webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter One Hundred Thirty-Nine

"Nasira yung Punch Machine," hindi parin makapaniwala na sabi ko.

"Yeah."

"Natanggal yung ulo."

"Yeah."

"Natalo tayo."

"Yeah."

"Walang first prize."

"Yeah."

Tumingin ako kay Timothy na busy sa pagkain sa ice cream nya. Magkahawak kamay kaming naglalakad habang may kinakain na ice cream na nasa cone.

"Strawberry parin pala ang favorite mo?" tanong ko sabay lick sa vanilla ice cream ko.

"Yeah."

"Sayang yung prize sa contest na vacation sa Palawan."

"We can still go there anytime you want."

"WAAH!! Talaga?! Talaga?!" Niyugyog ko yung braso nya.

"Ah shit." Nalaglag yung ice cream nya mula sa cone. Lumapit kami sa isang garbage can para itapon yung cone nya.

"Sorry. Ito oh? Gusto mo?" alok ko sa kanya ng ice cream ko.

Bigla syang sumimangot. "That's vanilla."

"Ay oo nga."

Nakatingin lang sya sa'kin. Parang hinihintay nya akong mag-magic para magka-strawberry ice cream sa kamay ko.

"Bakit hindi nalang 'to? Masarap din naman 'to eh." Turo ko sa ice cream ko.

Tinignan lang nya ang ice cream ko tapos tumalikod sya sa akin. Lumakad na sya ulit. Fuuuuuu. Parang bata, nawalan lang ng ice cream eh. Sinundan ko sya.

"Timothy hwag ka nang magtampo! Bili nalang tayo ng bago, ha?"

"I don't want a new one, I want the old one."

"Ha?" Pero madumi na 'yon.

Huminga sya nang malalim. "Nevermind."

Naglakad na ulit kami nang sabay. Tumingin ako sa clock tower ng LaLa Land, five-fifteen na ng hapon.

"Timothy! Saan na tayo pupunta? Sakay tayo sa Ferris Wheel!"

"Men's Room." May kung ano sa mukha nya na hindi ko maintindihan. Parang may nakita sya na hindi nya gusto. "Stay here, don't move." Tapos nun iniwan nya na ako. Lumingon sya bigla. "You leave that spot and you're dead."

Umalis na sya. Fuuuuu. Bumalik na nga talaga sya sa pagiging gangster nya. Balik na naman sya sa ugali nya. Kahit kailan talaga para talagang hari yun, kailangan palaging sinusunod. Kung maging presidente kaya sya ng Pilipinas?

Tapos ako ang first lady? KYAAAAAH~! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Naubos ko na pala ang ice cream ko. Itatapon ko muna 'tong tissue. Teka. Bawal daw akong umalis sa pwesto na 'to. Tinignan ko kung pabalik na sya. Wala pa naman, kakaalis lang nya eh. Sige itatapon ko muna 'to. Naghanap ako ng trash bin at itinapon ang tissue. Ano yun?! Ang daming tao na nakapaligid eh, puro babae. Lumapit ako at sinilip kung ano yun.

"One hundred pesos lang para makasama sa raffle! One hundred pesos!" sabi nung bantay sa tindahan.

Raffle? "Ano daw ang prize?" tanong ko sa isang babae na nakapila.

"Ticket para sa concert ng BIGBANG sa October!"

Concert Ticket?! BIGBANG?! SHIZ! Opportunity 'to!

"Oo nga pala, ang first prize may kasamang backstage pass kaya personal mong makakasama ang BIGBANG," dugtong pa nya.

BACKSTAGE PASS?!!! SHIZZLEBERRY!!! Agad akong naghalungkat ng pera sa wallet ko. One Thousand?!! Bakit One Thousand lang ang cash ko?!!

"Pabili din ako!! SAMPU!!" Kyaaaa!! backstage pass!!

***

Bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Wala parin si Timothy. Sana manalo ako sa raffle!! Backstage pass!! Makikita ko na ang BIGBANG!! Isasama ko ang Crazy Trios! Sana January na!! Para malaman ko na kung nanalo ako.

"'Yo!"

Nagulat ako nang makita sya. A-Ano'ng ginagawa nya dito?!

"GD?!"

"Hey girly!" nakangiti na naman nyang bati sa akin. May kasama syang babae. Girlfriend nya siguro.

"Nandito ka pala. Hehe! Girlfriend mo?" turo ko sa babaeng kasama nya.

"This is Annie, my girl! Who's with 'ya?" tanong nya.

"Ako? Ah! Kasama ko si—" Naputol ang sasabihin ko nang may umakbay sa akin. Pagtingin ko. Lalaking may maskara ng isang pusa.

"GD." Tinanggal nya ang maskara nya. "Bakit kung saan-saan kita nakikita?"

Napalunok ako. "Red," bulong ko. Nandito rin sya? Ngumisi lang si GD at saka umalis kasama ang girlfriend nya. Hindi ako makagalaw. Nakaakbay sya sa'kin.

Tumingin sa akin si Jared. "Ayos ka lang Samantha?"

"Red, n-nandito ka? A-Ano'ng ginagawa mo dito?" kinakabahan na tanong ko.

"Ah. Wala naman, babysitting," sagot nya sabay ngiti.

Nandito sya kanina pa?! Napalunok ako. Kapag nagkita sila ni Timothy. Pero nakita nya kaya kami kanina?! Ano na lang ang—

"He's gone now. Why don't you take your hand off of her already?" Napapitlag ako at kasabay non ang sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Or do you want me to remove it myself?"

Too late. Nakita ko si Timothy na ilang hakbang lang ang layo mula sa amin. At may expression sya sa mukha nya na hindi ko gusto. Ano'ng gagawin ko?