6 Something

ELLE

"Pero wait, kagabi nung nagsayaw ka doon sa dancefloor, I saw you with a guy dancing and flirting. Hmmm." Vanessa said while rolling her eyes. Kumuha naman ako ng cookies tsaka kinain to.

"So?" Mataray na sabi ko.

"Ay ang taray ni Bakla! Ano nakascore ba?" Pangaasar pa ni Patty saakin.

"What do you mean na nakascore?" Inosenteng tanong ko habang nginunguya yung cookie.

"Duuhh? Nakascore, Nagsex ba kayo?" Automatic na nabulunan ako sa sinabi ni Patty.

"Oh babae, tubig! Dahan-dahan naman kasi sa pagkain ayan tuloy!" Sabay abot ni Vanessa saakin ng baso ng tubig.

"So totoo nga?" Excited na sabi ni Patty.

"Ano ba kayo! Malamang nagulat ako sa sinabi mo Patty, pero wala. Walang nangyari saamin noh!" I lied. Naku, sana naman maniwala tong dalawang to!

"Weeehh?" Sabi nilang dalawa. Ito na nga bang sinasabi ko eh! "Totoo nga! Ano ba kayo?!" Iritang sabi ko sa kanila magsasalita pa sana si Patty nang biglang may nagdoorbell.

"Are you expecting a visitor to come here right now?" Patty asked. I just shook my head to them.. Tumayo ako para tignan kung sino tong nagdoorbell.

Pagbukas ko ng pinto, literal na lumaki yung mga mata ko.

"What are you doing here?!" Bulong ko sa kanya pero may diin yung pagkakasabi ko niyan.

"Hi, nangangamusta lang sa bago kong kapitbahay. Ito naman, masungit agad!" Inirapan ko siya dahil sa sinabi niya.

"Look, Mr. Villafuente. Nandito sina Patty, so they can't see us like this! Did you already forgot about our deal?!"

"Hey hey Miss Lavender, baka nakakalimutan mo na magpapanggap lang tayo na hindi tayo magkakilala pag nasa work tayo, eh wala naman tayo sa work tsaka bakit ba big deal sayo kung andito yung mga kaibigan mo?" Takang tanong niya saakin. Gosh!

"It's none of your business okay? So go back to your unit now!" Medyo tumaas na yung boses ko.

"Oy bakla? Ayos ka lang? Bat parang sumisigaw ka na dyan?" Rinig kong sigaw ni Patty. "Yes, I'm alright lang. " Sigaw ko pabalik sa kanya..

"What are you waiting for? Go back to your unit!" Utos ko sa kanya. "Bakla bat ang taga--- Oh ikaw pala, Papa ay este Mr. Kyle. Anong ginagawa mo dito?" Literal na napapikit ako nung narinig ko ang boses ni Patty.

"Uhm. Hi. May sinabi lang ako kay Elle pero aalis na rin ako." Sabi niya at tinignan ako. Inirapan ko naman siya. Tsk.

"Ay ganoon? Alam ko na! Bat hindi ka muna pumasok dito?! Magmeryenda ka muna, masarap ang mga cookies na gawa ni Elle." Suggestion ni Vanessa. Wow! Nice idea. Tss.

"Ayos lang naman sayo yun, Bakla diba?" May magagawa pa ba ako kung nakapagdecide na kayo?

"Fine. Come in." I said. He smiled at me tsaka pumasok na rin.

Bumalik na kami sa sala at umupo ako sa upuan ko kanina at tumabi si Kyle saakin.. Awkward! Urrggh!

"So, ilang taon ka na Mr. Kyle?" Malanding tanong ni Pattym Kita ko naman kung paano siya irapan ni Vanessa.

"Bakla, ayusin mo nga yang tanong mo!" Saway sakanya ni Vanessa.. "What? May problema ba sa tinanong ko sa kanya?" Patay malisyang sabi niya. Umiling naman si Kyle saka ngumiti sa kanila..

"No, it's alright. Please stop calling me, Mr. Kyle, lakas makatanda eh. Kyle na lang and I'm turning 25 on September." He said.

"Talaga? Oh cookies gusto mo?" Alok ni Vanessa sa kanya. "Thanks." Sabi niya at kumuha ng isang cookies.

"The cookie tastes so good. Saan niyo to binili?" He said and look impressed.

"Hindi namin binili yan, si Elle ang gumawa niyan ano ka ba!" Sagot ni Patty sa tanong niya. Bigla namang tumingin saakin si Kyle at ngumiti. "Marunong ka palang magbake tsaka ang sarap ng cookie mo" He said na may halong kabastusan. Bwisit na lalaking to!

"Ugh, hello?" Vanessa said to us. "Yes?" Kyle.

"Hmm. Marunong na talaga yan siya magbake ng cookies, cake pa nga minsan eh tsaka cupcakes. " Proud na sabi ni Vanessa kay Kyle.

"Patikim naman ako ng cupcake mo minsan." Sabi niya na may halong something. Kung ano man yung something na yun, I'm sure na kabastusan na naman ang iniisip nito! Tsk!

"You wish." I said sarcastically. He just smirked at me.

"Uhm. Ako lang ba ang nakakapansin na may something kayo?" Patty said out of nowhere. Bigla naman akong napatingin sa kanya. Oh-no!

"Something? Pinagsasabi mo bakla?!" Vanessa faced him.

Tumingin naman saakin Patty tsaka kay Kyle. This isn't good. I'm feeling it! Urgh!

"Last night nung nakita kitang may kasayaw, medyo nakatalikod nga lang kay di ko makita yung mukha ng lalaki, pero parang kasingtangkad mo ata siya Kyle at kasing laki rin ng katawan. Hmmmm." Sabi ni Patty. Bigla naman akong pinagpawisan dahil sa sinabi niya..

"Sigurado ka ba diyan bakla? Or inaatake ka na naman ng KaOA-yan mo dyan!" Pagbibiro ni Vanessa sakanya.

"Excuse me bakla! Hindi to KaOA-yan ah! Atsaka, malinaw yung mata ko kagabi noh!" Pagtatanggol ni Patty sa kanyang sarili. "So ano nga bakla? Si Kyle ba yung kasayaw mo kagabi?" Tanong niya ulit saakin.

Bigla naman akong natigilan na para bang nanuyot bigla yung lalamunan ko, nagkatinginan kami ni Kyle at ngumiti ako kila Patty na tensyonado.

"Ano ba kayo! Hindi si Kyle yung kasayaw ko kagabi! Diba K-kyle?" At tinignan ko siya na parang sinasabihan siya na 'sumangayon ka' saakin

"A-ahh oo. Hindi siya yung kasayaw ko kagabi, hindi din kasi ako marunong sumayaw eh." Sabi niya.

"Oh diba? Sabi ko naman sa inyo eh, hindi siya yung kasayaw ko kagabi. H-hehehehe!" Sabi ko saka uminom ng isang basong tubig.

"Ohhhh-kaaayy." Sabi nilang dalawa na hindi ata naniniwala saakin. Pero hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang ng cookies. Urrgggh!!

Mag-iingat na ako sa susunod! Grrr!

It sucks when you are being 'roasted' by your clever friends! Tsss.

They stayed the whole day sa condo unit ko. Hanggang sa naisipan na nilang umuwi. Nauna nang umuwi si Kyle, bandang 2pm nung nagpaalam na siya saamin na mauuna na siyang umuwi.

"Bye bakla! See you sa monday!" Paalam ni Patty saakin.

"Salamat sa pakain mo babae! Sa susunod ulit! Babuhh!" Sabay sabi ni Vanessa saakin. Nagbeso-beso na kami at tuluyan ng umalis ang mga bruha. Narinig ko pang sinabi ni Patty kay Vanessa na maglalandi na daw siya kaya ayun, nagsakitan na naman ang dalawa.

Isasara ko na dapat yung pinto ng unit ko nang biglang lumabas si Kyle sa unit niya.

"Good thing umuwi na sila. " Sabi niya sabay ngiti saakin.

"Oo nga eh. Pag pasensyahan mo na at magulo talaga ang mga yun." Sabi ko.

"No worries. Masayang magkaroon ng ganoong klaseng kaibigan. " Sabi niya. Hinahawakan ko ang door knob.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm. Narinig ko kanina kay Vanessa na marunong ka daw gumawa ng Cake. Ano kasi..." Medyo nahihiyang sabi niya. Hmmmm.

"What?" I asked him kahit na gets ko na kung anong gustong sabihin ng isang to.

"Pwede bang turuan mo ko mamayang gabi na gumawa ng cake?" Mamayang gabi?

"Mamayang gabi talaga? Hindi ba pwedeng bukas na lang?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Yung magagawa ko kasi mamaya, para bukas yun kasi may importanteng okasyon. Kung okay lang sayo, pero kung hindi, huwag na lang." Sabi niya. Ang galing namang mangonsensya ng isang to!

"Sige. Pumunta ka dito mamayang 9:30pm. " Sabi ko. Nagliwanag naman ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko.

"Talaga?! Salamat!" Sabi niya. "Oo na. Sige na, at magaayos muna ako dito! Ang gulo-gulo eh." Sabi ko at lumingon sa may sala kasi ang dumi talaga.

"Tulungan na kita gusto mo?" Pagprisinta niya. Umiling naman ako. "No. I can manage. Sige na, isasara ko na yung pinto." Sabi ko.

"Sige. Kitakits mamayang 9:30pm. " Sabi niya. Tumango ako at isinara na yung pinto.

Magpapaturong magpagawa ng cake? Anong klaseng cake naman ata? Chocolate cake na lang siguro tapos if gusto niyang maglagay ng icing, okay lang din.

Pagtingin ko sa orasan, 5:30pm na kaya maglilinis na muna ako dito at magluluto pa ako ng pangdinner ko mamaya..After nito, aayusin ko na yung mga kakailanganing ingredients at maliligo pa ako!

avataravatar
Next chapter