webnovel

Obscure Love

This is my first book . Hopefully magustuhan niyo. And please rank it.

hyungmin · Teen
Not enough ratings
4 Chs

Unexpected Date

Paglabas ng Kwarto ay dumeretso ito sa banyo at doon binuhos ang naramdaman

" Ano bang nangyayari sayo Cath,bakit ka umiiyak" sabay pahid sa luha

Lumabas ng kwarto si James at dumeretso sa lamesa kung saan sila nag iinuman'.

"Roxy asan si Cath? pabulong na tanong nito

" Ewan ko,baka nag CR"

Maya mayay dumating si Cath at umupo sa tabi ni Leo,napatingin si James sa kanya na tila gusto syang kausapin,

Biglang tumunog ang cellphone ni Leo

"Hello Dad,o cge uuwi nako."

" Leo uuwi kana?" tanong ni Mike

"Sorry guys,I need to go home may aasikasuhin lng kami "

"Leo,sabay nako, medyo pagod ndin ako,gusto ko ng magpahinga" sabi ni Cath

"Sure, idadaan na kita sa inyo"

Napatingin si James kay Cath,

"Cath"

"Sige James,paki hatid nalang si Faith"

"Ingat kayo sa pag uwi, Leo ingat ha" sabi ni Mike

Habang nasa byahe ay napansin ni Leo ang pananahimik ni Cath

"Are you ok cath?"

" Hah? Oo ok lang ako,pagod lang"

Samantala sa bahay naman ni Mike ay tuloy parin ang kwentuhan ni Mike at James,samantalang si Roxy at Jane ay nakatulog na,

" Congrats' Mike,akalain mo noh,dati tinutukso tukso lang namin kayo nung 1st year pa tayo pero ngayon engage na kayo."

" thank you james, oo nga eh, hndi ko akalaing aabot kami dito, Eh ikaw ba James di mo ba liligawan si Faith?"

Napangiti si James sa tanong ni Mike

" Mike,alam mo bang napepressure ako pag tinatanong yan sakin?, ang hirap lalo na si Faith ang umamin,"

" Bakit wala kaba talagang balak?"

"Mike,honestly Wala, kasi iba yung gusto ko kaso di ko maparamdam sa kanya, kasi ayokong Masira friendship nila ni Faith"

" HAH? Wag mong sabihing si" gulat na reaksyon ni Mike

" Oo, si Cath"

" Ang komplikado James"

" Yun nga eh' di ko mapakita na Mahal ko sya, alam kong Mahal nun si Faith importante sa kanya ang friendship nila"

" Tapos nililigawan pa sya ng Pinsan mo, daming maaapektuhan kung ligawan mo sya'

"Yun yung Masaki"

" Pero James, payong kaibigan lang hah, kung mahal mo talaga eh dapat ipaglaban mo, pero ang tanong magugustohan ba to ni Cath?"

Napailing si James

" Alam mo Mike,tara na matulog na tayo" sagot nalang nito.

Kinabukasan ay maagang pumunta si Cath sa bahay nila Mike,pagpasok nito sa pinto ay nakita nito si James na nakaupo sa labas.

" O james, ang aga mo atang nagising?

" Oo nga eh ,d masyadong naka tulog"

Umupo si Cath sa lamesa kung san nag kakape si James

" Tulog pa sila?" tanong nito

" Oo tulog pa,bagsak na bagsak kaya sila kagabi"

" Aah ganun ba? ipagluluto ko nalang sila nang hanv over soup"

Habang papatayo ito ay pinigil sya ni James,hinila nito ang kamay ni Cath.Napatigil si Cath at napahawak sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok nito.

Bigla namang lumabas ng kwarto si Roxy at nakita ang dalawa

" Ahhhammmm,Good morning guys'

Dali daling hinila ni Cath ang kamay nito at pumunta sa kusina at nag luto sinundan naman ito ni Roxy'

" Ok lang kayo Cath?"

" Hah ? Ok lang,ikaw masakit ba ulo mo?

"Girl, ramdam ko " biro ni Roxy

Napatigil si Cath sa kanyang ginagawa

" Ewan ko sayo" binato ni Cath si Roxy ng Kamatis.

" Aray girl!" natawa ito at napakanta

"tagu taguan maliwanag ang buwan" tukso ni Roxy.

Matapos mag luto ay hinain na ito ni Cath.Lumapit si James umupo .

" Wow perfect to sa hang over, sarap talagang mag alaga ng pusa namin" biro ni James.

" ewan ko sayo, kumain ka nalangjan,dami mo pang satsat" tumalikod si Cath at napangiti.

Nagising narin sina Mike,Jane at Faith at kumain,

" Wow ang sarap Cath hah" puri ni Jane

" Kaya madaming nahuhulog eh" biro ni Mike

" Oo nga,kaya gustong gusto ka ni Leo eh" sabi naman ni Faith

" Teka Cath ,kaylan mo ba sasagutin si Leo? medyo matagal tagal na ding nanliligaw yung tao ah , d kaba naawa?tanong ni Faith

" Huh? mmm hindi ko muna iisipin yan" sagot naman nito

Bigla namang tumayo si James at niligpit ang pinagkainan,

"Tapos ka na James?" tanong ni Faith

" Oo ,busog nako"!

Napatingin si Cath kay James at tumahimik naman si Roxy at Mike.

Pagtapos kumain ay nag usap naman si Faith,Roxy,Jane and Cath

" Kaylan mo ba talaga sasagutin si Leo?"

"Alam mo Faith wag mong ipressure si Cath" ani Roxy

" Bakit Cath? ayaw mo ba sa kanya? tanong ni Jane

" Hindi naman sa ganun siguro may hinihintay lang akong maramdaman"

"So ayaw mo sa kanya?" tanong ni Faith

" Gusto ko si leo pero as..." naputol ang sagot ni Cath dahil sa narinig

" Talaga Cath ? gusto mo nako? So tayo na?" masayang reaksyon ni Leo

" Leo, teka lang?"

"Yyyeeeeessss, James,James!"

masayang tawag nito habang papalapit sa Kinauupuan nila James at Mike.

" Bakit anong nangyari" gulat na tanong nv Dalawa

"Leo teka" pahabol na tawag ni Cath

Inakbayan ni Leo si Cath at binalita sa dalawa na sinagot na sya ni Cath

" We're official!" masayang sabi nito

Nagulat si James at biglang nakaramdam ng sakit sa damdamin

" Ta..laga?" kayo na? " ramdam ang sakit sa tanong ni James.

" Congrats pre!" bati naman ni Mike

Walang nagawa si Cath at di masabi nag mali ang pagkakarinig ni Leo, Natakot itong putulin ang kasiyahan ni leo.

" Thank you Cath, i' ll promise that I will never hurt you.!'

Napatango nalang si Cath

Bumalik sa pagkakaupo si Mike at James,

" Pano bayan James? Sinagot na"

" Masaya ako para sa kanila, wla tayong magagawa as long as masaya sila,Ok na" sagot nito.

Pagkauwi ni James ay di mapigilan ang luha sa sobrang sakit na naramdaman.

" Ang tagal mo kasi James,ang duwag mo" sabi nito sa sarili.

" James, kung kailangan mo nang kainuman nandito lang ako" text ni Mike.

" Thank you Mike" sagot nito.

Kinabukasan ay habang papasok sa skwelahan ay nagkasabay si James at Cath.

"Congrats!" bati ni James

" Huh? eh Thank you"

Lumapit naman si Faith pgkakita sa dalawa

" Cath'! oi sa wakas di kana NBSB. biro ni Faith

Kinahapunan pgkatapos na klase ay nag paalam si Cath sa mga kaibigan na pupunta sya sa Mall at doon ay mgkikita sila ni Leo.Dumeretso naman ang 5 sa Cafe.

" Hay! mukang di na natin madalas makakasama si Cath" sabi ni Mike

"Oo nga, hay naku pag ibig" sabi ni Jane

Habang nag uusap ang lima ay biglang tumunog ang cellphone ni James

( Leo Calling..)

Hello couz"

" James ,Couz favor lang, naghihintay kasi sakin si Cath sa Mall, kaso nga lang hindi ako puedeng umalis dito sa office nagka emergency Meeting kasi , okay lang ba na sunduin mo xa, kanina pakasi sya nag hihintay'

" Ok couz"

" Guys' una nako hah" dali daling umalis si James sa Cafe at pinuntahan si Cath.

Pag dating sa Mall ay nakita niya si Cath na nakaupo sa bench,nagandahan ito at lumakas ang tibok ng puso nya, dahan dahan itong lumapit kay Cath.

" Hmm,Cath!"

lumingon si Cath..

" Oh James, andito ka? "

" Ahh ,Oo, si Leo kasi hindi makakapunta tinawagan nya ko may emergency meeting daw sila.

" Ahh ganun ba., sige uuwi nalang ako.

" Teka! sayang naman bihis mo" Tara pasyal tayo,sayang naman nandito narin tayo, Gusto mong mag Arcade? aya ni James

Ngumiti naman si Cath " Tara libre mo hah"

Masayang na masyal ang dalawa,nag laro sa Arcade, Sumakay ng Rides,tawanan,biruan,kitang kita sa kanilang mga mata ang kasiyahan at pagka komportable sa isa't isa.