webnovel

Chapter 01

"Princess Yanna! Tigilan mo na nga 'yang pagdami mo ng pagkain. Gabing-gabi na at baka mapano ka naman niyan!" saway ng aking Ina.

"Pero Mom, Gusto k---"

"Wala ng pero pero. Princess Yanna, tigilan mo na 'yan 'pag nasobrahan ka, baka bangungutin ka, gusto mo bang mamatay ng maaga?" pananakot naman ng aking ama.

Nanlaki ang mata ko at agad na nailapag ang fried chicken.

"Good girl. Now, umakyat ka na sa kwarto mo, maglinis ka ng katawan. At pababain mo muna ang kinain mo bago ka matulog."

Napatango-tango nalang ako sa sinabi ni Daddy at mabilis ngang tumalima.

Sayang, gusto ko pa naman sanang kumain pa. Pero pinipigilan na ako nila Mommy, natatakot naman ako kaya sumunod nalang ako, may bukas pa naman daw e.

Binuksan ko ang cabinet na nasa aking harapan. Thank God at hindi pa rin nakikita ni Mommy yung taguan ko ng chips at chocolates. Dahil paniguradong magagalit siya at kukumpiskahin iyon. Nagagalit kasi siya saakin kapag nagdadala ako ng pagkain sa kwarto, kahit noong nasa isla pa kami. Palagi niya rin akong pinapagalitan kapag sumusobra na ang pagkain ko, ano bang magagawa ko? Eh tumutunog palagi ang maliit kong tiyan dahil kinukulang ako. Mabuti na lang at nandiyan palagi si Daddy para kunsitihin ako, siya palagi ang nagbibigay saakin ng pagkain kapag nakatalikod si Mommy. Kaya nga kahapon, binigyan niya ko ng chocolates and chips na ngayon ay itinatago ko. Binuksan ko ang chocolate kisses na kumakaway saaking harapan. Mabagal ko iyong kinain at tila dinadama.

"Princess Yanna! Ano na naman 'yan! Hindi ka talaga nasasaway!" buong lakas na sigaw ni Mommy nang makita niya ang kalagayan ko sa loob ng kwarto. Huli na para maitago ko ang mga pagkaing nagkalat sa kama dahil nakita na niya. Haysst. Sabi ko na nga, magla-lock na 'ko ng pinto sa susunod.

Napayuko nalang ako habang isa isang inaalis ni Mommy ang pagkain sa kama ko.

" Nak! Gising na, simula na ng klase mo!" Narinig kong sigaw ni Mommy mula sa labas ng kwarto. Napaupo naman ako sa kama at kinusot-kusot ang mata. Oo nga pala, ngayon ang unang araw ng pasukan. Bakit ko ba nakalimutan? Ngayon ko nga lang din makikita yung school ko dahil kakalipat pa lang namin nung nakaraang linggo at nung enrollment naman ay sinadya pa talaga ni Mommy na pumunta dito para makapag-enroll, malayo kasi ang isla dito sa Maynila. Siguro ay aabutin ng pitong oras ang biyahe. Engineer kasi ang Daddy ko, kaya palipat-lipat kami, kung nasaan ang project niya, sinasama niya kami ni Mommy, ayaw niya daw kasing mahiwalay saamin. Mabuti nga at inabot pa kami ng dalawang taon sa isla e. Maganda doon, mababait pa ang mga tao. Huwag na nga lang daw akong magrereklamo sabi ni Mommy ni dahil mas maganda nga daw iyon dahil ibig sabihin ay may project na naman si Daddy ibig sabihin more income. Yun nga lang, bilang lang sa daliri ang mga nagiging kaibigan ko.

" Hi Sir! Ito nga po pala ang anak kong si Princess Yanna, dito po pala ang klase niya. Sorry po at nalate dahil natagalan kami sa paghahanap ng room." pagpapaliwanag ni Mommy sa gurong lalaki na magiging adviser ko.

Ngumiti muna ito kay Mommy bago magsalita. "Okay lang po yun Misis, napapakilala pa lang naman ang mga bata... Halika na Princess at pumasok ka na." ani ng guro at tuluyan na akong inakay papasok sa room kinawayan ko muna si Mommy bago pumasok. Hindi ako napansin ng mga kaklase ko dahil nakatuon ang atensiyon nila sa harapan, sa likod na pintuan kasi ako pinapasok ni Sir.

"Sige hija, diyan ka nalang umupo tapos mamaya magpapakilala ka kapag turn mo na." aniya habang nakaturo sa likurang upuan. Agad naman akong tumalima at itinuon ang paningin sa pisara, kung nasaan ang mga kaklase kong magiliw na nagpapakilala. Bumalik na rin si Sir sa harapan para tignan ang mga kaklase ko.

Wala akong kasama sa isang row dahil nga sa late na 'ko. Kung sana lang ay mas naging maaga ako, hindi ako magiging lonely ngayon.

Nakita kong sumenyas saakin si Sir Anthony, tapos na pala lahat ng kaklase ko. Agad naman akong tumayo at pumunta sa harapan. Nakita kong bahagyang natigilan ang mga kaklase ko maya maya lang ay nakita kong nagtataasan na ng kilay partikular sa mga grupo ng kababaihan. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ngumiti ng malapad.

"Hi! I'm Princess Yanna Salcedo. 11 years old." Pagpapakilala ko.

"Princess daw, may prinsesa bang mataba?" narinig kong bulong ng kaklase kong lalaki.

"Ayy Oo, yung asawa ni Shrek, si Fiona diba mataba 'yon?" sagot naman ng isa habang nakatingin saakin ng nakakaloko. Nagtawanan naman ang lahat ng marinig iyon. Napayuko nalang tuloy ako at itinago ang nakakuyom na kamao.

"Enough kids!" pagsasaway ni Sir kaya nagsitahimik sila pero nandoon parin ang nakakainsultong hagikgikan. "Go on Princess, tell us about your self." sabay baling naman saakin. Ngumiti nalang ako ng tipid at humarap muli sa mga kaklase.

"Well.. my hobbies are drawing, acting tapos minsan ay kumakanta rin ako." tuloy ko naman sa naudlot kanina. I heard my classmates created a woah sound kaya kumalma na ako.

Nakita kong lumapit ang isang kaklase kong babae sa kaibigan nito at may ibinulong. Maya maya lang ay sumigaw ito na labis na nakapag-insulto saakin. "Eating? Nakalimutan mo yata?" sigaw nito na parang mas siya pa ang nakakakilala saakin. Sa isang iglap ay napuno na naman ng hagalpakan ang buong silid, nakita ko ring isa doon si Sir pero maya maya lang rin ay tumigil na nang tignan ko siya.

Kasalanan bang maging mataba? Isa ba 'kong malaking kasalanan sa mundo para ganituhin nila 'ko ng harapan? Porket ba mataba ay palakain na? Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako palakain. Ang saakin lang ay bakit kailangan pang ipangalandakan? Para ano? Para sumikat at mapansin ng lahat? Haysst. Paniniwala nga naman ng tao ngayon.