webnovel

Textmates

Hindi agad nagprocess sa utak ko 'yong mga sinabi niya. Nakatayo lang ako doon habang pinagmamasdan kung paano hawiin ng hangin ang bangs niyang tumatakip sa makapal niyang kilay.

Bahagya siyang ngumiti at parang nahihiyang kumamot sa kanyang batok saka muling tumingin sa akin.

"Pwede ba kitang ihatid?"

Mas lalong napuno ng paru-paro ang tiyan ko dahil sa sinabi niya. Maldita akong tao pero hindi ko malabas lalo pa't siya na ang nagsasalita. Para akong naging pipe at slow.

"Ha?"

Mas lalo pang nataranta ang pagkatao ko noong humakbang na siya palapit pa. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman nagpakatuod na lang ako doon hanggang sa makalapit siya-- isang hakbang na lang ang layo mula sa akin.

"Doon kayo diba?" tinuro niya 'yong daan sa likuran ko. "Tara."

Saka na siya naunang naglakad. Naiwan ako doong tulala at parang natatanga.

I felt strange about myself kaya naman I bit my lower lip saka kinundisyon ang sarili para magising ko na ang natutulog na tunay na Via-- 'yong makuda, maarte, masungit.

"How did you know I was from here? Are you my stalker?" sambit ko noong sinabayan ko na siya sa cool niyang paglalakad. Na para bang wala siyang binanggit sa akin na pasabog kanina.

Ngumisi siya.

"Ang gwapo ko naman para maging stalker mo." sagot niya.

Napanganga ako dahil doon. Aba't?! Aware pala siya na gwapo siya?

"Napansin ko lang na ditong direksyon ka naglalakad." paliwanag niya habang nakasuksok sa bulsa ang dalawa niyang kamay.

Hindi ako nakapagsalita dahil ako lang naman po ay napahiya!!! Walanghiya, baka isipin pa niya napaka-assuming ko?! Aishhhh!

"Hindi mo kasi ako kinakausap, kaya tinitignan na lang kita sa malayo." nakangiti niyang dagdag.

Doon naman halos nag-init ang buong mukha ko. How can he be this straight forward?! Gusto kong maubo na ewan, pero ang mas gusto kong gawin ngayon ay takpan ang mukha ko at sumigaw sa kwarto.

I bit my lower lip na lang habang naglalakad kaming dalawa. Naging mabagal lang ang paglalakad naming iyon papunta sa bahay, hindi katulad noong si Marcus ang kasama ko na halos magmadali ako. Hindi na rin ulit kami nagsalita muli n'ong huli naming paguusap, pero napapansin ko mula sa peripheral vision ko kung paano niya ako nililingon paminsan-minsan.

"Dito na lang-" nabigla kong sambit noong napansin ko na nasa kanto na kami ng mismong bahay namin. Nagtatakang tinignan niya ako. "Ah, salamat! Pwede na ako dito. Bye!"

Saka ako mabilisang naglakad palayo. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin.

"Via!"

Nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad, pero napahinto rin dahil sa isinigaw niya.

 "Bye, Nico. Ingat ako pauwi, hahahaha!" aniya.

Noong una ay nagtaka ako pero nagets ko rin naman agad 'yung sarcasm sa sinabi niya. I bit my lower lip saka saglit na lumingon.

"Bye," sabi ko habang naglalakad patalikod. "Ingat." saka ako tumalikod at napangiti ng palihim. Agad akong humawak sa aking bibig para pigilan iyon.

Kainis!

Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

And I almost got carried away! Nakalimutan ko na 'yong goal ko na iwasan siya. I even almost brought him in our house's gate. Mga tsismosa pa naman 'tong mga kapitbahay namin.

Paano kung makarating kay Mommy 'to?

Nasa harapan na ako ng gate namin nang mag-beep ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa saka binasa ang mensahe na mula pala kay Nico.

.

.

Nico:  Ako 'yung pinag-ingat mo pero parang ikaw 'yung gusto kong ingatan.

Nakakainis.

Ang corny pero bakit ako ngiting-ngiti?