webnovel

Six Years

May luha ang mga mata ko bago pa ito maidilat. Pagkagising ko pa lang ay dama ko na ang bigat ng pakiramdam... ang sakit ng puso ko.

Noong tuluyan kong maidilat ang aking mga mata ay doon ako mas lalong humagulgol, lalo na noong maalala ko ang lahat ng nangyari. Ngayon ay nasa mas private na silid na ako, hindi tulad noong una akong magising na nasa public room lang.

"Via..." naga-alalang dumalo sa paggising ko si Geraldine. May bitbit siyang mga prutas na mukhang dinala niya para sa akin. "Gising ka na, thanks God!" Aniya. "Lumabas lang saglit si Ti--"

Natigilan siya noong mas lalo akong humikbi.

"Bakit? Via... bakit ka umiiyak?" Binitiwan niya ang mga prutas kaya naman agad akong kumapit sa braso niya.

"Dine, please... tulungan mo ako." I sobs. "Si Nico... please kailangan ko siyang makita."

Nalaglag ang kanyang panga.

"Bakit? Anong nangyari?"

"K-kasama ko siya noong naaksidente 'yong bus."

Saglit siyang natigilan dahil sa sinabi ko.

"Pero Via... hindi ka pa pwedeng umalis ng kwartong 'to. Kailangan mo pang magpagaling."

I cried harder dahil doon. I covered my whole face habang walang tigil na humahagulgol. Naramdaman ko ang marahang haplos ni Dine, and this time ay umiiyak na rin siya.

"Don't worry, ako na lang ang maghahanap kay Nico." Nabuhayan ako dahil sa sinabi niya. "I'll find him for you... but promise me na magpapagaling ka, Via... please? Magpagaling ka para sa amin. Oara kay Nico."

Makalipas ang ilang sandali ay medyo kumalma na ako, pero nandoon pa rin ang sakit at ang kaba habang blanko lang akong nakatitig sa bintana nitong room na kinalolooban ko. Nand'on pa rin 'yong sikip ng dibdib tuwing naiisip ko na paano kung...

Paano kung...

wala na? Paano kung, huli na?

Sumakit ang lalamunan ko kasabay ng pagtulo ng luha sa gilid ng aking mata. Agad ko iyong pinunasan...

Hindi. Buhay si Nico. Buhay siya hindi ba? Buhay siya, Via. Kailangan mong maniwala.

"Baby," napalingon ako kay Mommy na may dalang tray ng pagkain. Marahan siyang ngumiti at marahan inilapag 'yong pagkain sa aking tabi. "Kain ka muna. Sabi ng friend mo, excuse ka na daw sa klase for a week. Kaya kailangan mong makarecover para makahabol ka sa lahat ng lessons."

Walang ganang tumingin ulit ako sa bintana, "Wala po akong ganang kumain, Mom." Sagot ko.

"Pero anak," malambing na ani ni Mommy. Malalim ang kanyang buntong hininga. "Iyong Nico na binanggit mo kahapon... bago ka tinurukan ng pampatulog..."

Agad akong napalingon kay Mommy the moment na narinig ko pa lamang ang pangalan niya...

"...nobyo mo ba siya, anak?" Tanong niya na nakapagpatigil sa akin. Dahil doon ay muli na naman tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Marahan akong umiling.

"Siya po ang lalaking mahal ko," sagot ko. Marahang nalaglag ang panga ni Mommy. Umiwas ako ng tingin. "Yes, Mom. Out of many guys that I've met... sa kanya ko lang naramdaman 'yong ganito." Humawak ako sa dibdib ko, sa bandang puso. "Sa isang kundoktor. But I was so selfish that I never tell him that I also liked him eversince. I was so selfish that I never tell him na wala akong pakialam sa kung ano pa siya, sa kung ano pang sabihin ng iba. I never had the chance to tell him he deserved me, that I was the one who's undeserving of his love." Pinunasan ko ang ilang luha dahil masyado nang lumalabo ang aking paningin.

Narinig ko na rin ang paghikbi ni Mommy.

"Huwag mong sabihin 'yan, anak..."

Niyakap niya ako upang daluhan ako sa aking pagiyak. "You are both deserving, tandaan mo iyan."

Tumingin ako sa kanya, "Mom... you're not angry?" Tanong ko. "Na sa isang kundoktor ng bus ako nagkagusto?"

Hinawi ni Mommy ang buhok ko upang hawakan ang magkabila kong pisngi

"I will never get angry to you..." aniya. "Maybe mataas ang standards ko sa mga ipinapakilala ko sa 'yo, but that's just me. I will never stop you for loving who you want, baby. As long as you know what you are doing, as long as you're safe and happy..."

Niyakap niya akong muli... Doon ko naramdaman ang sobrang panghihinayang. All this time, Mommy is all I considered. Akala ko'y hindi niya matatanggap si Nico but I was wrong.

Kung sana noon pa lang ay ipinakilala ko na siya. Sana kung noon pa lang ay hinayaan ko na ang sarili kong mas mapalapit sa kanya. I missed all my chance... to be with him.

Noong bumalik si Geraldine ay agad akong nagtanong sa kanya tungkol kay Nico.

"Dine, k-kamusta..." umupo ako mula sa pagkakahiga noong dumating siya. I forced myself to smile hoping some good news from her, pero agad akong ginapangan ng kaba sa klase ng mukhang ipinapakita niya. "D-dine..."

"He's in critical stage..." panimula niya. Panandaliang tumigil ang tibok ng puso ko. I don't know how to react. I felt relieve na malamang he's still breathing. He's alive... pero hindi ko rin maiwasang kabahan dahil nasa kritikal siyang kalagayan. "...noong inalis siya sa ospital na ito."

Napalunok ako. "N-nasaan na siya?"

"Ang sabi lang ng nurse na inassign sa kanya ay kinailangan siyang ilipat ng ospital dahil sa kalagayan niya, pero hindi pwedeng sabihin ang iba pang detalye. Iyon lang daw ang pwede nilang sabihin sa akin."

Days passed na pabalik-balik si Geraldine sa kwarto ko sa ospital upang dalawin ako. Sa bawat araw ring iyon ay nagtatanong ako ng update tungkol kay Nico, pero wala... I'm so thankful to her dahil kung hindi siya pumupunta ay malamang naburyong na ako ng tuluyan dito.

Hanggang sa tuluyan na akong makalabas ng ospital, and went back to school. Kinuyog ako ng mga kaklase ko pagkabalik ko.

"Kamusta ka Via?"

"Dapat mas nagpahinga ka pa!"

"Grabe 'yong nangyari sa 'yo..."

But I didn't mind them all... buong araw akong tahimik at paminsan minsan lang na nagsasalita tuwing kinakausap ako ni Dine.

Noong uwian ay nagmamadali akong pumunta sa bus station. Doon ay nakita ko si Nico in his usual place, laughing with his friends. My heart was so excited, without me knowing that I only fooled myself for thinking that he's still here... waiting for me.

Pero wala siya kahit saang lupalop ng bus station. Wala siya kahit saan ako tumingin.

Napakurap ako't saka pumunta sa grupo ng mga kundoktor sa usual place kung saan tumatambay si Nico. Napalingon sila sa akin saka natigilan sa paguusap noong nakita ako.

"Hi," Marahan na ngumiti ako sa kanila saka mas lalo pang lumapit. "M-may gusto lang sana akong itanong... tungkol kay Nico." Huminga ako ng malalim upang pigilan ang luhang nagbabadya na namang tumulo. "N-nandito na ba s-siya? Pumasok na ba siya? Okay lang ba siya? Kung hindi... a-alam niyo ba kung nasaan siya?"

Kumurap ako at doon ay hindi ko na napigilan pa ang mapaluha.

Ang ilan sa kanila ay nagpanic upang mabigyan ako ng tissue o panyo.

"Sorry..." iyon na lang ang nasabi ko, saka ko naramdaman ang marahang pagtapik ng isa sa kanila sa balikat ko.

"Miss..." ani ng isa. "Pasensya na pero hindi rin namin alam... ang totoo noong makita ka namin ay iyan rin sana ang itatanong namin. Akala namin magkasama kayong nagpapagaling, ni hindi rin namin alam kung saan namin siya dadalawin..."

Umuwi akong halos mawalan ng pag-asa dahil sa sagot nilang iyon. Nasa bus na ako ngayon at umaasa pa rin sana... na baka may himalang mangyari na makita ko si Nicong sumampa sa bus na sinasakyan ko upang singilan ako ng pamasahe. Okay lang kahit sungitan niya ako ulit... okay lang kahit bumalik kami sa dati... basta ang mahalaga ay makita ko siyang ligtas. Makita kong muli ang pagkunot ng noo niya.

___

I remember the times we spent together

On those drives

We had a million questions

All about our lives

___

Sumabay sa lungkot na nadarama ko ang tugtog sa bus.

___

I remember the days we spent together

Were not enough

And it used to feel like dreamin'

Except we always woke up

Never thought not having you

Here now would hurt so much

_

__

Sana nandito ka pa rin Nico. Sana nasabi ko ang lahat sa 'yo.

Tinitigan ko ang litrato ni Nico na kinuha ko mula sa facebook niya. Ito 'yong lumang litrato niyang isinave ko para pagtawanan. Sa litratong kasing ito ay sobrang bata niya pa at hindi pa tinatamaan ng puberty.

Nagkaguhit ng saglit na ngiti ang aking labi habang tinititigan ko ito. Ngunit kasunod n'on ay wala na namang katapusang luha.

___

Tonight I've fallen and I can't get up

I need your loving hands to come and pick me up

And every night I miss you

I can just look up

And know the stars are

Holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight

_

__

Paulit-ulit ko ring tinititigan ang mga palitan namin ng text messages. Ilang beses ko na ring sinesendan ng mahahabang mensahe ang mga lumang account at number niya... umaasa na sana mabasa niya. Na sana sumagot siya...

_______

Via:

Nico... si Via 'to. Kamusta ka na? Nasaan ka ngayon? Sana kung nasaan ka man ay ligtas at nasa maayos kang kalagayan. Nasa akin pa 'yong jacket mo. Hindi ba palagi mong sinasabi sa akin na saka ko na lang 'to ibalik dahil magkikita pa tayo? Magkikita pa naman tayo di ba? Nasaan ka? Ayoko na ng jacket mo please, ibabalik ko na 'to sa 'yo...

Miss na kita... miss na miss... please, magkita na tayo ulit. Hindi ko pa nasasabi sa 'yo itong nararamdaman ko. Please, Nico... please. I love you.

_______

Sa bawat araw na nagdaan ay wala akong nagawa kundi ang maghintay sa bus station. Minsan ay sinasadya kong magpalate ng uwi sa pagasang baka dumiretso dito si Nico kung sakali mang gumaling na siya.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang naghihintay. Naalimpungatan ako noong may marahang yumugyog sa balikat ko.

"Ineng..." pag-angat ko ng tingin ay isang matanda ang bumungad sa akin. "Bakit ka natutulog dito? Delikado. Jusko, nakaalis na rin ang last bus..."

Napatingin ako sa paligid at sobrang dilim na nga. Halos bilang na lang ang mga tao.

"Ay gan'on po ba? Okay lang po. Magbu-book na lang po ako ng sasakyan."

Tumayo na ako't lalayo na sana nang makilala ko 'yong matandang kumausao sa akin. Siya rin 'yong matandang nanggising kay Nico noon nang makatulog rin si Nico kakahintay sa akin.

Bumalik ako upang kausapin siya. Medyo puti na ang kanyang buhok at medyo mabagal nang maglakad. Mukhang siya palagi ang natitira dito tuwing gabi.

"Excuse me po, pwede ko po vang itanong kung... may kakilala po kayong Nico?"

Natigilan siya at napaisip. "Ah! Nico ba kamo? 'Yong gwapong binata?"

Natango ako.

"Oo kilala ko ang batang iyon! E mabait 'yon e at saka kay gwapong bata nga. Kaya nga lang hindi ko na siya nakikita sa ngayon..."

Doon pa lang ay nasagot na niya ang tanong ko, mukhang hindi rin niya alam kung nasaan si Nico.

"Gan'on po ba..."

"Kaso nga lang ay napakatigas ng ulo..." dugtong pa nito. "Minsan ay nakikita kong pinapagalitan iyan ng boss nila, dahil panay siya nakikipagpalit ng oras ng pagduty. Kahit hindi siya ang nakadestino sa bus na iyon ay minsan kinukuntsaba at sinusulsulan ang katrabaho para lang siya ang tumao sa byahe na iyon... aba'y ewan ko ba sa batang iyon..."

Wala sa sarili na namang bumyahe ako pauwi. Muling uminit ang gilid ng mata ko dahil sa mga sinabi n'ong matanda. All this time ay gan'ong effort ang ginagawa ni Nico para lang makasama ako... and there are also time na ginagawa ko rin ang lahat para layuan siya.

Lumipas pa ang mga minuto...

Oras...

Araw...

Buwan...

At anim na taon...

Anim na mahahabang taon... at pakiramdam ko ay kailangan ko pa ring maghintay dito. Sa bus na sinasakyan ko papasok at pauwi, kung saan kami unang pinagtagpo.

-- final chapter --

Epilogue is upnext. Thank you so much for reading this novel! ❤