webnovel

No Strings Attached

"I'm breaking up with you, I'm sorry." He said while we're in a fastfood chain having our merienda. "W-hat did you say?! You're breaking up with me?!" I said while looking at his eyes but he just looked away. "Yes. We're over now.. So please, never bother me again. Bye." And then he stood up and left me here. Hindi ako makapaniwalang ganoon-ganoon lang niyang itatapon yung limang taon naming relasyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tumayo ako at umalis sa fastfood chain at sumakay sa kotse ko. Pinaandar ko ito at hindi ko alam kung saan ako pupunta. "FUCK THIS LIFE!!" Sigaw ko nang abutan ako ng red light sign na dapat akong tumigil sa pagdadrive tsaka sumandal sa manibela. "TARANTADO KA! DAHIL BA SA HINDI KO BINIBIGAY YUNG PANGANGAILANGAN MO, KAYA MO KO GINAGANITO NGAYON??!!!" Hala, sige. Pesteng mga luha! "WHERE DID I GO WRONG, YOU JERK?!!!! BAKIT MO GINAGAWA TO SAAKIN NGAYON! I LOVE YOU PERO SINAYANG MO YUN!" Hindi ko namamalayang umiiyak na pala ako. "DAMN YOU!!!" Sigaw ko nang biglang may bumisina mula sa likod ko, bwisit sunud-sunod pa ah! ***** Resto Bar. Tinigil ko ang sasakyan ko sa isang bar. Great. I need a drink. "Give me your best drink here." Utos ko sa bartender. Binigay niya naman saakin. Panglimang baso ko na pero hindi pa rin ako tinatablan ng kalasingan. Bawat shot ko, tumutulo yung mga luha ko. Bwisit na buhay to! "Hi miss. Alone?" Siraulo pala to eh mukha ba akong may kasama dito? "May nakikita ka bang kasama ko?" Sarkastikong sabi ko. Napangiwi naman ang lalaki sa sinabi ko. "The usual bro." Utos niya sa bartender.. "So, what's your name?" He asked me.. Tinignan ko nga tong lalaking to, gwapo. Matangos ang ilong, kissable lips, mapupungay ang mga mata, maputi, mukhang matangkad, mukhang nag-ggym to, in short. HOT. "Elle" Simpleng sagot ko sa kanya sabay shot ng alak. Langya, nahihilo na ako. "Nice name. You wanna dance?" Alok niya saakin. Tumayo na man ako tsaka hinila siya papuntang dance floor. When we reached the dance floor, I started to sway my hips while looking at him. I sexily or should I say, seductively swayed my hips while looking at him. I bite my lower lips at him. I saw him smirked at lumapit saakin. I just want to have fun, forget about everything, forget about the pain, forget about this damn life! Tumalikod ako sa kanya nung nakalapit na siya saakin. May hawak siyang baso ng wine ata yun but I continued to dance kahit nasa likod ko siya. Naramdaman kong bigla niyang hinawakan ang waist ko kaya mas ginalingan ko pa yung pagsayaw ko. "You're turning me on right now, you beautiful lady." He whispered in my ears that gives me shivers. "Did I? I should feel honoured then." "What do you want me to do?" He said and then he started to bite my left ear that leads to more sensation na nararamdaman ko. "You sure?" "Very sure." "Paligayahin mo ako." -- A/N PLEASE RATE THIS CHAPTER! ANY RATINGS, COMMENTS, OR SUGGESTIONS FROM YOU, ARE HIGHLY APPRECIATED BY THE AUTHOR OF THIS STORY. ENJOY YOUR STAY HERE AND GOD BLESS US ALL! :)

Bluesundae20 · General
Not enough ratings
113 Chs

Birthday Celebration x Truth or Dare

ELLE

"TALAGA BA?! BIRTHDAY NGAYON NI PAPA KYLE KO?!" Literal na umirap ako sa sinabi ng baklitang to.

"Paulit-ulit ka bakla?! Di mo ba narinig yung sinabi ni Elle? Gosh! Hindi masamang maglinis ng tainga bakla!" Sabi ni Vanessa sa kabilang linya. Conference call kasi to eh.

"Aba-aba! Humanda ka mamayang pagdating ko sa unit ni Elle!" Banta ni Patty.

"Wow, nakakatakot ka naman bakla! HAHAHAHA!" Pang-iinis pa ni Vanessa sa kanya.

"Magsitigil na nga kayo! Vanessa yung pinabili ko sayo. Patty huwag mo ring kakalimutan yung bilin ko sayo ah?" Paalala ko sa kanila.

"Oo bakla! Kabibili ko lang ng mga inutos mo, langya ka! Kung hindi lang dahil birthday ni Papa Kyle di ako gagastos no!" Reklamo niya.

"Nasa kotse na ako babae! At pwede bang tama na sa kaartehan mo bakla?! Sadyang kuripot ka lang talaga!" Ayan na naman sila.

"Oh siya, basta bilisan niyo na ah?! Baka papunta na yun dito ngayon!" Sabi ko at binabaan na sila. Nagtungo na ako sa kitchen tsaka kinuha yung mga inihanda kong cookies, cupcakes, brownies, at syempre, cake. Dinala ko itong lahat sa round table sa sala.

Di nagtagal, narinig ko na yung doorbell.

"Oh bakla! Andito na yung pinabili mo!" Sabi niya sabay tungo sa may sala. "Ang taray bakla ah!" Sabi niya sabay kuha ng brownies.

"Ang sarap talaga pag ikaw ang may gawa" Sabi niya ulit.

Di nagtagal, nakarinig ulit kami ng doorbell. Binuksan ko ito at pumasok si Vanessa.

"Andito na pala ang baklang chaka, babae!" Sabi niya saakin. Tinignan naman siya ni Patty tsaka lumapit saamin.

"Nagpaparinig ka ba babae ka ah?!" Tanong niya. Before anything else, kinuha ko na muna ang pinabili ko kay Vanessa.

"Ay tinamaan ka pala? So chaka ka nga. Hahahaha!" Pangiinis pa niya.

"I'm not chaka, you are CHAKA." Pangiinis rin niya kay Vanessa. Hindi ko na lang sila pinansin at itinuloy na yung ginagawa ko.

Pinabili ko kasi si Patty ng pagkain like Chicken Hawaiian Pizza, Potato Waves at Ice Cream din. Samantalang si Vanessa naman, party poppers, party hats, balloons at lasagna ang binili niya. Inumpisahan na namin idecorate ang sala from balloons at party poppers na nilagay namin sa mesa sa sala.

*Ding dong*

Nagtinginan kaming tatlo at kinuha ang party hats at isinuot ito, nakaposisyon na rin kami na hawak-hawak ang party poppers.

"1, 2.. 3" Senyales ko sa kanila.

"HAPPY BIRTHDAY KYLE!" Sigaw naming tatlo sa kanya. Nagulat siya lalo na yung sa party poppers na hawak nila Vanessa at Patty.

"Wow! You did that for me? Thank you so much guys!" He said teary-eyed.

"Ano ka ba! Wala yun noh! Tsaka kaworkmate ka namin kaya okay lang yun!" Sabi ni Vanessa.

"Wala ako gift eh, but you can take me as your gift" Malanding sabi ni Patty sa kanya sabay tanggal ng suot niyang jacket at nagulat ako dahil may malaking ribbon pala siya na suot sa may waist niya.

"Ang taray bakla ah! At naisip mo talaga yan ano?! Bakit hindi ko yan naisip?!" Nasasayangan na sabi ni Vanessa.

"Only MAGANDA can think of this one babae! Hahahaha!" Pang-aasar niya. I heard Vanessa hissed at pinapasok na namin si Kyle hanggang sa Sala.

"I'm speechless guys. Nakakahiya dahil wala man lang ako dinala para ishare sa inyo." Malungkot na sabi niya. Bigla naman siyang nilapitan ni Patty.

"Ano ka ba! Wala yun, pero if nakokonsensya ka talaga, I can share 'mine' to you." He said and winked at him..

"Ewww! Kadiri ka na bakla ah! Umalis ka na nga dyan at magblo-blow na si Birthday Boy sa cake na gawa pa ni Elle! Ang shalaaa!!" Sigaw ni Vanessa.

"Everybody, let's sing together! Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday, Happy Birthday, Mr. Kyle." Sabay na kanta naming tatlo sa kanya at inilapit sa kanya yung cake niya na may nakasinding kandila.

"Make a wish.." I whispered to him.

He close his eyes, and smiled a little bit. Then he blow the candle..

"Yeheyy! Now let's eat!" Sigaw ni Vanessa.

"Seriously guys, nahihiya talaga ako sa inyo. Ako tong may birthday ngayon, pero ako tong nakiki-kain lang sa inyo." He said.

"Ano ba yan! Huwag na tayong magdrama oy! Kumain na lang tayo, tsaka okay lang sabi eh!" Patty said.

"Think as if it's our birthday treat for you" I said. He smiled at me and nodded.

"Walang kupas, ang sarap mo talagang magluto babae!" Puri saakin ni Vanessa.

"Sus, nambola pa! Kumain ka na lang dyan." Sabi ko.

"Ay teka, while eating may naisip akong magandang ideya. Why don't we play, 'Truth or Dare'?" Patty suggested.

Nagtinginan naman kami sa offer niya at sabay-sabay na tumango.

"Game!" Sabay naming sabi.

"So..." Sabi ni Patty sabay labas ng bottle na may pink na cartolina strips..

"Anong meron dyan sa cartolina strips bakla? At talagang pink ang pinili mo ah!" Vanessa said..

"Ganito yan, bawat isa saatin ay bubunot dito ng isang strip, at nakalagay na dito sa strips yung mga pangalan natin. Kung sino yung mabunot ninyo, siya yung tatanungin ninyo ng 'Truth or Dare' maliwanag ba?" Nagets naman namin yung mechanics niya. Unang bumunot ay si Vanessa at ang pangalang nabunot niya ay,

"Patty Ganda? Seriously?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Vanessa. Inirapan naman siya ni Patty at hinarap si Vanessa.

"Truth or Dare.." Vanessa asked Patty.

"Wala akong tiwala sa mga utos mo saakin kaya, Truth!" Tili niya.

"Hmmm.. Have you been/ever kissed by/a girl?" Tanong niya. Nanlaki naman bigla ang mga mata ni Patty at napatayo pa.

"NEVER BAKLA! KADIRI KA NAMAN!" Ang OA naman nito!

"Ang OA ah! Yes or no lang naman sana, eksaherada ka naman kung magreact!" Inis na sabi ni Vanessa kay Patty.

"Oh, ikaw naman ang bumunot Bakla!" Utos sa kanya ni Vanessa. Bumunot naman siya at binasa ito.

"OMG KYLE!" Masayang sabi niya. Inirapan naman siya ni Vanessa.

"Truth or Dare?" Malanding tanong niya.

"Truth." Kyle said that turns Patty's face into fuss. Nakita kong nagpipigil ng tawa sa tabi niya si Vanessa.

"Oh ano bakla? Dismayado ka ano? HAHAHAHA!" Tawa ni Vanessa.

"Tsss. So here's the question, Do you find me seductive or sexy?" Hindi ko alam kung anong inaarte ni Patty pero parang natatae siya sa pinaggagawa niya ngayon.

"OMG! I can't take this long anymore! Ewww!" Vanessa tried to breathe well hahaha

"Hmm.. Yung totoo?" Kyle asked Patty.. Patty noded.

"Ahh, I don't find you seductive perhaps sexy." Sabi ni Kyle na parang nagpipigil ng Tawa. Tumawa naman ng malakas si Vanessa kaya nakatanggap siya ng irap mula kay Patty.

"Oh, ikaw naman ang bumunot Kyle!" Inis na sabi ni Patty sa kanya.

"Sinong nabunot mo?" Tanoong ni Vanessa sa kanya.

"Elle." Sabi niya sabay tingin saakin. Ngumiti naman siya ng nakakaloko, sabi na eh. May binabalak tong masama saakin!

"Oh bakla, truth or dare." Napaisip naman ako, if dare, baka di ko gusto yung ipapagawa niya saakin..Kung truth naman, baka iba yung itatanong niya saakin. So which is which now?

"Babae?" Tanong ulit ni Vanessa saakin.

"Truth." I finally decided. "Ang daya naman! Lahat kayo nagtruth! Tsssk!" Dismayadong sabi ni Patty

"So here's my question. Between Love and Lust, which is greater for you?" Seryosong tanong niya saakin.. Tumingin naman saakin yung dalawa kong kaibigan.

"Ay sigurado naman akong Love ang pipiliin ni Bakla! Romantic yan eh!" Sabi bigla ni Patty saamin.

"Tama ka bakla!" Vanessa agreed to Patty..

"So ano na sagot mo Elle?" Tanong ni Kyle saakin. Tumingin ako sa kanya, diretso sa kanyang mga mata..Anong iniisip nito?

"Lust... You can never go wrong with Love, same as Lust. You can have pleasure without love involved, because in Love, in order for you to have pleasure, you need to experience pain first, you must endure the pain and everything. So I'll choose Lust over Love." Sagot ko at tumingin sa kanya ng seryoso..

"Ohhh, nagbago na ang taste mo bakla?" Tanong ulit ni Patty saakin. "No. People changed because of so much pain." I said.. Nagkatinginan kaming dalawa ni Kyle. Parang nangungusap yung mga mata naming dalawa. Tumigil lang ito nung biglang magsalita si Vanessa.

"Oh, ikaw naman ang bumunot Elle." Bumunot na ako, at ang pangalang nabunot ko ay si...

"Kyle." Sabi ko.

"Go on." He said. "Truth or dare?" I asked him.

"Truth." Sagot niya.

"My question is, Are you willing to be someone's rebound and help her mend her broken heart?" I seriously asked him.. Nagulat siya sa tanong. It looks like hindi niya inaaasahan na ganoong klaseng tanong ang itatanong ko sa kanya.

"Yes.. " He whispered.

"Huh? Bakit?" Sabay na sabi nila Patty.

"Bakit? Kasi alam kong for once, may nagawa na akong matino sa buhay. Kung sa tingin niya na makakatulong ako sa pagbubuo muli ng kanyang puso, then I'll be grateful for that. I know that it is never good to be someone's rebound just for his/her benefit, but if you liked her already, ano pang iisipin mo kung hindi ang kaligayahan niya diba?" While he's saying that, nakatingin lang siya saakin.

"So are you telling us, na handa kang masaktan para sa babaeng gusto mo? I mean, rebound niya ganoon?" Patty asked him.

"Oo.." Cool na sagot niya.

"Ayy, masokista ka rin ano?" Vanessa added.

"Then, I'll be with it." He replied..

Napagdesisyunan naming kumain na lang at ienjoy ang birthday celebration ni Kyle kahit wala pang nakakatanong kay Vanessa. Okay na lang daw yun atleast save siya..

Ako naman, di ko maiwasang hindi isipin kung anong sinabi niya.

Rebound? Iniisip niya ba na ginagawa ko siyang rebound ko? Ganoon ba yun?