webnovel

Chapter One Hundred Twenty-Three

6 Months Later...

'You Are Invited'

The Annual Christmas Ball

When: December 24th at 8PM

Where: Perez Estate

"Invitation?" tanong ni Maggie sa akin nang magbigay ako ng invitations sa kanilang tatlo.

"Oo," nakangiti at excited kong sagot sa kanya.

"Eh bakla bukas na 'to ah! Tapos ngayon mo lang ibinigay?!" halatang naiinis na tanong ni China.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Sorry nakalimutan ko kayong bigyan eh, ang dami ko kasing ginagawa. Tinapos ko pa yung thesis ko tapos si Angelo pa tinulungan ko sa projects, sinamahan ko din sa fieldtrip, um-attend din ako ng parents meeting para sa kanya tapos yung Christmas party nila—"

Tinaas ni Maggie ang kamay nya para patigilin ako sa pagsasalita. "Okay! Okay, ikaw na ang busy lagi. Eh si Red ba hindi ka tinutulungan?"

"Palagi naman syang nandyan. Hindi nya kami pinapabayaan."

Palagi syang nandyan para sa amin ni Angelo. Sa loob ng anim na bwan na nagkasama kami sa iisang bahay ang dami kong natutunan tungkol sa kanya. Noon kasi sa France medyo nagkakailangan pa kami. Medyo lumalayo sya sa akin kaya naman ngayon ko lang sya talaga nakilala nang lubusan.

Hinawakan ni Michie ang dalawa kong kamay. "Talaga Sammy? Ang swerte mo naman! Mukha na talaga kayong family!"

"Kahit busy sya sa studies at gang nila, kami parin ni Angelo ang number one priority nya," sabi ko.

Binabantayan kasi ni Red ang bawat kilos ni GD. As of now kasi wala pa talagang ginagawang masama si GD laban sa kahit na sino sa amin. Yung ibang members, mukhang napapalapit na ulit sa kanya. Kahit naman kasi papaano naging close din sila sa dati nilang pinuno kaya kahit na nasaktan pa sila, tinanggap nalang nila ang 'Sorry' ni GD. Oo tama, nag-sorry sya sa nagawa nya noon. Nagawa lang naman daw nya 'yon dahil sa kapatid nyang si Ara.

Sina Six at Seven ang unang nag-welcome sa kanya sa grupo. Naiintindihan kasi nila ang sitwasyon ni GD noon since meron din silang kapatid na babae, si Aril. At alam nila na gagawin din nila ang lahat para sa kapatid nila, sa hindi nga lang na parehong paraan.

Pero patay na si Ara, wala na ang dahilan kung bakit sila nag-away away noon. Bumalik lang si GD sa gang dahil gusto nya ulit makasama ang mga dati nyang kaibigan. Wala rin naman ginagawa si GD ngayon katulad ng paghihiganti. Kaya siguro unti-unti na ring tinatanggap sya ng Lucky 13.

Na matigas naman na hindi pinaniniwalaan ni Red. Sa tingin kasi ni Red may iba pa talaga syang pakay. At dahil don kaya naman hindi nya inaalis ang mata sa akin, binabantayan din nya kami ni Angelo. Kung wala naman sya sa tabi namin, palagi syang tumatawag.

"Eh di sobra ka naman na-inlab sa kanya ngayon?" usisa ni China.

Simula nang sinabi ko sa kanilang tatlo ang lagay namin ni Red...

"Parang ganon na nga?" di ko siguradong sagot.

"Ay bading, sino na ngayon ang mas mahal mo sa dalawa?" tanong naman ni Maggie.

...palagi na nilang itinatanong kung sino sa kanilang dalawa ang mas matimbang. At sinasagot ko naman sila ng...

"Hindi ko alam eh," at nandon parin ang hiya sa sagot ko. Paano ko iyon hindi alam?

"Hwag nyong i-pressure si Sammy," awat ni Michie.

Tinignan kaming dalawa ni Michie nila Maggie at China.

"Mas bagay sila ni Red!" anunsyo ni China.

"Hindi kaya! Si TOP kaya! Mas bagay si Sammy kay TOP!" kontra naman ni Maggie sa kapatid nya.

"Kay Red! RED IS HOTTER than TOP no!! Nakita mo na ba ang hubad na katawan ni Red sa mga pictures nya sa internet?! Hello te! Pagpapawisan ka!" pinaypay ni China ang kamay sa mukha nya.

Iyon ang mga pictures na in-upload ng mga stalkers ni Red sa internet noong nahubaran sya at tumatakbo kasama ako.

"Eh ano?! TOP IS COOLER!! Kahit hindi sya mag-hubad HOT parin sya!" pakikipagtalo ni Maggie.

"Ang sabihin mo hindi sya kasing sexy ni Red! At hindi sya kasing sweet ni Fafa Red!" sagot naman ni China.

"Eh kasi nga COOL sya! Hindi sya ganon ka-sweet! Nakakita ka na ba ng astigin tapos super duper sweet?!" naiinis na tanong ni Maggie.

"CHE! Palibhasa NBSB ka kaya wala kang alam!" nakahalukipkip na sagot ni China.

"CHE KA RIN! Ikaw na palaging niloloko ng mga naging boyfriend mo!" ganti ni Maggie.

Ano ba yan? Saan na napunta ang usapan nila? Tinignan ko si Michie, may ka-text kasi sya.

"Michie sino ka-text mo?" tanong ko.

"Si Lulu at saka si Lee," nakangiting sagot ni Michie na nakatingin parin sa cellphone.

MU ang tawag ngayon sa relasyon nya kay Kuya Lee at Lucien. MU. Pareho kasi nyang gusto yung dalawa, gusto nya parin si Kuya Lee pero si Lucien kasi gusto nya rin. Forbidden love nga ang meron sila ni Lucien. Kaya naman sinusubukan nyang alisin yon sa pamamagitan ni kuya Lee.

Hindi naman ako galit sa ginagawa nya. Sino ba naman ako para magalit sa kanya? Nasa parehong sitwasyon lang naman kami. Dalawa ang mahal. Ang kaso yung kanya, alam nya kung sino ang mas matimbang, ako hindi.

"SI KUYA LULU NALANG KASI!!" sabay na sigaw nila Maggie at China.

Tapos na pala sila sa pagtatalo kanina. Mas boto daw sila kay Lucien kasi ayaw nila kay Kuya Lee.

"Aalis na ako," paalam ko bago pa malipat ulit ang usapan sa akin. "Gumagabi na kasi eh."

"Agad? Gusto mo ihatid ka namin sa inyo?" alok ni Maggie. "Ang dilim na kasi sa labas kahit six pm palang."

Tumingin ako sa bintana. Madilim na nga. Ganon daw kasi talaga ngayon, mas mahaba ang gabi kaysa sa umaga.

"Hindi na, ayos lang naman ako. Punta kayo bukas sa party okay?" sabi ko.

"Okay!" nagbigay ng thumbs up si China. "Pupunta talaga kami maraming boys dun eh! Baka mahanapan ko na ng boyfriend tong kapatid ko. Kawawa eh NBSB. Hahaha!"

"Kung maloloko lang din ako ng lalaki, hwag nalang no. Thank you nalang pero ayoko," giit ni Maggie.

"Bye Sammy!" kaway sa akin ni Michie.

Lumabas na ako ng pinto.

"Basta team SamanTOP ako!" sigaw ni Maggie.

"JAMANTHA!" ganting sigaw naman ni China.

"Ako JaManTOP!" tawa ni Michie.

Next chapter