaw sa horror house.

"Yey!" Sabay sabay na sigaw ko, ni Jez at ni Ate.

"Hmm Mang Inasal!" Excited na sabi ni Jez.

"Kakaiba talaga 'tong pinsan ko. Mga Ibang bata Jollibee at McDo ang isasagot, pero siya Mang Inasal? Mahilig ka ba sa unli rice, Jez?" Kyle commented.

"Baka ang Ate nyan ang mahilig sa unli rice!" Sinipat naman ni Ate Ammy si Kuya. Natawa nalang kami. "Tsaka, Ezekiel.. pinsan mo lang?"

"Pinsan po natin, Kuya." Then they smiled at each other na parang mga ewan.

"Ay kayo na ang may pinsan sa kanya ngayon?" Ate Ammy's turn to kid around. Tinawanan nalang siya nung dalawa. Pati rin kami nina Jez at Tita natawa nalang din.

"Wait lang. May Inasal ba rito sa loob ng Star City?" I asked though the answer is very obvious naman.

"Aisha?" Pailing-iling na sabi ni Kyle na sinundan naman ng tawa ng iba.

"Syempre, hipag after dito sa Star City. Doon tayo sa Robinson kakain, may Mang Inasal don." I just nodded while smiling.

"And doon na rin tayo mag malling." Nakangiti ng sabi ni Ate.

"May oras pa ba tayo para mag malling, anak?"

"Tita, time check and it's still 5:15 PM. Let's estimate na around 30 minutes tayo dito sa horror house and until what time ba tayo magsstay dito? Up until 7PM? 7:30? 8 o'clock?" By the way, andito na kami ngayon sa pila ng horror house, hindi masyadong mahaba since hindi masyadong matao ngayon.

"Mga quarter to 8 siguro punta na tayong Rob." Kuya Dan said.

"Hindi ba pwedeng agahan natin ng onti kasi Monday nga pala bukas! May pasok pa si Jez at kami rin ni Ate may duty pa. Oo nga pala! Tsaka si Tita may work din at Ikaw Kuya, diba? Si Kyle, hayaan na siya may sarili namang mundo 'yan." Natawa ako sa sarili kong sinabi. Tumatawa rin sila ngayon.

"Haynako, Aisha!" Kuya Dan said while laughing. Nakita ko pa silang nagbulungan ni Ate. Okay? Edi sila na may kabulungan.

"Oh bakit 'di pa rin kayo natigil sa katatawa? Gano'n ba kafunny 'yung joke ko about Kyle?" Tumawa lang sila as their response. "Ano? May kausap pa ba ako rito? Hello? Hello?" At nag wave wave ako ng kamay sa harapan nila. And it seems like Jeztrienne came back to her senses and started speaking.

"Ate Aish! Nakalimutan mo na?"

"Oo nga diba? Kaya dapat umuwi tayo ng maaga!"

"Nakalimutan mo na nga talaga, Ate Aisha." At tumawa uli siya ng tumawa. Lalo lumakas tawanan nila. "Naannounced na ni classes po tomorrow! Ala pasok!" Napatigil ako sa sinabi niya.

"Ay! Oo nga ano!" Napasapo nalang ako sa noo ko.

"Tara na nga sa loob." Aya ni Tita habang tumatawa rin. 'Di ko napansin turn na pala namin at kinukuha na ang tickets namin, hindi kasi kasali sa binayaran na free rides kasama ng entrance ticket itong horror house eh, parang sa EK lang din, may additional P50.

—————-

"Aray ko! Aray ko ha talaga, Kyle! Ang sakit ng palo mo! Ano ba? Oo, horror house 'to, pero alam mo naman na mga tao lang din 'yung mga ghost dito! Nakacostume lang sila! They're not real!"

"Sorry na. Nakakagulat lang kasi talaga eh. Aaaaah!" I laughed at him real hard kasi for the nth time nagulat na naman siya dahil may kamay na biglang bumulagta sa pagmumukha niya. "And please, Aisha darling. Don't ruin our fantasies."

"Fantasies na sinasabi mo?" I laughed at him again. Nakakatawa talaga 'tong taong 'to eh.

"Oh, Aish? Okay ka lang diyan?" Tanong ni Kuya na asa harapan namin.

"Ako, okay lang. Itong katabi ko ang tanungin mo kung okay pa rin ba siya." I replied then looked at Kyle. Sabay kaming natawa ni Kuya, si Ate naman busy din sa pagsisigaw. Pero wala pa rin tatalo kay Tita na hindi talaga tumigil sa paghiyaw at pagpapalo ng mga ghosts dito. Si Jez na anak na nga niya ang sumusuway sa kanya eh. Nakakatawa sila, baligtad eh hahahaha. "Alam mo ba, Kuya Dan parang hindi ata horror house pinuntahan natin eh.. parang comedy house!"

"Oo nga, hipag. Hindi ako matigil sa katatawa sa reaction ng mga kasama natin lalo na ni Tita at nyang boylet mo."

"Yie boylet mo daw ak— aaaaaah! Grabe ka namang manggulat, darling!" Reklamo niya sa multong nanggulat daw sa kanya na wala naman actually ginawa. Naglalakad lang siya na wala naman talagang intention na gulatin kami kaya ayon parehas sila ni Kyle na nagulat. Nagulat siya sa sigaw ng loko rito eh.

"Ayan babanat ka pa ah?" I said with a big grin, teasing him.

Palapit na kami ng palapit sa exit.

"Hay! Sawakas! Natapos din! Hoo! Hindi ko kinaya 'yon! Hihimatayin yata ako! My gosh! Ayaw ko na!" Hinihingal na sigaw ni Tita. Tumawa siya after at nakitawa rin kami.

"Ayaw ko na rin!" Sigaw din ni Ate.

"Oh ano? Ayaw mo na rin?" Pang aasar ko kay Kyle na nakatunganga ngayon while he's catching his breath. He just smiled at me then winked habang nagpupunas siya ng pawis. Okay? "Why do you have to be that attractive when nagpupunas ka lang naman ng pawis?"

"Huh? Ano, Aish? May sinasabi ka?" Nako ka talaga, Aisha! Nai-voice out mo na naman ang iniisip mo. Kinunutan ko lang siya ng noo as a response. Lumusot ka please! Lumusot ka please! "Narinig ko.." i looked at him with an expression I can't even name. "What's with that blank sleepy expression? Ahh so hindi ka na nahihiya sa'kin ngayon? Hindi ka ba magpapalusot man lang?"

"May hiya pa rin ako! Pero that was a minute ago kasi I realized hindi ka pala deserving sa hiya ko! Che! Balakangajan!" He rolled his eyes at nag hair flip na para bang bakla siya. Natawa naman ako.

Hours passed and it's already 8PM and gaya ng napag usapan, around 7 to 8 pupunta na kaming Robinson's.

——————

"By the way, next week na bisita natin sa probinsya ano?" Ate Ammy says while she takes a spoonful of her halo-halo.

"Ay oo pala hindi ako makakasabay sa alis niyo. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin eh. Sunod nalang ako mga pamangkin, anak." We nodded at that. We understand naman that Tita has prior commitments, sa work niya kasi.

"Aalis kayo? San punta niyo?" Kyle asked.

"Ay bakit hindi niyo isama si Dan at etong si Kyle!" Tita suggested with excitement evident on her tone.

"Sa probinsya sa Panpanga, Kyle to answer your question. Eto kasing si Tita excited much eh." Said Ate, natawa naman kami ron.

"Ahh ano po meron sa Pampanga?"

"Hello, Kyle Ezekiel? Syempre probinsya namin diba? Edi bibisitahin namin mga kamag-anak namin diba? Common sense lang noh?" I sarcastically said.

"Aisha.. first of all Ezekiel lang ang pangalan ko. Second of all, nickname ko lang 'yung Kyle." Kinunutan ko lang siya ng noo, para lang kasi siyang engot dito. Tahimik naman na tumatawa sina Ate, they're enjoying their food. "Third of all, how would I know you're going to visit your relatives when in fact, I really didn't know anong meron sa Pampanga diba? And lastly, Aisha.. last of all.." natawa naman ako sa sinabi niya, pati siya natawa rin saglit sa ginawa kong pagtawa "Aisha, you're so rude, you're mean, you're bad.." kinunutan ko siya ng noo. "Charing!" And we laughed again.

That's how our day went, tawanan, asaran, harutan. How I wish ganito parati. Though ganito naman kami parati, pero sana'wag nang magbago pa. When the day came na may sagot na sa mga tanong ko, sana maging okay pa rin ang lahat.

Hello, silent readers! Sorry for the very late update. Nagsusulat kasi ako ng isa ko pang story though unpublished pa siya, nagkakagulo pa kami ng isip ko kung alin ba ang dapat kong ititle. HAHAHAHA ang lakas ng loob magsulat ng panibagong story while ang bagal ko naman mag update dito noh? Sorry na, I’m having a writing crisis eh hahahaha, but seriously yeah, these past few days.

I hope you enjoyed reading this chapter. Love lots! XOXO

~xyruzjhaneee

xyruzjhaneeecreators' thoughts