266 Chapter 24: Acceptance

Naging tahimik ang huling gabi at ang paghatid sa huling hantungan. Walang naging aberya. Si Mama at Papa lang ang tanging nagbigay ng mensahe. Umayaw si Kuya Rozen dahil masyadong publiko ang lahat. Maraming camera. Lalo na mga fans ni Denise. Kinausap ako ni Mama na magbigay ng kahit kaunting mensahe subalit gaya rin ni Kuya, tumanggi ako. Ayokong pahabain pa ang lahat. Kuya Ryle is with us pero hindi nito ako malapitan dahil isa iyon sa mga hiniling ni Lance para hindi matuloy ang pagkasa nito ng kaso laban dito. Limang kilometrong layo dapat ang agwat namin kapag nangyaring nagkatagpo kami. At ngayon nga. Tanging ang aming mga mata lamang ang syang nag-uusap. Alam kong nagsisisi na ito sa ginawa nya. Nawa'y maging maayos na rin ang lagay nya para makalabas na rin sya't makabalik sa dating buhay.

"Ako na ang mag-eempake ng mga gamit mo bes.. magpahinga ka na." been weeks simula nung ilibing si Denise. At sa mga lumipas na araw. Hindi na muli ako kinausap ni Mama. I expected too much na darating sya rito sa bahay ng mga Eugenio at kakausapin muli ako subalit wala. Walang dumating sa kanila.

Aasa pa ba ako? Mukha namang walang nagbago sa kanila.

Mas mabuti na rin sigurong umalis nalang kaysa humiling na darating pa sila.

Pagod nga akong umupo sa sofa bed. Silid ni Lance. Hinayaan ko syang magtupi saka mag-ayos sa maleta.

"It's okay if they're not coming.. you have us here.. always and forever.." anya. Alam nya ang gusto ko. Nakwento ko rin sa kanya na gusto ko pa silang makausap bago kami bumalik ng Australia. Di ko na din kasi alam kung kailan na ang balik namin dito.

"Honestly bes.. it's not really okay.." tinignan nya ako. Nabitin sa ere ang kamay nyang may hawak na damit ko. "Buong buhay ko. Naghintay ako ng pagkakataon. Hinintay ko ang oras na ito para sa aming lahat. Gustong klaruhin ang mga bagay na malabo sa akin subalit bakit parang wala silang pakialam?."

"Baka naman marami lang ginagawa?." depensa pa nya.

Hindi ako naniniwala.

"Wala ba silang malasakit man lang, kung ganun?."

"Imposible namang wala.. baka talaga busy lang sila.." kahit ano pa yata ang gawing depensa ni Bamby para sa kanila. I'm down into my conclusions that they're not really coming. It hurts knowing that just like Kuya Rozen, they don't understand my sentiments.

Itinikom ko nalang ang labi para sa katahimikan. Sabagay nga naman. Baka nga busy talaga sila at wala ako sa linya ng priority nila.

Nakatulog nalang ako bigla.

"Mommy!.." hapon na ng magising ako. Naalimpungatan sa tawag sa phone na nasa tabi ko lang. Iyak na ni Daniel ang nasalubong ko. "Mommy!.." hindi ko tuloy bigla alam ang gagawin.

"Yes anak.. Mommy is here now.. why?. May masakit ba sa'yo?. Are you okay ha?." hindi maubos-ubos ang gusto kong itanong. Tanging ang atungal nya lang na maingay ang naisagot nya.

"He's okay hija.. it's just that.. namimiss ka na din siguro pati ang Daddy nya.. but don't worry, okay? Sa linggo na ang uwi namin.. we're here now in Japan. How are you there?. Sorry for hearing your lost.. I heard it from Lance.."

I'm so lucky to have them in life. Siguro. Baka ang hinahanap kong pagkukulang ng pamilya ko ay nasa kanila. Kaya heto ako't naluluha nalang bigla.

"Thank you po Mom.. thank you for taking care my Daniel.. and thank you loving me and my little family.." di ko na napigilan pa ang umiyak.

"Ano ka ba? Syempre naman.. anak na kita. We are lucky because you bring joy to us. You gave us our little Angel Daniel and your amazing baby in you.. also for making my son, being a gentleman and a real man right now.. ako, kami ng Daddy ni Lance dapat ang magpasalamat sa'yo ng marami dahil sa kabila ng lahat ng pagsubok na nalagpasan ninyo.. you're still here with us, with him especially with your children.. I adore your braveness."

"Thank you po.."

"No worries my dear.. I'm always here for you guys okay?." tumango nalang ako dahil sa hindi makapagsalita sa nginig ng labi.

"Ibababa ko na muna ito.. sumenyas na ang Daddy Lolo nila.. Gutom na daw ang Dan-dan kaya pala umiiyak.. hahahah.." nawala saglit ang mukha nya sa screen tapos bumalik din kaagad. "We have to go Joyce hija.. take care yourself okay?. See you soon.."

"See you soon po.. Ingat po kayo dyan and enjoy.."

Bakit kaya may mga bagay na meron sa iba at wala sa isang tao?. Bakit kaya ang pagkukulang ng iba ay laging napupunan din ng iba, unexpectedly?.

Ganun ba tumakbo ang mundo para pahirapan ang isang tao?.

Pagbaba ko ng bahay. Bumungad sakin ang nakadungaw nang mga mukha ng taong hinahanap ko.

"Anak.." tawag pansin ni Mama sakin. Nagpatuloy ako sa pagbaba. "Magandang gabi.. kanina pa sana kami dito kaso ang Kuya Ryle mo kasi.."

"Hindi nalang sana kayo pumunta.." walang gana kong sambit.

"Anak.." si Papa naman ito. "Hinatid pa namin ang Kuya mo sa shelter.. na traffic kami kaya.."

"Naiintindihan ko naman kung di na kayo dumating pa.. ako nalang ang mag-aadjust para sa inyo.."

"Joyce.." tawag sita na sakin ni Kuya. "Naririnig mo ba kami?. Na traffic nga kami kaya kami natagalan.."

"Iyon nga Kuya eh!." galit akong umikot para harapin sila. "iba ang priority nyo! At kailanman. Kailanman!." nagdabog ako sa bigat ng damdamin ko sa harapan nila. "Hindi naging ako ang priority nyo!."

"Joyce, kalma lang.." agad akong dinaluhan ng mag-asawang Jaden at Bamby. Inalalayan nila ako para hindi tuluyang matumba.

"Alam nyo ba kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala? Hinde! Alam nyo ba ang pakiramdam ng parang wala kang halaga?. Hindi rin diba?. Alam nyo ba kung ano ang nararamdaman ng isang taong laging etsapwera ha?. Alam nyo ba!?.." napaluhod na ako dahil sa panghihina. "Mama, sana hindi mo nalang ako binuhay.. napapagod na ako.. nakakapagod na.."

"Anak.."

"Joyce wag ka namang magsalita ng ganyan.. paano na si Kuya Lance? Si Dan-dan pa at ang baby sa tyan mo?. Paano kami?. Ha?.." Bamby held my hand at hinanap talaga ang mga mata ko para sabihin ito. "Wag ka namang sumuko nalang. Marami pang bukas. Marami pang darating na umaga. Bakit ka basta nalang magpapatalo sa nakaraan? Hindi ka ganyan.."

"Ayoko na Bamby.. ayoko na.." umiyak ako sa balikat nya.

"Ssshhh.. Tama na.. tama na.. Love, yung towel nga dyan pakiabot.. Andito lang kami para sa'yo.. Lumaban ka okay?." laging bukambibig ni Bamby sakin ang lumaban. Magpakatatag at wag lumingon sa nakaraan. Pero bakit ito lagi ang humihila sakin sa kasalukuyan?.

It's because you yourself choose to look back. Pinipili mong balikan ang mga bagay na lumipas na. Paano ka makakaahon sa lalim ng sugat ng nakaraan kung pilit mong binabalikan ito?. Move on ika nga nila. Paano nga?. Anong steps para makamove on?.

Hindi ba, hindi rin naghihilom basta ang sugat hanggat hindi ito nalalagyan ng lunas?. Tulad din sa buhay. Hindi talaga makakaahon ang isang tao sa kasalukuyan hanggat hindi nito natatanggap ang mga sugat ng nakaraan. It's like, acceptance is the only key for you to find your own peace. Ito lang ang tanging paraan para mahanap mo ang mga tanong na hindi mo kayang sagutin. It's proven and tested.

avataravatar
Next chapter