webnovel

Chapter One Hundred Twenty-Five

[Time: 7:00PM]

Nakahinga ako nang maluwag nang sa wakas ay natapos din akong maayusan. Kanina pa ako nangangawit sa upuan ko.

"You can look now," sabi ng stylist sa akin at pinaharap ako sa isang full length mirror.

Sa loob ng anim na bwan, humaba na rin ang buhok ko. Nakaalon ang buhok ko na abot hanggang sa dibdib ko. Tinignan kong mabuti ang hitsura ko sa salamin. Light lang ang make-up sa akin. Hindi na ako nagulat sa kung ano man ang naging pagbabago sakin, sanay na kasi akong maayusan.

Nakasuot ako ng floor length, gold sequin dress. Heart shape ang cut sa itaas na may dalawang spaghetti straps. All in all I looked elegant. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Ngayong gabi sigurado na marami na naman akong dapat ngitian. Nakakapagod din 'tong ganito. Gusto ko ng normal na pasko! At sa tuwing iniisip ko na ako na ang hahawak ng kompanya at ako na rin ang mag-aayos ng party parang kinakabahan ako. Hindi pa ako handa! Siguro kaya nila ako pinag-aasawa nang maaga dahil dito.

"Mommy! Mommy!" Bumukas ang pinto at tumatakbong pumasok si Angelo sa kwarto

"Awww ang cute naman," bulong ng assistant ng stylist. Ang CUTE ni Angelo sa suot nya!

"Baby! Halika dito! Ang cute mo naman!"

Ang cute nyang tignan sa kanyang formal attire. Nilabas ko kaagad ang cellphone ko para makuhanan ng picture si Angelo. Save image as - Baby Angelo Cutie! Set as wallpaper!

"Mommy! You look like a goddess!"

"Haha! Mga natututunan mo sa Daddy mo Angelo. Nahahawa ka sa pagiging bolero nya."

"Bolerow? Mommy? What is bolerow?" Medyo nagsalubong ang kanyang mga kilay at nag-pout.

"Bolero baby not bolerow." Hinawakan ko ang isa nyang kamay at naglakad na kami palapit sa pinto. "Ang bolero yung... mahilig magbigay ng papuri."

"Puri? What is puri Mommy? I don't understand Mommy."

"Ang puri yung..." Ano nga ba yun? Binuksan ko na ang pinto. "Ano nga ba english sa puri?" tanong ko sa sarili ko. Nasa dulo na ng dila ko 'yon!

"Puri? Virginity ba ang pinag-uusapan nyo?" may sumabat.

LECHUGAS BARABAS HEST—!! Si Red. Nasa tapat sya ng pinto nang buksan ko. A-Ang gwapo nya sa suot nyang itim na tuxedo.

"DADDY!!" tumakbo si Angelo sa kanya.

"Aba ang gwapo mo naman Angelo, mana ka talaga sakin," hinawakan ni Red ang ulo ni Angelo.

GULP! Ang gwapo nya talaga! Ang gwapo gwapo nya sa suot nya.

"Virginity Daddy? Like this?" pinalakpak ni Angelo ang kamay nya ng isang beses. "POP!"

Tumawa si Red nang malakas. "Tama! Ganyan nga Angelo! Hahaha!"

Ang gwapo ni Red! Bakit ba hindi na ako nasanay? Ang ilegal ng kagwapuhan nya. May ine-next level pa pala yon?!

"POP! POP! POP the cherry!" kanta ni Angelo na mukhang sayang-saya.

POP! ANO RAW SABI NI ANGELO?! "JARED DELA CRUZ!" binatukan ko sya.

"ARAY KO! Mommy naman!" angal nya habang hawak ang ulo nya. Humarap sya sakin.

"Don't you 'Mommy naman' me ha! Ikaw talaga kung ano ano na naman ang itinuturo mo kay Angelo ha! Nakuuu," tinaas ko ang kamao ko.

Teka, ang panget walang poise. Kailangan mahinhin ako ngayong gabi, baka may makakita. Tinignan ko si Red na ngayon ay tinitignan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maipaliwanag ang hitsura nya. Medyo nakabukas pa ang bibig nya. Lumipas ang isang minuto at hindi na ako nakatiis pa.

"RED!!" sigaw ko.

"H-HA?!" tumingin-tingin sya sa paligid bago muling tumingin sakin. Nakita ko pa ang pag-taas baba ng adams apple nya.

"Para kang sira dyan! Late na tayo, nakakahiya naman sa mga bisita."

"S-Samantha? Woah!" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa ulit.

Kinabahan ako bigla. "Ano?" Tinignan ko ang damit ko at muling tumingin sa kanya. "Pangit ba?"

Ngumit sya sa akin ng mabagal. Nagniningning ang mga mata nya.

"Ang ganda mo."

Bigla akong napaiwas ng tingin. Para akong binangga ng truck pero imbes na sakit ay sobrang tuwa ang naramdaman ko. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko dun sa sinabi nya. Gusto kong magtatalon sa tuwa! Maganda daw ako! Bigla nya akong niyakap.

"Mommy," bulong ni Red.

"Hmm?" Niyakap ko na rin sya pabalik.

"Mahal kita."

May kakaiba sa boses nya pero hindi ko alam kung ano.

Vote pls~ Danke~ :D

AlesanaMariecreators' thoughts
Next chapter