webnovel

Nico Lang

Pero bago pa siya makalapit ay agad na siyang tinawag ng kung sinong katrabaho niya. Napalingon naman siya dito agad. Isinenyas nito na paparating na pala 'yong isang bus. I saw him bite his lower lip saka lumiko ng daan para pumunta kung saan. Siguro ay may kailangan siyang asikasuhin o trabahuin.

Napasimangot tuloy ako. Hindi tuloy kami nakapag-usap. Nakita ko na lang siya ulit noong pasakay na kaming lahat sa kararating lang na bus, though hindi pa rin siya lumilingon sa akin dahil mayroon pa rin siyang inaasikaso na hindi ko alam kung ano. Hanggang sa makasakay na ako ng bus at nakaupo na sa pinaka-gitnang bahagi.

Umakyat na rin siya at agad na naghanap sa dagat ng mga tao. Noong mapadpad sa akin ang tingin niya ay saka lang umangat ang gilid ng labi niya.

Nahawa na naman tuloy ang labi ko. Kainis! I bite my lower lip saka tumingin sa bintana. This time ay ako na ang nasa tabi ng bintana sa upuang pan-dalawahan lang.

"Buenavista," sabi ko noong sandaling tapos niya nang singilin 'yong katabi ko. Wala akong barya kaya naman isang daan ang inabot ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Mamaya na 'yung sukli mo, Miss. Wala pang barya e." aniya. Nahihiyang tumango ako saka umiwas ng tingin para tignan ang bintana. Kainis!

Ilang beses ko na bang nasabi 'yung kainis? Haha! Kainis, dahil bakit ganito yung epekto niya sa akin?!

Noong kumonti na ang mga tao at bumaba na ang katabi ko ay halos atakehin ako sa puso nang umupo sa tabi ko ang walanghiyang si Nico.

"Via!" nakangiti niyang sambit. Wala sa oras na napatitig ako sa mukha niya dahil sa gulat kaya naman hindi ko maiwasang mapakurap-kurap.

"N-Nakakagulat ka." mahinahong sambit ko kahit ang totoo ay nagwawala na ang dibdib ko. Pinagmasdan ko ang pagabot niya sa akin ng buong isang daan.

"Walang panukli e." aniya. Dahan-dahan kong kinuha iyon mula sa kamay niya.

"Alam mo bang ilang beses na akong hindi nagbabayad?" natatawang sabi ko. Ilang beses niya na akong hindi sinisingil. "Baka malugi na kayo niyan."

Nag-shrug lang siya saka tumawa.

"Paupo ah?" aniya habang nakatingin sa akin.

"Hmm," I said saka tumingin ulit sa bintana dahil parang hinahalukay na naman ang dibdib ko.

"Hindi ka masungit ngayon ah?" aniya kaya napalingon na naman ako sa kanya. Helooked at me na ngiting ngiti, exposing his goddamn beautiful and sweet smile. Pati 'yong mata niyang sumisingkit tuwing tumatawa.

"Gusto mo bang sungitan kita?" I also said while chuckling.

He shrugged, "Okay lang. Kahit ano naman d'on bagay sa 'yo."

"Bola," I smiled saka tumingin sa binatana.

"Mahal kita, mahal kita..." tumindig ang balahibo ko n'ong marinig ko ang mahinang pagkanta niya. "HIndi ito bola..." aniya pa, habang nakatingin sa akin. "Ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na."

Ang dami mong alam, Niconduktor. Samantalang ako ay hindi ko na alam kung paano ko pa mapipigilan 'to. Totoo nga yatang habang lalo mong iniiwasan ay mas lalo kang mapapalapit. The next thing I knew ay nagpatuloy pa ang pagpalitan namin ng mga messages.

"Boo!"

Halos mapatalon ako sa gulat noong biglang lumitaw sa gilid ko si Geraldine.

"Ano ba!" reklamo ko naman.

"Ngiting ngiti ka dyan ha? Sino 'yang katext mo? Ayiiiiiiiie!" asar ni Dine sa akin.

"What?" Agad kong inikunot ang noo ko, pero agad na nahagip ng mata ko si Marcus na napatingin sa akin dahil sa lakas ng bibig ni Dine, at si Jared na ngumiti sa akin. Umirap ako. "Wala akong katext."

Tinago ko naman agad 'yong phone ko dahil I know Geraldine, aagawin niiya ang phone ko kapag nakita niya pa.

"Anong wala? E para kang nakalutang kanina habang nakaupo e! Hindi mo nga napansing kinakausap kita!"

I raise my brow bago ko inayos ang mga gamit sa bag ko. Last subject na kasi at pauwi na rin kami. Hinintay ko lang itong si Geraldine dahil nag-CR.

"O diba? Hindi mo napansin!" pang-aasar niya.

"Whatever!"

Maya-maya'y naagaw ang atensyon namin ng mga kaklase naming babae na bumalik para magpakalat ng chismis.

"Guuuuuuuuurl! Sobrang gwapo n'ong nasa labas nitong school natin!"

"Sobra ate! Dali i-sight niyo! Naka-tshirt lang pero grabeee!"

"Sino bang gwapo 'yang sinasabi niyo?" singit ni Marcus. "Mas gwapo pa ba sa akin?"

Wala sana akong pake tungkol sa pinaguusapan nila kaso bakakabadtrip ang kahanginan ni Marcus.

"Manahimik ka nga Marcus! Sawa na kami sa kagwapuhan mo!"

Isinukbit ko 'yong bag ko saka inaya si Geraldine na lumabas na kami. Doon naman humarang sa daraanan ko si Marcus. Umangat ang tingin ko sa kanya saka 'ko itinaas ang kilay ko.

"Via!" eentra sana si Jared na nando'n pa rin pala sa gilid pero pinigilan ko siya sa paglapit sa amin para tumulong. I don't need him to deal wit this boy.

Ngumisi siya.

"Don't tell me you wanna see that guy na sinasabi ng mga kaklase natin?" he asked na para bang pagmamay-ari niya ako. "Pagkatapos ko, si Jared, and now, naghahanap ka ng panibagong magugustuhan? Aren't we enough, huh?

"Pwede ba?!" nagpanting ang tenga ko sa pinagsasabi niya. "Don't ever think and act like we had something, kasi for the record, ikaw lang naman 'tong naghahabol sa akin."

I heard silent 'Ohhhh' around noong sinabi ko 'yon. Probably they felt pity for Marcus, or mayroon dyan na magagalit o maiinis sa akin, but the hell I care?! Masyadong matalas ang tabas ng dila niya pero mas matalas ang tabas ng dila ko.

"Tara na, Dine."

Naglakad na kami ni Dine palabas at palayo kay Marcus.

"Bwisit 'yon ah! Akala niya yata jowa mo siya!" komento ni Dine pagkalayo namin. "Bwisit! Kung matapang lang ako, ako na mismo ang sasapak doon e! Buti hindi kanagkagusto d'on Via!"

I shrugged.

"Malakas lang yata talaga ang pangamoy ko sa ganyang klaseng mga lalaki," sabi ko.

Napatigil ako sa pakikipagusap kay Dine noong mag-beep ang phone ko. Halos kumalabog naman ang dibdib ko nang mabasa ang text mula kay Nico.

Nico: Nasa labas ako ng university niyo.

What the hell?

"Bakit? Ano 'yon?" napalingon sa akin si Dine nang mapatigil ako sa paglalakad. Doon rin namin napansin ang kumpol ng kababaihan sa harap ng gate. "Anong meron?"

"Shocks, ang gwapo ate!"

"Oo nga e. Taga-dito ba 'yon sa atin?"

"Hindi ko kilala e."

"Itanong natin 'yung name."

Sabi ng mga kababaihang nakakasalubong namin. Mas lalong kumabog ng napakalakas ang dibdib ko. Lumapit sa akin si Geraldine.

"May artista ba?" tanong niya. Napalunok ako habang naglalakad na ulit kami palapit sa gate.

Doon nga ay may natanaw akong isang nakatalikod na lalaking nakasandal sa railings sa labas ng gate. Para siyang nakatungo habang may tinitignan sa telepono niya. Doon ay muling nag-vibrate ang phone ko.

Nico:  Anong oras uwian niyo? Hintayin kita.

"My ghad, mukhang gwapo nga Lind!" napatingin ako sa likuran ko kung saan nandoon pala sina Lindsey. Napatingin rin sila sa akin saka napairap. I also rolled my eyes saka muling tinignan si Nico. Nakatalikod siya mula sa amin kaya tingin ko ay hindi niya napapansin ang nagkukumpulang mga babae ngayon ng dahil sa kanya.

I replied to his text.

Via: Bakit ka pumunta dito?

Imbis na magreply ay nakita ko kung paano siya lumingon sa amin kaya naman mas lalong lumakas ang bulungan ng mga babae. Nagpanggap rin ang mga ka-school mates ko na hindi sila nakatingin kay Nico upang hindi mapahiya.

Napatingin ako kay Nico kaya naman nagtama ang aming mga mata.

"Ang pogiiiiiii ngumitiiii!"

"Shocks, girl! Lumingon dito! Sino kayang tinitignan niya?"

"Malamang it's Lindsey!" sabi ng alagad ni Lindsey. "Sino pa bang maganda rito? Don't tell me it's Via?"

"Via!" kumalabog ang dibdib ko nang tawagin na ni Nico ang pangalan ko. Halos malaglag ang panga ni Geraldine ngayon sa tabi ko. Pati na rin 'yong mga babaeng nasa likuran ko.

"D-did he just say your name, Vi?" tanong ni Dine. I gulped habang pinagmamasdan kung paano siyang naglalakad palapit ngayon sa amin dito sa mismong gate. He's wearing a simple white shirt and a black pants, pero grabe na ang dating niya. "Oh, God, I think papunta nga siya dito..."

Pero bago pa man makalapit sa amin si Nico ay ako na ang sumalubong sa kanya. His smile was so wide and cheerful. Bago ko pa masabi ang sasabihin ko noong nakaharap ko siya ay napatingin ako sa rose na inilahad niya sa harapan ko.

"Oh myyyyyyy gaaaaaad!"

"Ang swerte ni Viaaaaa!"

"Grabeeeeeee!"

Napuno ng ingay ang buong paligid kaya naman mas lalo lang uminit ang pisngi ko. Tinanggap ko iyon ng dahan-dahan kasabay naman ng pagsulpot ni Geraldine sa tabi ko.

"Are you courting my best friend?" walang alinlangang tanong niya kay Nico. Siniko ko naman siya saka hinarap 'tong lalaking bigla-bigla na lang susulpot para abutan ako ng bulaklak.

"Oo..." bago pa man ako makapagsalita ay sumagot siya kay Geraldine. "Sana..." aniya pa sabay tingin sa akin.

"Anong sinasabi mo?" bulong ko kay Nico habang ang panga ni Geraldine ay laglag na. He just shrugged.

"Hey... Via!" napalingon kaming tatlo sa umeksenang sina Lindsey pala. "Oh... hi!" anila habang nakatingin kay Nico. Bumalik ang tingin nila sa akin. "You didn't mention na may boyfriend ka na pala..." sabay pasada na naman ng tingin kay Nico.

Ngumiti naman si Nico sa kanila. A friendly smile na tanging si Nico lang ang nagtataglay.

"Sorry pero hindi niya pa ako boyfriend. Hindi niya pa kasi ako sinasagot." Halos gusto ko nang magpakain sa lupa dahil sa mga sinasagot ni Nico. Anong ligaw?! Anong sagot?! Walanghiya 'tong lalaking ito kung mambigla jusko!!!!

"Yeah, right, nanliligaw pa lang kasi siya kay Via." sabi naman ni Geraldine sabay irap. Umirap rin sina Lindsey pero mukhang kay Nico talaga sila interesado.

"So... are you from what school? Parang ngayon lang yata kita nakita?"

Kumabog ng napakalakas ng dibdib ko dahil sa tanong ni Lindsey, kaya naman bago pa makasagot si Nico ay nagsalita na ako.

"Lee University!" napatingin sa akin si Lindsey, pati si Nico na mukhang nabigla. "He's from Lee University."

"Oh my Gad, Sis! Lee University is a prestigous school on Buenavista!" bulong ng tropa ni Lindsey kaya naman napabuntong hininga ako sa loob.

"What course are you taking--"

"He's taking architecture!" gusto kong mapakagat sa labi dahil sa pinagsasabi ko ngayon. Sina Lindsey ay napakunot na ng noo noong hinarap ako.

"Are you him? Bakit ikaw ang sumasagot?" inis na sabi nila sa akin.

Malakas ang kaba sa dibdib ko pero pinilit ko pa ring sagutin si Lindsey. "And why do you keep on asking him?"

"Because I'm interested on him." straight na sagot niya. "Is that bad? He's not your boyfriend, right?"

"Miss..." natigilan ako noong humarang sa harap ko si Nico para harapin sina Lindsey. Nalaglag ang panga ko noong inabot niya ang kamay nito upang i-shake hands. "I'm Nico. Nico Garcia." Napansin ko kung gaano pumula ang pisngi niya. "And yes, I'm taking up architecture on Lee University. But I'm sorry, I'm only interested with Via." sabay bitaw sa kamay ni Lindsey.  "Tingin ko I can't be interested with anyone else."

Halos malaglag ang panga ko dahil doon sa sinabi niya pero bago pa kami maka-react lahat ay hinila niya na ako palayo. Nagpadala na lang ako sa hila niya at pinagmasdan ko kung paano niya hawakan ang pulsuhan ko. Noong medyo makalayo na kami ay binitawan niya na ako kahit patuloy pa kaming naglalakad.

Tingin ko tinatahak namin 'yong daan papunta sa bus station.

"Nico..." sambit ko dahil magmula noong naglakad kami ay hindi na siya umimik. I bit my lower lip dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Pinagmasdan ko lang ang bulaklak na inabot niya sa akin kanina. "Sorry..." bigla na lang ay nasambit ko.

Kanina ay parang ginawa ko siyang sinungaling. Nagpanggap siya na nagaaral sa isang mamahaling University when the truth is hindi naman talaga, para lang suportahan ang kasinungalingang sinimulan ko. Lumabas kanina na parang ikinakahiya ko kung sino siya, kung ano siya.

"Okay lang," narinig ko ang mahina niyang halakhak. Isang malungkot na halakhak. Tumigil siya sa paglalakad para tignan ako, mapatigil rin ako dahil doon.

Parang sandaling tumigil ang tibok ng dibdib ko dahil sa lungkot sa mata niya na nakikita ko.

"Akala ko pwede. Pero hindi ko pala mababago 'yon..." aniya pa. "Na si Via ka... Si Nico lang ako."