webnovel

Chapter 23

Hinatak ko sya palabas at inaya ng date . Baliw na ba ako? O sadyang may sayad lang talaga?

" Teka Rico bakit biglaan naman ata? "

" basta sumama ka nalang sa akin " tinanong nya ako pero wala akong sagot kundi iyon lamang. Feeling ko espesyal sya at . . .

" uy Rico! Mukhang may iba sayo ngayon , kinakabahan tuloy ako sayo " Di ko rin alam kung tama nga sya. Ano ba talaga? Parang pakiramdam ko wala namang nagbago sa akin.

" uy Rico sumagot ka nga dyan "

" salamat ah Alam ko na yan at tsaka di mo na dapat sinasabi na pogi ako "

" ano? Pero wala naman akong sinasabi ah! Binabawi ko na ang mga sinabi ko " ang cute nya sa expression ng mukha nya pero ngayon ko lang ulit naramdaman ang kaba sa aking dibdib sa tinagal tagal ng panahon.

" bahala ka na nga Rico aalis na ako di mo rin ako kinakausap ng maayos eh matapos mo akong hatakin dito "

" teka Emma " Hinawakan ko ang kanyang kamay para di sya makalayo di nako nakapag isip ng matino at di ko namalayan na hinalikan ko na sya. Di ko ma explain yung Feeling at ngayon ko lang nadama ito. I think i love her . . .

" ano ba " pagkatapos ng ilang sandali ay naramdaman ko nalang ang sampal nya sa aking kanang pisngi.

" ano bang nangyayari sayo Rico ? " tinanong nya ako at bigla syang tumalikod . Talaga bang ayaw niya sakin? I can't figure it out aminado ako na nagkamali ako this time.

" pero mahal na kita at tsaka. . "

[Emma's POV]

kinakabahan na ako at di ko na alam ang sasabihin ko sa lalaking to hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero pabigla bigla sya eh. At tsaka natatakot ako baka saktan niya ako.

Iniwan ko si Rico at umuwi nalang. Di tumitigil ang abnormal na tibok ng aking puso at sa tuwing pumipikit ako ay nakikita ko ang mukha niya. Kasi naman e , hmmmffft buti na ngalang di ako napautot.

------------------------------------------

Iniwan na niya ako , does that mean wala na talaga akong pag-asa sa kanya? Nauulit na naman ang lahat ng nangyari ng araw na yun. Pero ngayon ako naman ang may kasalanan ng lahat. Di ko man lang inisip na magagalit sya kapag ginawa ko yun.

" o Rico bat ka nandito sa labas pasok na pre manood tayo ng graduation maraming chicababes dun "

" kakagaling ko lang dyan Henry , wala na akong gana sige "

[Henry's POV]

Simula college di nya ako tinatawag sa pangalan ko kundi ang tawag ni Rico sakin ay Batchoy , Crispy pata , baboy at kung ano ano pa. Pero kataka taka sya ngayon , ngayon ko lang sya nakita na ganyan.

" oy pre ngayon na lang ulit tayo magkikita eh "

" sige pre mag enjoy ka muna jan , at akoy maglalakad muna " ngumiti si Rico at umalis narin.

Naglalakad sya at dahil sa pag-iisip nya at wala sa focus sa sarili ay di napansin ni Rico. . . . . . .

" . . . "

Up Next Final Chapter