webnovel

Chapter 08

"So pa'no showbiz career mo niyan?" Tanong ng pinsan kong si Zakiyah habang nakapangalumbaba pa.

"Hindi ko din alam," sabay kibit balikat. "Siguro ay titigil muna 'ko, Babalik na lang muna 'ko sa pag-aaral." sagot ko pa.

"Sayang! Sikat na sikat ka pa naman! Andami ko ngang kaibigan na naghihingi ng number mo eh," she said in a disappointed tone.

Napainom nalang tuloy ako bigla ng juice, mukhang mas disappointed pa siya saakin.

"Ano ka ba Zaki, magpapahinga nga diba? Hindi naman niya sinabing forever na siyang hindi babalik." Cosette joined our conversation using her Duh tone. She's my cousin also, sa side ni Mommy parehas silang dalawa.

I visited their house para makapag-bonding, same place lang naman kasi ito ng bahay ko kaya pumunta ko, kaysa naman maburyong ako sa bahay dahil wala akong kausap. We used to hang out often when we were just kids. Halos magkakaedad lang kasi kami, kaya magkakasundo. I'm now eighteen, si Zaki naman ay ganoon din habang si Cosette naman ay sixteen pa lang. May kuya si Zaki which is si Kuya Vance, 21 na siya and

I heard na Graduating na daw ito sa kursong chemical engineering.

Zakiyah make face. Tinawanan lang siya ni Cosette at inirapan. Ganyan talaga sila mula bata pa, palaging nagtatalo, mataray na bata kasi talaga itong si Cosette kaya hindi talaga sila magkasundo. Nagkakasundo naman sila kapag gala na ang usapan.

"Hey! Care to tour me?" Pagkuha ko ng atensiyon nila, nanonood na kasi sila ngayon ng k-drama kaya nakatutok at wala ng pakialam.

Pumalakpak naman si Cosette. "Sure! My gash! Ipaalam mo kami kay Mommy!" excited na ani Cosette.

"Plss. Please. Ayaw kasi kaming palabasin ni Tita!" dagdag naman ni Zakiyah. Oh! That's why kaya pala inaabala nalang nila ang sarili sa panonood.

Zakiyah has fair skin tone, her freckles was visible dahil nga sa sobrang kaputian niya. She has auburn hair color na mahaba. She's slender and petite. She looks like a foreigner actually, dahil sa kulay blue niyang mga mata, namana niya daw iyon sa side ng Daddy niya.

I looked at Cosette's direction. She's actually an opposite of Zaki's complexion. Matangkad siya, Morena ang balat at may maikling buhok na hanggang balikat lamang. She has pair of upturned chestnut eyes kaya nagmumukha talaga siyang mataray o masungit. Balita ko rin na sumasali na ito sa mga pageants at palaging nananalo.

"Tita Chari!" pagkuha ko ng atensiyon ni Tita. Naghuhugas kasi ito ng plato kaya hindi napansin ang pagpasok ko sa kusina.

"Oh! Ikaw pala, anak? Bakit? May kailangan ka? Ako na lang kukuha." sunod sunod nitong tanong. Napangiti naman ako.

"Hindi na Tita. Ipapaalam ko lang po sana yung dalawa, igagala daw po ako."

Napasapo naman siya sa noo. "Ayy, sige yun ba? Hindi ko sana 'yan papayagan pero kasama ka kaya sige,  ok lang." sagot naman niya habang pinunasan ang pinggan. "Kung saan saan kasi pumupunta 'yang dalawa kaya ginagabi na. Kapag hindi hihigpitan baka mapano pa 'yang dalawang 'yan."

Napatango-tango nalang ako. Kaya pala hindi pinapalabas, tinuturuan ng leksiyon.

Mabilis akong nagpaalam kay Tita at ibinalita nga ito sa kanila.Halos maglumpasay na sa tuwa ang dalawa dahil sa wakas ay makakawala na. Napailing nalang ako. Dali-dali na silang tumaas sa kanilang mga kwarto kaya naiwan ako dito sa sala. Napatingin naman ako sa suot ko. I'm just wearing a navy blue choker top then I partner it up with my maong skirt. Okay na siguro to 'no?

Nang makababa na ang dalawa ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Paano ba naman kasi, may sukbit silang tig-isang backpack sa mga balikat nila. Cosette sashayed while going downstairs. Talagang pinanindigan niya ang pagiging beauty queen. Pinag-eekis pa ang mga paa habang mabagal na bumababa. Binatukan naman siya ni Zakiyah kaya natigilan siya, muntikan pa ngang malaglag sa hagdan buti na lang at nakahawak siya sa gilid.

Inis niyang tinapunan ng tingin si Zaki. "Ano ba! Panira ka talagang pandak ka! Inggit ka lang sakin kasi hindi ka nasasali sa pageant!" Cosette blurted out.

Zaki just stuck her tongue out. Pagkatapos ay mabilis na siyang bumaba ng hagdan.

We were heading to a Beach Resort nearby, maganda daw doon pero medyo mahal din ang entrance. Isa daw kasi ito sa dinadayo ng mga katabing bayan. Hindi ko alam na wala na pala kami sa El Hierra at dumayo pa kami sa La Gomera para doon mag-swimming. Madaming inimbita si Zakiyah dahil marami siyang kaibigan, pero puro babae pa lang dahil mamaya pa ang dating ng iba. Akala ko nga ay tatlo lang kami pero okay na rin iyon para may makilala naman akong iba.

"Zaki? Where's Stevie?" takang tanong  ng kaibigan ni Zakiyah na si Portia. Maikli ang kulay abo nitong buhok na hanggang balikat lamang, Morena ang balat dahil na rin siguro sa babad sa dagat, mapungay ang mga mata at matangos ang ilong pero may piercing siya sa kaliwang tainga. She's wearing yellow bathing suit. Napapansin ko lang, kanina niya pa binabanggit ang pangalang Stevie, siguro ay boyfriend o crush niya.

"Port? Patay na patay lang? Kanina ka pa nagtatanong ah? Don't tell me? Nahuhulog ka na sa Stevie Bronson na 'yon?" pang-aasar naman ni Serenity, maikli din ang buhok nito katulad ng kay Pirtia pero kulay asul ang sakanya. Maganda ang pagkaka-ayos ng kilay at pansin ko, siya ang pinaka-approachable sa lahat. Nakasuot naman siya ng color baby pink na bathing suit.

"Ayieeeeeeeeeeeeee!" Pang-aasar naman ni Sera na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ni Portia. Napailing na lamang ako at ibinaling ang atensiyon ko sa puwesto ng dalawa 'kong pinsan. Nakasimangot si Cosset habang todo ang paypay sa baboy na iniihaw, nakasuot siya ng kulay puting swimsuit na may disenyo ng bansang brazil. Katabi naman niya si Zakiyah na ngiting-ngiti habang nakatingin sa cellphone niya, siguro ay ka-chat ang boyfriend niya. Nakasuot naman ito ng stripes na two-piece. Sa lahat, ako lang ang nakasuot ng one piece yun kasi ang pinili ko sa dinala nila Zaki dahil hindi mas tago naman ang kaluluwa noon kaysa sa suot nila.

Nakaupo lang ako dito habang pinagmamasdan ang mga kaibigan nilang nagdadaldalan, paminsan-minsan ay sinasali nila ako sa usapan kapag tungkol na ito sa showbiz, tinatanong nila kung sino na ba ang mga nakatrabaho kong gwapong artista na kaedaran lang namin.

"Ahhh! Si Leaf palagi ko siyang nakakatrabaho, sobrang gwapo kahit sa personal pero medyo masungit siya at parang may sariling mundo." Pag-kukwento ko naman.

"Talaga? Masungit pala 'yon sa personal?" manghang tanong ni Serenity.

I nodded. "Mabuti pa nga iyong si Dust eh. Mabait at gentleman."

"Talaga?!" Sera reacted exaggeratedly.

"Diba nabalitang may something daw sainyong dalawa?" tanong naman ni Portia habang matamang nakatingin saaking mukha na parang tinitignan niya kung magsisinungaling ba ako. Oh my! Hotseat.

Mabilis naman akong umiling. "Luh! Hindi ah! We're just friends, at saka gentleman kaya yon sa lahat." pagtanggi ko pa.

Nakita kong sumilay ang ngisi sa labi ni Portia. "Hala! Promise guys! No strings attached." sagot ko naman at bahagyang itinaas ang kaliwang kamay na parang nanunumpa.

"Baliktad, tanga!" narinig kong sigaw ni Cosette mula sa likod, na nakikinig pala. Dala ng kahihiyan ay naibaba ko na lamang ang aking kamay. Sinamaan ko ng tingin si Cosset pero pinagtawanan lang nila 'kong lahat. "Set! Call me ate, salbahe ka talaga!" sigaw ko dito pabalik habang nagpapadyak pa. Inirapan niya lang ako at binaliktad ang niluluto. Tsss. Salbahe talaga.

"Ayieee Pri! deny pa, halatado ka masyado!" Pang-aasar ni Sera habang nakangiting nakakaloko saakin. Agad na nag-init ang pisngi ko at napaiwas na lamang ng tingin.

"Napaka-showbiz sumagot!" sigaw naman Zaki kaya naghiyawan sila lahat.

Nakakainis. Panay naman ang asar nila saakin kaya tumayo na ako, siguro ay mag-swimming nalang muna 'ko. Pinagtutulungan nila ko eh!