webnovel

Coffee Shop

Naglakad na ako papunta sa kanto ng Buenavista. Doon ay nadatnan ko na si Topher na kahit naka-sunglass at naka-long sleeves at pants lang ay nakakahakot na agad ng atensyon. Siguro dahil na rin sa magandang sasakyan niya.

Agad siyang napaayos ng tayo noong natanaw ako. He greeted me with a nice smile.

"Hi," aniya.

"Kanina ka pa?" Tanong ko pabalik.

"Hindi naman," aniya saka binuksan ang pintuan ng passenger's seat. "Tara?"

I smiled a little para tugunan ang pagiging gentleman niya. Isinara na niya ang pinto ng kotse at umikot para sumakay naman sa driver's seat.

"I'm glad sinamahan mo ako ngayon." Aniya matapos paandarin ang sasakyan.

"Wala rin naman akong gagawin," sagot ko sabay tingin sa bintana. Doon ay natanaw ko na ang dami ng mga pasaherong naghihintay para sa bus na masasakyan nila, pauwi o papunta man kung saan. "Saka ayokong magkulong muna sa kwarto..."

Namalayan ko na lang na tinatahak na namin ang daan papuntang coffee shop kung saan kami unang nag-coffee rin. Malapit sa company nilang JCG Firm, at malapit rin syempre sa office place namin.

"Haha, sorry, wala akong maisip na ibang coffee shop. I think dito talaga ang pinakamasarap." Aniya saka bumaba at umikot para pagbuksan ako ng sasakyan.

"Well, I couldn't agree more." Sagot ko habang naglalakad na kami papasok sa coffee shop.

"Favorite namin dito ng friends ko, especially me and my Kuya." Sabi niya pa. Nasa harap na kami ng counter. "What's your order? It's on me."

"Citrus Cold Brew, and blue berry cheesecake."

Matapos namin sabihin ang order ay naupo na kami. Ilang sandali ay may tumawag sa cellphone ni Topher.

"Excuse me lang, can I just answer it here?" Paalam ni Topher.

"Sure, it's okay."

"Sorry kuya. Nainis lang talaga ako kay Mommy." Aniya. "Bakit kasi kuya hindi na lang ikaw? Ikaw ang mas karapat-dapat."

Nagfocus na lang ako sa kape at sa cake ko upang hindi marinig ang pakikipagusap ni Topher sa cellphone. Nakatingin siya sa glass wall nitong restau habang kunot na ang noo. Rinig ko ang mga sinasabi niya kaya naman hindi ko na maiwasang mag-eavesdrop.

"Nandito sa usual coffee shop na pinupuntahan natin." Sabi pa ni Topher. "Yes. Uh, I'm with Via."

Napaangat ako ng tingin noong nabanggit niya ang pangalan ko. So nakukwento niya na pala ako sa family niya.

Narealize niya sigurong ganoon na ang iniisip ko noong namula siya ng bahagya at umiwas ng tingin.

"Okay kuya. Just don't tell Mom kung nasaan ako. I'll go with you kapag umalis na si Mom."

Saka na niya ibinaba ang tawag.

"What's the problem?" Tanong ko noong natameme na siya after ng tawag.

"Actually, ito yung gusto kong ikwento ngayon." Aniya. "You know, my dad died, and we need someone who will manage our company. My mom wants me to manage it."

"Bakit ikaw? How about your Kuya?"

"That's exactly my point. Bakit hindi ang Kuya ko? My Kuya is an engineer."

Hindi ako makapagsalita dahil wala naman akong alam sa ganitong trabaho. I don't know either how to say comforting words para maging mabuti ang pakiramdam niya.

"What did your Kuya says about this?" tanong ko na lang.

"I don't know..." he answered. "I mean, he can't say no to my Mom sometimes. He do what she says most of the time, siguro dahil ayaw niya ito madisappoint? Pero sa aming dalawa, ako madalas 'yong hindi sumusunod kay Mommy."

"So you're a black sheep?" He laughed. Napangisi na lang rin ako.

"Actually, I am not naman. I love my Mom so much and I am a Mama's boy. Pero madalas ang talaga may desisyon si Mommy na hindi ko maintindihan." He sip his coffee.

"Kamusta naman ba ang music career mo?" I asked instead. Medyo natigilan siya.

"Good, but actually not good." He answered. "Nagkaroon ng kaming anim ng misunderstanding."

"Oh, sorry to hear it." sabi ko. Kahit hindi siya sabihin ay alam ko nang 'yong band member niya sa DANGER ang tinutukoy niya. "Pero baka naman maayos niyo pa iyon."

"Akala ko rin, pero the letter R on our team leave us. I mean, si Ramil Cua."

"That's too bad to hear." Actually wala na akong mareact dahil hindi ko naman talaga kilala ang buong banda niya. Ang awkward nga lang kung hindi ako magrereact, lol. That's bad Via! "So you mean, your band name represents the first letter of your name?" I asked.

"Yes, R stands for RAMIL CUA. E stands for ETHAN MONAREZ. G stands for GAREM ROSALES. N for NIGEL DAVID. A for AMIEL RODRIGUEZ." Hinayaan ko lang siya magexplain kahit sa totoong buhay ay hindi naman ako interesado sa banda niya. Haha, too bad pero syempre ayaw ko naman magsinungaling sa sarili ko. "And me, for letter D, of course. DAN CHRISTOPHER GARCIA at your service."

Napaangat ako ng tingin kay Topher dahil sa sinabi niya. Malawak ang ngiti niya sa akin siguro dahil proud siya sa banda nila. Hindi ko na maalala pa ang ilan pa sa sinabi niya pero higit n tumatak sa isip ko ang pangalan niya.

"S-so your surname is G-arcia?" I asked. Pinigilan kong magkaroon ng ibig sabihin ang tono ng boses ko.

"Yes," proud niyang sagot.

Ngayon lang nag-sink in sa akin ang connection ng mga ikinwento niya.

"Y-you said your Kuya is an engineer, right?"

"Uh-uh," tumango siya at bakas sa mukha ang pagtataka siguro dahil mas naging interesado ako sa Kuya niya.

Pinilit kong tumawa ng bahagya. "I'm s-sorry, I-I just knew someone na Garcia rin ang apelyido... and... an engineer also..." dahilan ko. "Whats his name again?"

Bago pa siya makasagot ay tumunog ang bell ng pintuan, senyales na may bagong pasok dito sa restaurant. Napatingin si Topher sa likuran ko saka niya itinaas ang kanyang kamay na tila ba tinatawag iyong taong bagong dating lang.

"Speaking of my Kuya, ayan na pala siya."

Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng napakabilis ang dibdib ko. Ipinilig ko ang ulo ko at pumikit ng mariin saglit.

No... Maybe I'm just too paranoid... hindi naman pwedeng SIYA lang ang may apelyidong Garcia sa mga Engineers. Of course it is a general surname.

Naramdaman ko na ang presensya ng kung sino sa aming harapan. Tumayo na si Topher para salubungin 'yong bagong dating.

"Kuya, meet Via..." ani ni Topher.

Tumingala ako at tumambad sa akin ang ngiti nito.

"Via meet my Kuya... Engineer Nico Garcia."