webnovel

Phoebe who?

Sa wakas nakarating na rin kami sa school ng walang problema. Nai-kwento sa akin ni Pb na kakalipat lang nila sa lugar namin. Kaya pala di ko sya gaanong namumukhaan.

Pb: s-salamat nga pala sa tulong mo kanina..

Vin: ah, wala yon. kahit sino naman eh handa kong tulungan. nga pala, may ideya ka ba kung bakit ka nila hinahabol?

Pb: ah.. eh.. wala. w-wala akong ideya kung bakit.

Vin: ah ganun ba. (hmm.. may naamoy akong di maganda, pero naligo naman ako)

papalapit na kami sa Announcement Board para malaman kung anong section kami naka-assign.

??: Vin! Ano ka ba?! bat ngayon ka lang!

??: Ano pa bang pinaggagagawa mo at na-late ka?!

at eto na nga ang mga asungot sa buhay kong malungkot. Si Bret, isa sa mga Varsity player ng school namin last year, napaka athletic pero syempre mas gwapo pa rin ako at si Jean, ang president ng Supreme Student Government. strikta pero may soft side para sa mga hayop (Specially sa aso).

Vin: Yo! Mukhang nagkaka mabutihan na kayo ah.

Jean: (Namula) A-as if naman papatol ako sa tukmol na to! hmmpf!!

Bret: Hooooy! Anong tukmol! pinag aagawan yata ako ng mga babae sa school natin dati!

Jean: whatever, anyway, sino pala yang kasama mo?

Vin: Ah sya ba, sya nga pala si Phoebe, Phoebe, sila nga pala ang mga kaibigan ko, si Bret at si Jean.

Pb: umm.. Hello.. Nice to meet you~..

Jean: wow~! ang cute cute mo naman *o*

Bret: Oo nga! single ka ba? kasi ako sin-- (Sinampal ni Jean)

Jean: Manahimik ka nga pwede?!

Pb: (smiling)

Vin: (wow.. ang cute nya pag ngumingiti sya) teka, alam nyo na ba kung anong section nyo?

Jean&Bret: Oo naman

as usual, nasa star section si Jean. Si Bret naman ay Section 3. Ako naman ay nasa Section 2. hmm. ano kaya section ni Pb? hmm.. agnes.. luna.. Phoebe.. Sec.. Section 2??! Ibig sabihin magkaklase kami?!

mula sa isang random encounter ko sa kanya hanggang sa pagkakapareho namin ng section, masyadong madaming coincidences. hmm..

Pb: (sa wakas.. nagkita na ulit tayo, vin)