webnovel

No Strings Attached

"I'm breaking up with you, I'm sorry." He said while we're in a fastfood chain having our merienda. "W-hat did you say?! You're breaking up with me?!" I said while looking at his eyes but he just looked away. "Yes. We're over now.. So please, never bother me again. Bye." And then he stood up and left me here. Hindi ako makapaniwalang ganoon-ganoon lang niyang itatapon yung limang taon naming relasyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at umalis sa fastfood chain at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. "FUCK THIS LIFE!!" Sigaw ko nang abutan ako ng red light sign na dapat akong tumigil sa pagdadrive tsaka sumandal sa manibela. "TARANTADO KA! DAHIL BA SA HINDI KO BINIBIGAY YUNG PANGANGAILANGAN MO, KAYA MO KO GINAGANITO NGAYON??!!!" Hala, sige. Pesteng mga luha! "WHERE DID I GO WRONG, YOU JERK?!!!! BAKIT MO GINAGAWA TO SAAKIN NGAYON! I LOVE YOU PERO SINAYANG MO YUN!" Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. "DAMN YOU!!!" Sigaw ko nang biglang may bumisina mula sa likod ko, bwisit sunud-sunod pa ah! ***** Resto Bar. Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang bar. Great. I need a drink. "Give me your best drink here." Utos ko sa bartender. Binigay niya naman saakin. Panglimang baso ko na pero hindi pa rin ako tinatablan ng kalasingan. Bawat shot ko, tumutulo yung mga luha ko. Bwisit na buhay to! "Hi miss. Alone?" Siraulo pala to eh mukha ba akong may kasama dito? "May nakikita ka bang kasama ko?" Sarkastikong sabi ko. Napangiwi naman ang lalaki sa sinabi ko. "The usual bro." Utos niya sa bartender.. "So, what's your name?" He asked me.. Tinignan ko nga tong lalaking to, gwapo. Matangos ang ilong, kissable lips, mapupungay ang mga mata, maputi, mukhang matangkad, mukhang nag-ggym to, in short. HOT. "Elle" Simpleng sagot ko sa kanya sabay shot ng alak. Langya, nahihilo na ako. "Nice name. You wanna dance?" Alok niya saakin. Tumayo na man ako tsaka hinila siya papuntang dance floor. When we reached the dance floor, I started to sway my hips while looking at him. I sexily or should I say, seductively swayed my hips while looking at him. I bite my lower lips at him. I saw him smirked at lumapit saakin. I just want to have fun, forget about everything, forget about the pain, forget about this damn life! Tumalikod ako sa kanya nung nakalapit na siya saakin. May hawak siyang baso ng wine ata yun but I continued to dance kahit nasa likod ko siya. Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang waist ko kaya mas ginalingan ko pa yung pagsayaw ko. "You're turning me on right now, you beautiful lady." He whispered in my ears that gives me shivers. "Did I? I should feel honoured then." "What do you want me to do?" He said and then he started to bite my left ear that leads to more sensation na nararamdaman ko. "You sure?" "Very sure." "Paligayahin mo ako." -- A/N PLEASE RATE THIS CHAPTER! ANY RATINGS, COMMENTS, OR SUGGESTIONS FROM YOU, ARE HIGHLY APPRECIATED BY THE AUTHOR OF THIS STORY. ENJOY YOUR STAY HERE AND GOD BLESS US ALL! :)

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
113 Chs

Kidnap

ELLE

Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidenteng yun sa parking lot at ilang araw na rin hindi pumapasok sa trabaho si Kyle.. Kung ano ang dahilan? Hindi ko alam at wala akong balak na alamin pa yun.

"Ano kayang nangyari kay Kyle? Bakit kaya hindi na siya pumapasok?" Malungkot na sabi ni Patty habang nilalaro ang hawak niyang ballpen.

"Oo nga bakla, ano kayang nangyari doon? Baka may sakit siya? O di kaya, kasal na yun!" Sabi naman ni Vanessa at biglang tumingin saakin. Hindi ko pinansin yung sinasabi niya at tinuon muli ang atensyon ko sa sinusulat ko.

"Hindi naman siguro ganoon bakla. For sure, sasabihan naman tayo ni Kyle or ni Mr. Albert pag ganoon yung nangyari!" Patty defended his side.. Napansin kong biglang tumitig saakin si Patty, for sure, makiki-tsismis rin ito saakin. Tsk.

"Ikaw bakla? Wala ka bang alam kung bakit wala si Kyle ngayon? Ilang araw na siyang absent ah!" Tanong ni Patty saakin. Nagkibit-balikat lang ako sa kanyang katanungan dahil kahit ako mismo, hindi ko alam kung anong nangyari doon.

"Ay iba din ang ate natin! Hindi kumikibo! Anong kaartehan na naman yan ate girl?!" Pang-iinis ni Vanessa saakin

"Sinabi mo pa bakla! Lakas maka-showbiz ang response saamin ganoon?!" Dagdag pa ni Patty. Napairap naman ako sa sinabi nila saakin at humarap sa dalawang tsismosang 'to!

"Tigil-tigilan niyo nga ako! Hindi ko alam kung bakit wala siya okay?! Kaya huwag niyo na akong isturbohin dahil nagtratrabaho ako!" Sabi ko sa kanila. Tumawa naman silang dalawa sa naging sagot at reaksyon ko sa sinabi nila.

Good thing na hindi na ulit sila nangulit pa saakin. Pero talagang palaisipan saakin kung ano nga ba ang nangyari kay Kyle.. Hindi ko din siya matiyempuhan sa unit niya eh alangan namang hintayin ko talaga siya na lumabas o di kaya'y pumasok sa unit niya no!

Ni hindi man lang siya nagtetext, or tumawag man lang para sabihan ako, though I'm not expecting naman.

Mabilis naman lumipas ang araw at uwian na namin. Nagpaalam na sina Vanessa saakin na mauuna na silang umuwi dahil may pupuntahan pa raw silang dalawa. Sus, lagi naman eh. Anong bago doon tsss..

Tinapos ko na muna yung mga ginagawa ko at tumayo na para umuwi. Nag-ayos naman ako kahit papaano at lumabas na sa office.

Medyo madilim na rin pala kaya kinuha ko yung cellphone ko para magsilbing ilaw ko habang hinahanap ko ang susi ng kotse ko. Nang makuha ko na ito at bubuksan ko na sana yung kotse ko nang biglang may nagtakip ng bibig ko.

"AHMMMFPPP!!!" Gusto kong humingi ng tulong kay Kuya Guard pero hindi siya tumitingin sa direksyon ko. Sinubukan kong manlaban sa taong to sa pamamagitan ng pag-apak sa kanyang mga paa, at pagpupumiglas pero no use!

Maya-maya pa'y naka-amoy ako nang kakaibang pabango at nakaramdam ako nang panghihina ng katawan hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

--

Nagising ako sa isang kwarto. As I look around the room, mukhang wala ako sa unit ko dahil wooden-made itong kwartong to. Tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana at doon ko napagtanto na umaga na pala. At ang tangi ko lang nakikita ay mga puno. Napapalibutan ng mga puno ang lugar na kinaroroonan ko

Hindi ko alam kung nasaan ako. Hinanap ko ang cellphone ko para sana malaman kung nasaan ako, nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"Gising ka na pala, magbreakfast muna tayo. " Sabi niya na may bitbit na tray ng pagkain. Literal na lumaki ang mga mata ko sa taong nakikita kong nasa harapan ko.

"K-KYLE?!" Hindi makapaniwalang tawag ko sa kanya.

"T-Teka, Nasaan ako?! Bakit nandito ako?! Bakit magkasama tayo?! Wait..." Natigilan ako sa sinasabi ko dahil may naalala ako bigla.

"K-kinidnap mo ba ako?!" Tanong ko sa kanya.

"Relax, Elle. Rela--" Pero pinutol ko ang sasabihin niya sana.

"Relax?! You want me to relax knowing that I'm in a strange place with you?! Seriously?!" Galit na sigaw ko sa kanya. Bumuntong hininga naman siya at lumapit saakin.

"Look, kaya ko lang nagawa yun kasi gustong-gusto kitang makasama. Marahil hindi kita madala sa santong dasalan kaya naisip ko na baka sa santong paspasan kita mapapayag.." He said while smiling at me. I sighed in disbelief.

"Nababaliw ka na ba?! Anong pumasok sa utak mo at ginawa mo to?!" Inis na pangbubulyaw ko sa kanya saka umupo sa edge ng kama.

"Gusto kitang makasama. Gusto kitang makita. Gusto kong nasa tabi kita lagi, Elle." Malambing na sabi niya saakin.

Napasabunot naman ako sa aking buhok at tumitig sa kanya.

"Bakit?! Bakit gusto mo akong makasama?! Bakit hind--"

"BECAUSE I LOVE YOU! I LOVE YOU SO MUCH, ELLE! KAYA KO GINAWA TO DAHIL MAHAL KITA!" Umiwas ako ng tingin sa kanyang sinabi.

"Alam mo na siguro kung anong magiging resulta ng kalokohang to, Kyle diba?! Alam mo na siguro kung anong naghihintay saatin pagkatapos nito." Mahinang sabi ko sa kanya. Naramdaman kong hinawakan niya ako sa aking balikat and he fondle it.

"Nakahanda akong harapin kung ano mang parusa ang ipapataw saakin, Elle, for as long as ikaw yung kasama ko doon, tatanggapin ko ito buong puso..." He said sincerely.

Bumuntong hininga ako sa kanyang sinabi.. At hindi na muli pang nagsalita..

"Oh, dinalhan kita ng makakain. Kumain ka na." He said while smiling at me.

"Anong lugar ba to? Bakit dito mo ako dinala?" Curious kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya saakin.

"Dito ako nagstay nung mga panahong down na down na ako. Maraming magagandang lugar dito, may grassland sa forest, may tulay, at may ilog rin dito. Dadalhin kita doon, kailan mo gusto?" Proud niyang sabi saakin..

"I can go alone, no need to accompany me." Cold kong sabi sa kanya. At tumayo na pero muli niya akong hinawakan sa aking kamay. Napatingin naman ako sa kanya.

"Elle, lahat nang sinabi ko sayo, I mean it very much! Kaya please, Elle. Huwag mo na akong lalayuan." Malungkot niyang sabi saakin.

I didn't say anything... At umalis na ako sa kwartong iyon.

I tried to hide from him.

I tried to stay away from him..

Pero bakit ganito ang nangyayari ngayon?

Bakit mas lalo akong pinapahirapan ng tadhana?

Bakit..