webnovel

Susi

Ugh!

Ang sakit ng ulo ko! Parang pumipintig at tumitibok. Tsk!

Napasapo ako sa ulo pagkadilat na pagkadilat pa lamang ng mata ko. Hanggang ngayon ay hilo pa rin ako at para bang nasusuka.

Masakit ang buong katawan ko pero sinubukan kong tumayo. Medyo nalula ako ng kaonti pero pumikit lang ako saglit medyo nawala rin naman agad.

"Mooom?" Tawag ko habang tinatahak ko ang daan papunta sa banyo sa ibaba. Naghilamos agad ako ng mukha saka nagmumog, medyo nakadagdag iyon sa ginhawa, pero hindi pa rin totally nawala 'yong hilo at pagkasuka.

Itinukod ko ang kamay ko sa sink saka tumingin sa salamin na nasa harap ko upang mamahinga saglit. I looked so devastated; gulo ang buhok, naka-sando't pajama lang, mugto ang mata... may ilan pang mga make-up na natira mula n'ong kagabi.

Pakiramdam ko magbe-break out ang mukha ko nito!

Tssss... Muli akong naghilamos gamit ang sabon at tubig.

Kung alam ko lang na ganito kapangit ang pakiramdam ng malasing, sana hindi ko na pala ginawa. Ang pangit sa pakiramdam. Bakit kaya gustong-gusto ng iba na magpakalasing araw-araw?Hindi ko yata kakayaning maramdaman ito araw-araw.

Inalala ko lahat ng nangyari kagabi. Ang huli ko na lang naalala ay 'yong niyaya ako ni Janica na sumayaw sa gitna ng dance floor. Sobrang lasing ko na n'on... mabuti na lang at nakauwi ako ng maa-

Teka...

Hindi ko maalala kung paano ako nakauwi. Hinatid ba ako ni Janica? Siguro nga, wala namang ibang maghahatid sa akin kundi siya e. Siya lang rin nakakaalam na sa bra ko nakalagay 'yong susi ng kotse ko.

Maybe I should thank her later through call.

"Oh, gising ka na pala." Salubong ni Mommy pagkalabas ko ng banyo. Mukhang galing siyang kusina. Kunot pa rin ang mukha ko at patuloy na hinahaplos ang gitna ng noo ko dahil sa sakit nito.

"Oh, sakit ng ulo mo, ano? Hayun at nagluto ako ng mainit na sabaw para sa inyo... ang kukulit niyong mga bata kayo. Hay nako... kailan ka pa ba natutong uminom."

Hindi ko na sana iintindihin ang pangaral ni Mommy, pero...

"Anong para sa amin, Mommy? Ako lang naman anak mo-"

Agad akong natigilan noong makarating ako ng kusina. Tumambad sa akin ang naka-white Tshirt na si Nico... tahimik lang na nakaupo habang humihigop na ng mainit na sabaw.

Laglag ang panga ko noong napaangat siya ng tingin sa akin. Nagpanic ang tibok ng puso ko kaya naman wala akong nagawa kundi ang matuod sa kinatatayuan ko habang siya naman ay ngumiti ng kaonti.

"Good morning," simpleng bati niya, basa na ang buhok at fresh na fresh tignan.

Hindi pa sana ako makakapagsalita kung hindi pa dumating si Mommy dala ang nutella. Marahan niya akong siniko noong daanan niya ako, kaya naman nagising ako sa reyalidad.

"Mabuti na lang at hinatid ka nito ni pogi. Siya ang nagdrive n'ong sasakyan mo para maihatid ka, kaya noong sinabi niya uuwi na siya ng walang sasakyan ay hindi ko pinayagan. Sabi ko'y dito muna siya magpalipas ng gabi. Kung hindi ka niya nakita kagabi saan ka pupulutin, ha? Bakit ka ba kasi nagpakalasing?!" Pangaral na naman ni Mommy habang pinaghahainan si Nico ng mga pagkain sa lamesa. "O siya, kain ka lang hijo ha? Huwag kang mahiya. Heto at may kanin at hotdog. Kung diet ka naman e, may wheat bread rin kami."

Ngumiti ng matamis si Nico. "Thank you, tita." Saka tumingin sa akin.

Napatingin na naman sa akin si Mommy kaya naman napakurap kurap ako.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Kumain ka na rin. Sabayan mo na itong si Nico."

"A-ah... we-wait lang, Mom, ah, akyat lang po ulit ako saglit..." sabi ko saka ko sila tinalikuran.

Noong sigurado na akong hindi na nila ako nakikita ay kumaripas ako ng takbo patungo sa kwarto ko. Nakahinga lang ako ng maluwag noong nakaakyat na ulit ako.

Sumandal ako sa pintuan to breathe...

Oh my God...

What just had happened?

Nandito ngayon si Nico... siya ang nagdrive ng sasakyan ko, at siya ang naghatid sa akin kagabi?

What the fuck?

Marahan kong pinukpok ang ulo ko, baka sakaling may maalala ako sa mga nangyari... pero wala. Wala talaga akong maalala.

Napatingin ako sa salamin ng cabinet ko at doon ay mas lalo ko yatang napukpok ang ulo ko.

OH SHIT AMPANGIT KO!

Nagpalit ako ng mas maayos na tshirt at shorts, yung pambahay lang pero hindi naman mukhang sobrang bagong gising. Sinuklay ko rin ng maayos ang buhok kong sabog, at nagpulbo na rin at SOBRANG konting liptint para kahit paano ay hindi naman mukhang devastated ang itsura ko.

Noong maayos na ay bumaba na ako dahil baka pagalitan na ako ni Mommy. Nakasalubong ko pa si Mommy nung bumaba ako galing kwarto.

"Ay kailangang mag-ayos?" Asar niya.

Tss, Mommy kung alam mo lang!

Minsan ko lang nabanggit kay Mommy ang pangalan ni Nico noon, pagkatapos ay ngayon lang rin sila nagkita talaga kaya naman palagay ko hindi alam ni Mommy na siya 'yung Nico na kasama ko sa bus accident six years ako.

Hindi ako sumagot at dumiretso na lang sa kusina.

Kalma lang, Via... Tandaan mong hindi ka niya naaalala kaya you must act like it's nothing.

It's nothing... for him it's nothing.

Lumunok ako noong umangat na siya ng tingin para tignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko siya tinignan pabalik. Dire-diretso lang ang pag-upo ko sa upuang kaharap niya.

Napatingin lang siguro ako sa kanya noong narinig ko ang mahinang halakhak niya. I frowned my forehead.

"Tinatawanan mo ba ako?" Sabi ko sa kanya. Imbis na matakot o maoffend ay  mas lalong lumawak ang ngisi niya.

"Hindi mo naman kailangang mahiya sa akin." Sagot niya.

Dahil doom ay nalaglag ang aking panga.

"Ako? Mahihiya? Bakit? Paano mo nasabi?" Umiwas ako ng tingin at saka kumuha ng wheat bread at mayonnaise. Mukhang halatang nagdadabog ako kaya naman sinubukan kong mas kumalma.

"Well," napatingin ako muli sa kanya. He licked his thumb na parang nadumihan ng ketchup. Muntik na akong madala dahil sa kislap ng labi niyang kumislap. "You combed your hair. You changed your clothes. You don't have to do that, I won't judge you. Sayang 'yong sabaw, hindi na masyadong mainit ngayon."

Pakiramdam ko'y biglang nagsiakyatan ang lahat ng init sa pisngi ko, pero hindi ako nagpahalatang napapahiya na ako.

"That won't mean na nahihiya ako sa iyo. I just can't stand myself to be like that when somebody else is around, okay?"

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko habang nakangisi. "Okay, kung 'yan ang sabi mo e."

Nakakaloko ang tawa niya. Para bang nangaasar na nangiinis. Pero sa kabila nito ay hindi ko mapigilan ang sarili kong purihin ang kagwapuhan niya.

He matured a lot. Pansin na pansin ko iyon ngayong natitigan ko siya ng mas matagal at mas malapitan. His shoulder became broader. Tingin ko'y mas tumangkad rin siya at mas nadagdagan ng maturity ang detalye ng mukha niya.

"Okay ka na ba? Hindi na masakit ang ulo mo?" Aniya noong hindi ko na siya sinagot.

"Y-yes, okay na ako." sagot ko saka lumunok. "By the way, thank you."

He leaned out saka sumandal sa kanyang upuan. A glimpse of smile passed by his lips, kasabay ng pagkislap ng kanyang mata.

"...k-kasi hinatid mo ako." Dugtong ko pa.

Hindi ko na napigilan dahil sobrang init na ng pisngi ko. Pakiramdam ko anytime ay matutunaw ako sa klase ng ngiti niya. His amused grin melts me more.

He leans in habang nakatitig pa rin sa akin.

"Talaga?" He asked. Hindi ako nakasagot agad roon. "Hindi iyan ang sinasabi mo kagabi."

Kumunot ang noo ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

Biglang pumasok sa isip ko ang mga saglit na ala-ala kagabi. Hindi ko malinaw na matandaan lahat ng pangyayari, pero naaalala kong nagsuka ako, pagkatapos ay binuhat ako ni Nico.

Did I say something wrong? Nasabi ko ba sa kanya lahat ng hinanakit ko tungkol sa kanya?

"A-ahm... d-did I say something wrong? Kagabi?"

Pero imbis na sagutin ako ay mapaglarong ngisi na naman ang isinagot niya. Para bang aliw na aliw siya na binibitin ako.

"Nico..."

He looked at me noong tinawag ko ang pangalan niya. Straight to the eyes. Hindi ko mapigilan ang mga paru-parong magsigalawan sa aking tyan. Ilang segundo pa kaming ganoon hanggang sa dumating na lang si Mommy.

Umiwas ako ng tingin at kunwari'y umubo.

"Oh, Via, ihatid mo itong ni Pogi sa kanila ha. Bilang kapalit naman ng kabutihan niya sa iyo."

Napaangat ako ng tingin kay Mommy dahil sa sinabi niya, saka ako muling napatingin kay Nico. Nginingisian niya  ako habang kumakain siya ng hotdog na niluto ni Mommy.

"O, iyan ang susi ng kotse mo." Sabi ni Mommy sabay lapag ng susi ng kotse ko sa lamesa.

Doon ay nagflash ang ala-ala kung saan ko ba inilagay ang susi bago kami pumasok ni Janica sa bar.

Nagpark ako sa parking lot ng bar, saka inilagay ang susi ng sasakyan ko sa bra ko.

Napahalakhak na lang si Janica.

"Unique ng lagayan mo ng susi ah!" Natatawang puna ni Janica.

"Wala akong pouch o bulsa e. Baka mawala. At least dito, safe." Humalakhak na rin ako.

"Wow, ang yabang porket may ibubuga!" Aniya.

Pagkatapos alalahanin iyon ay napalingon ako kay Nico. Agad siyang umiwas ng tingin saka umubo-ubo.

Tinignan ko siya ng masama, ngayon ay siya naman ang hindi makalingon sa akin.

"How did you get this key?" Tanong ko sa kanya.