1 A drink, A window and A Cabinet

[Male Lead's POV]

"Humans are the ones who are at the top of the food chain."

- Only the dumbest of the science teachers would say that.

Won't they have a clue? Humans aren't the ones who are at the top. There're more other organisms who exceed humans. Example: ghouls, demons, werewolves, dragons and VAMPIRES.

'Living with humans sucks!' that's what I always thought. As a stray, low-living, ancient organism like me, all I could say is: It isn't just humans who experience pleasure and suffer pain. Including those who're like me, a stray vampire.

It isn't easy to fit in to the human world. I'm limited in eating human food. I need to work hard and pay for the blood I always order in the black market. I also do assassination requests, as long as it could benefit me to stay alive.

My easy, pleasureable, rich and luxurious life is long gone. Crawling to be on the top of the food chain, this survival of the fittest is what I must focus from now on.

🥀

[Faye's POV]

"Ang problemang mabigat, idaan nalang sa alak."

- Ito ang bokabularyo ko.

"Hoy, Faye! Lasing na lasing ka na *hik*. Umuwi ka na *hik*." Rinig kong bulyaw ng ka-trabaho ko at kasalukuyan kaming nasa bar nag-iinuman.

"T*ngin*ng babae 'to, kung uminom parang lalake. Jusko."

"Wala kayong pake *hik* kung ganito ako uminom *hik*." Sigaw ko at itinapon ang baso sa harap ng bartender na siyang ikinagulat nito.

"Oo na! Uuwi na ako! Heto bayad." Saad ko at itinapon ang bayad sa harapan ng bartender. Pagewang-gewang na naglalakad sa kalsada, total malapit lang naman ang apartment ko dito.

Pagpasok ko sa aking ni-rentahang apartment, binagsak ko ang aking katawan sa kama. Wala na'kong panahon para magbihis pa, gusto kong matulog.

'Teka, ang init.'

Dagli akong bumangon at padabog na pumunta sa bintana at binuksan ito. Muli kong binagsak ang aking katawan sa kama hanggang sa mawalan na'ko ng malay.

🥀

[Male Lead's POV]

"Wala ka na ngang pambayad sa renta. Umalis ka na!" Sigaw ng landlady at itinulak ako bago niya isara ang pintuan ng apartment.

T*ngin*, kung hindi lang ako nagpigil-pigil, malamig na bangkay na ito bukas. Pero ayokong gumawa ng komosyon. Naglakad nalang ako papalayo, habang hawak ang aking tiyan.

'Nagugutom na'ko.'

'Gusto ko ng dugo.'

Naglalakad sa isang madilim na eskinita. Wala nang tao sa paligid, nakatulog na ang lahat. Kung meron lang sanang ligaw na tao...

'Nagugutom na'ko, punyeta.'

Pero kailangan ko muna ng bahay na matirahan.

Palinga-linga sa paligid, nagbabaka-sakaling meron sanang taong pwedeng bibiktimahin. Dumidilim na ang paningin ko. P*ta, ayokong mamatay na bampirang birhen. Hindi pa ito ang oras. May misyon pa ako.

Teka, nakabukas ang bintana ng apartment na yon. Baka walang tao. Pwede akong matulog doon.

Gamit ang natira kong lakas, tumalon ako mula sa lupa papunta sa nakabukas na bintana ng nasabing apartment. Apakadilim ng kwarto, nandidilim na rin ang paningin ko.

Amoy alak ang kwartong 'to.

'Nakakadiri, amp*t*.'

Kinapa-kapa ko ang sulok ng kwartong yon hanggang sa may nahawakan akong cabinet.

'Sa wakas, makakatulog na rin ako.'

Binuksan ko ang cabinet nang may marinig akong ungol.

Tao ba yon?

Pero wala na'kong pake. Kaunti lang ang mga damit na nasa cabinet. Pumasok na'ko sa cabinet at isinara ito.

Wala talagang tatalo sa cabinet. Magiging masarap tulog ko neto.

Hibernation mode: ON

🥀

[Faye's POV]

Nakabangon ako dahil sa sikat ng araw.

'P*ta, ang sakit ng ulo ko.'

Pagtayo ko'y parang umiikot ang buong mundo. Napakapit ako sa aking bedside table at dahan-dahang naglakad habang nakaalalay sa pader. Dumiretso akong kusina para magkape. Hindi ko alam na magiging ganito pala ang amats ko. Bihira lang kase ako umiinom ng marami.

Pagkatapos magkape, pumunta akong banyo para maligo. Nakatapis lang ako ng twalya paglabas ko ng banyo at binuksan ang cabinet nang may...

'Paniki?'

'Teka, apakalaki naman ng paniking 'to.'

Upside down na natutulog, pakpak na parang paniki na nasa isang metro ang laki kada pares. Pagtingin ko sa baba, ay may...

Ulo at ang mga matang nakakapang-akit nito'y nakatingin sa'kin.

'Teka? B-b-ampira?!'

"U-um, Sir. M-mali ka ata ng pinasukang cabinet."

🥀

- To be continued...

avataravatar
Next chapter