1 Chapter 1: Surprise

Crystal's POV

"Vince?"

Napuno nang balloons ang bahay at may mga nakasabit na pictures namin ni Vince.

May malaking banner sa dingding na nakalagay ang mga salitang... HAPPY FOUR YEARS AND NINE MONTHS OF LOVE, LABS!

I was very shock, nahihibang na talaga siya.

"Surprise ko to sa'yo, labs" sagot niya habang nakangiti. "Vince hindi pa ba klaro sa'yo? Two months na tayong wala!" Napakamot na 'ko sa ulo at napapailing, naiirita na 'ko.

"Labs... ... ..." He was murmuring. Ginulo ko ang buhok ko at sumigaw. "I want you to STOP!"

Sinira ko lahat nang sinet up niya, halos magwala na 'ko. Pagod na 'ko at sawang sawa na akong intindihin at ipaintindi sa'kanya ang lahat.

"STOP... calling me 'Labs', stop fooling around... stop making me want to hate you more!"

I saw his wrist, may laslas siya sa magkabilang kamay. Napaluha na naman ako, hindi ko na alam ang gagawin ko...

I held his both hands, "I'm begging you! Stop... right here"

Umiyak siya bigla, para na talaga siyang nasisiraan nang bait, niyayapos niya 'ko habang humahagulhol.

"I love you so much, Crystal! I love you... I love you, come back to me please... please... I love you..."

Pilit akong gumagalaw, kahit na nagmamatigas siya nagawa ko pa ring maglakad palapit sa pinto at ganun din siya. I almost pulled him to carry him outside the house.

Nag lock ako nang pinto at bintana then, I suddenly called my mom,

"Yes, darling? Is there any problem?" She asked. "Mom... Why did you allow Vince to borrow your spare key of my house? Alam mo naman na nakipag break na 'ko sakanya, a few months ago"

Sigurado ako nun na si mama ang nagpahiram dahil kaming dalawa lang ang may susi nang bahay ko.

"What? What are you talking about, Crystal? I didn't see him for awhile..." With that, sobra 'kong natakot at kinabahan. I ended the call and decided to pack up my things. I'm going to my Mom's place.

Alam ko naman na hindi ko dapat pag isipan ng masama si Vince, dahil alam kong hindi niya ako kayang saktan. Mas gugustuhin pa nga niyang saktan ang sarili niya e.

Ilang beses niya na 'kong pinagbabantaan na magpapakamatay siya... Kapag nakipag hiwalay ako. May history siya nang suicidal.

Mabait na boyfriend si Vince, gentleman, thoughtful and caring. Sa sobrang maalaga niya, kulang na lang ay suotan niya 'ko nang helmet at kulambo para hindi madapuan ng lamok.

Wala siyang nagawang masama sa'kin pero habang tumatagal napapansin ko na masiyado na siyang nagiging seloso at possessive.

Lahat nang lakad ko ay kailangang alam niya at wala siyang ginawa kun'di ang bumuntot at magdididikit sa'kin. Madalas na siyang magalit at magselos sa mga kaibigan ko pati kamag anak.

We often had quarrels pag may mga gatherings na hindi ko siya naisasama, even family gathering.

Nagkakasakitan na kami, not physically but emotionally. Nasasakal na ako.

I end up with the decision that would cause him to get insane. At hndi ko alam kung saan siya dadalhin nang kabaliwang iyon.

-StupidCupid

avataravatar
Next chapter