webnovel

Chapter Seventeen

*AUDREY DELA CRUZ*

Leche... Nyeta... Malas... May kasama pang pangit.

"Hwag ka ngang dumikit sa'kin, nakakadiri!" lumayo ako sa kanya.

"Honey naman ito ang una nating date!" abot sa magkabila nyang tenga ang ngiti nya.

Kumukulo ang dugo na sininghalan ko sya. "Nyeta umayos ka sasapakin kita dyan!"

"Honey namaaaan, ang sweet mo yieeehh!"

"BALIW!" Lumakad ako nang mabilis para makalayo sa kanya.

Nandito kami sa mall, napagalitan kasi AKO kanina dahil ang pangit na 'to hindi inako ang kasalanan na SYA naman talaga ang may gawa!

BADTRIP! Sabi ng librarian kailangan ko raw humanap ng libro na katulad non. Kaya naman papunta kami sa Fullybooked. Actually ako naman talaga dapat mag-isa ang pupunta. Sumunod lang sya.

STALKER.

"HONEEEEY!! WAIT!!" sigaw nya.

Nagtinginan ang mga tao sa'min. Gusto kong lamunin ako ng lupa! Nakakahiya sya kasama! Mas nakakahiya sya kasama kaysa sa Crazy Trios.

"Tumahimik ka nga!" bulyaw ko sa kanya. "Lapit ka nang lapit! Kaya ako minamalas! Ang pangit mo na nga ang malas mo pa!" sigaw ko sabay walk-out.

"Honey galit ka ba?" tanong nya. Yung mukha nya napaka-clueless.

"Ay hindi po, hindi po ako galit. Tuwang tuwa nga ako na na-miss ko yung quiz ko sa ComArts eh! SOBRAAA akong natutuwa dahil nag-review ako don. At nag-memorize ako ng tatlong paragraphs. Salamat ha? Hindi ko nagamit ang mga pinagpaguran ko kagabi!" sarcastic kong sabi.

Nagulat naman sya.

"T-Talaga?" tanong nya.

"Oo sobrang saya ko kasi bababa ang grade ko dahil sayo! Nyeta!"

"Audrey my love, ang weird ng sinabi mo pero kung masaya ka masaya na rin ako," todo ngiting sabi nya na tila commercial model ng toothpaste.

ITLOG NG MANOK! Hindi po nya alam ang SARCASM!!! Mababaliw ako kasama ang taong 'to! Naiinis kong binilisan ang lakad ko. Bwiset!

***

"Miss pwede makuha ang number mo?" May sumulpot na lalaki sa harap ko habang abala ako sa paghahanap ng mahiwagang aklat. Nakasuot sya ng shades. Mukha naman syang cute.

"At bakit mo kukunin ang number nya?" biglang sulpot ni Pangit. "Wala ka bang sarili mong number ha?"

Tinignan nung lalaki si Panget. Minamata.

"Wala naman type ko lang kasi sya," aroganteng sagot ng lalaki. "Bakit? May magagalit ba?"

"Oo, ako!" sagot naman agad ni Pangit at iniliyad pa ang dibdib nya na parang si Superman.

May dumating pa na isang lalaki. Back up yata ng lalaking naka-shades.

"Dude nakuha mo na ba?" tanong ng bagong dating.

"Hindi eh may humarang," sagot ng lalaki.

"TAKEN na sya," sinamaan ng tingin ni Pangit yung dalawa.

Hindi ko nalang pinansin, mas mabuti pa na hanapin ko nalang yung libro. Ayoko rito, gusto ko nang lumayo sa pangit na Romeo na 'to. Malas sya. Kahit saan ako pumunta basta kasama ko sya minamalas ako. Iniwan ko na sya kasama ng dalawang lalaki. Busy yata sila sa pag-uusap. Lumipat ako ng shelf. Nyeta asan na ba ang lintek na librong 'yon? Audrey Hepburn. Asan na ba ang libro nya? Marami ang nagtataka kung bakit si Audrey Hepburn ang hinahanap ko. Eh kasi naman binabasa ko ang Biography nya. Isa syang kilalang actress, model at humanitarian. Paborito sya ni Mama kaya naman Audrey ang ibinigay nyang pangalan sa'kin. Hindi ko nakumpletong basahin ang librong yon. Ang dami kasi.

Tinignan ko sa Biography section. Hinalungkat ko lahat. Ano nga palang title non? Elegant Soul ba? Bakit naman hindi ko matandaan. Nagulat ako nang may biglang dumampot sa librong nasa harap ko.

"Ito oh," may kinuha syang libro, 'yon pala. 'An Elegant Spirit' ang title. "Honey umalis na tayo dito dali."

Si Pangit pala.

"Tawagin mo pa akong Honey paduduguin ko na nguso mo."

"Honey naman..." nag-pout sya.

Ay tokwa. Nang makita ko syang gawin 'yon, parang gusto kong magkasala. Gusto kong sabihin lahat ng cuss words na natutunan ko sa kapatid ko. Outloud.

"Bayaran mo na," utos ko.

"Huh?"

"Ikaw naman talaga ang may kasalanan di'ba? Ikaw magbayad nyan."

"AH!" kinapa nya ang bulsa nya.

Bigla syang ngumiti nang ewan at tumingin sa akin.

"Bakit?"

"N-Naiwan ko wallet ko sa bag."

"Asan ang bag mo?"

"Nakalimutan ko sa Library."

Hinga nang malalim. Nagbilang ako nang hanggang sampu. Tinawag ko ang mga santo na kilala ko.

"Kahit kailan wala ka talagang kwenta! Bwiset!" kinuha ko yung libro at umalis.

Nyetang panget 'yon! Pumila na ako at binayaran ang libro. Nakasunod parin sya sa'kin. Bumalik na ako sa school. Lahat nang nakakasalubong ko umaalis sa daan ko. Magkasalubong na naman kasi ang kilay ko. At alam na nila na badtrip na naman ako. Pagdating ko sa library wala yung nagbabantay. Alas synco na pala. Nagsasara ang library ng alas synco y medya. Kaya naman pala walang tao.

"Honey..." bulong ni pangit.

Hunyeta. Pumasok pala rito.

"Honey naman..." yung boses nya parang nagpapa-awa. Eesh! Kinikilabutan ako sa kanya.

Ch! Sigurado pati yung mukha nyang pathetic ay mas naging pathetic dahil nagpapa-awa sya. As if! Yang pathetic na loser face na yan? Kahit umiyak sya ng dugo dyan hindi ko sya papansinin.

"Sorry na oh."

Hindi ko parin sya pinansin.

"Pansinin mo naman ako please?"

Kausapin mo sarili mo dyan. Nyeta. Bigla nalang syang lumapit at hinawakan ang braso ko. Mabilis ko namang tinabig yung kamay nya.

"ANO BA?!"

"Sorry—"

*CRASH!!*

May nabasag. Napatingin ako sa basag na vase na nasa likod ko. Natabig ko pala. Nabasag ko ang paboritong vase ng librarian. Ano'ng gagawin ko? Ramdam ko ang pamumutla ng mukha ko. Antique ang vase na yon. Hindi ko na yon mapapalitan pa di katulad ng libro.

"Nakita mo na?! Alam mo malas ka talaga kahit kailan eh! Malas!" tinulak ko sya palayo.

"S-Sorry hindi ko naman sinasadya eh," halatang nagulat din sya.

"Sorry?! Ang daling sabihin no? Hindi naman kasi ikaw yung mapapagalitan dyan eh! Ako na naman!"

"Sorry."

"Aanhin ko yang sorry mo?! Umalis ka na nga! Leche!"

Hindi na sya kumibo. Nyeta ako na naman masisisi nito eh. Bakit ba kasi ang malas ng kasama ko?! Bumukas ang pinto at dumating ang librarian. Si Mrs Montesa. Napaka-terror pa naman nyan.

"SINO'NG MAY GAWA NITO?!" galit na tanong nya.

Regalo kasi sa kanya ng may ari ng school ang vase na 'yon. Kaya naman galit na galit sya. Napakagat ako sa labi ko. Humakbang ako.

"Mrs Montesa ak—" naputol ang sasabihin ko.

Hinila ako ni Pangit at nag-step forward sya.

Nakatingin lang ako sa likod nya.

"Ako po ang nakabasag, I'm sorry po."

Nagulat ako. Inaako nya?

"To my office, now!" pigil na pigil ng librarian ang galit nya.

Lumakad si Mrs Montesa palabas ng Library. W-Wait! Sumunod si Romeo pero hinigit ko sya sa damit.

"What the hell are you doing?" tanong ko.

"Kasalanan ko naman kasi eh," ngumiti sya.

At natulala naman ako.

"A-Ano?"

"Audrey, sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya na mapahamak ka eh gusto ko lang naman na..." Tumigil sya at yumuko tapos tumingin sa'kin at yumuko ulit. Maiinis na sana ako ulit kaso nagsalita sya. "Gusto ko lang naman na mapansin mo ako eh. Sorry," halos pabulong na sabi nya.

Tapos non tumakbo na sya palabas ng library, naiwan ako sa loob nang nakatingin sa kakasarang pinto. Bakit...ang lakas ng tibok ng puso ko. Muling bumukas ang pinto at nakita ko ang mukha nya.

"Honey! Pwede mo ba akong hintayin? Sabay tayo umuwi ha?"

Nag-puppy eyes sya. Kung kanina gusto kong magmura nang gamitin nya sa'kin yon. Ngayon yung puso ko naman parang nagwawala sa sobrang bilis ng tibok. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakatingin lang din sya sa'kin. Ano raw sabi nya?

"Audrey?"

"H-Huh? Ano 'yon?"

"Sabi ko hintayin mo ako para sabay tayo umuwi, pleeeeaase? Please? Mag-aalala kasi ako kung hindi kita makikitang safe naka-uwi."

Napakurap ako. Bakit biglang uminit? Yung pisngi ko parang uminit?

"Ahh. Okay," wala sa sarili na sagot ko.

Nanibago ako bigla sa sinabi ko. Bakit ko sinabi 'yon?! Ano ba ang nangyayari sa'kin? Ngumiti sya nang todo. Nawala na sya sa paningin ko pero narinig ko parin ang sigaw nya sa labas.

"YES!!"

At bago ko pa namalayan, nakangiti na pala ako.

Next chapter