webnovel

Never Talk Back to a Gangster

TBYD BOOK 2 Book two of Talk Back and You're Dead! :)

AlesanaMarie · Urban
Not enough ratings
213 Chs

Chapter Ninety-Five

Lumipas ang isang oras nang may marinig kaming tunog ng sasakyan na paparating. Sino kaya 'yon?

"May dumating," sambit ni China habang nakikiramdam sa paligid.

"Baka 'yan na 'yung sinasabing lalaki ni Riri na..." Hindi maituloy ni Maggie ang kanyang sasabihin.

"Ayoko! Hindi ako papayag na ma-rape dito! Kailangan nating makawala!" natatakot na saad ni China.

"Alam ko na! Tumalikod ka Chinz. Magtanggalan tayo ng tali sa kamay, dali!" suhestyon ni Maggie.

"Ang talino mo, bading! Pero bakit ngayon mo lang naisip 'yan?"

"Buti nga naisip ko eh. Bilis na, beks," saad ni Maggie at saka tumalikod kay China. "Kapag natanggal na natin 'to, 'yung kay Sammy naman."

Bigla naming narinig ang boses ni Riri mula sa nakasaradong pinto.

"'Yang mga tauhan mo, PALPAK kahit kailan!"

"Sorry na, Love. Pero maaasahan naman sila eh."

"Maasahan? Pinatatawa mo 'ko, Louie."

"'Yung ipinangako mo ba? Pwede ko nang makita?"

"Not yet! Wala sa kanila ang babaeng gusto kong ipadispatya! At hangga't hindi ko siya nabubura dito sa mundo, wala kang pwedeng galawin sa mga babaeng nandyan sa loob!"

"Kung ganon, ikaw na lang."

"Lumayo ka nga sa'kin! Ikakasal na ako kay Lee 'no!"

"Lee?"

"Si Lee Perez! Siya lang naman ang most wanted bachelor dito sa Pilipinas aside kay Red na ngayon ay isa na palang beki."

Si Kuya Lee?!

"Uy Sammy, pinag-uusapan nila ang kuya Lee mo oh? Ikakasal ba talaga sila?" tanong sa akin ni Maggie.

"Hindi, may fiancee si kuya Lee sa France," sagot ko.

So, 'yon pala ang plano ni Riri, ang makasal sa kuya ko kaya gusto niyang ipadukot si Michie. Pero dahil sa kapalpakan ng mga tauhan niya, kami ang nakuha nila.

"Tapos na, natanggal ko na 'yung iyo, Maggie."

"Ay teka lang, bading, sandali. Ang hirap alisin ng sa'yo."

"Biliiiiiiis..." bulong ni China.

"Teka lang, huwag kang malikot!"

"Naiihi na ako eh!"

"Bakla, tiisin mo!"

"Pero siguro naman pwede kong makita 'yung mga babae?" tanong nung Louie. "Naipadala ko na rin naman ang iba ko pang tauhan para balikan 'yung babaeng sinasabi mo. Ilang oras lang eh...siguradong nandito na sila kasama ang babaeng gusto mong ipadispatya."

"Argh! Fine!"

"Crazy Duo! Umayos kayo, bubuksan nila ang pinto!" bulong ko sa dalawa.

Mabilis na umayos ng upo ang dalawa. Bumukas ang pinto. Unang pumasok si Riri at kasunod naman niya ang isang malaking lalaki. Nasa singkwenta anyos na siguro ang lalaki, balbas sarado at malaki ang tiyan. Mukha siyang kontrabida sa mga palabas ni FPJ noon.

"Hmm..." Pinagmasdan kami ng lalaki na para bang mga isda sa palengke na kanyang pinamimilian.

"You can do whatever you want with them, basta ibigay mo lang sa'kin ang babaeng kailangan ko sa aking mga plano."

"Magaganda sila, mga anak mayaman at halatang alaga ang mga balat. 'Yung isang babae ba ganito rin kaganda?" tanong ng lalaki.

"EEW!! LIKE SHE'S SO UGLY KAYA!!" sagot ni Riri sabay flip ng buhok. "At ano bang sinasabi mo? Silang dalawa lang ang mayaman," sabay turo ni Riri sa Crazy Duo.

Hindi ako mayaman? Since when? Tumingin sa'kin 'yung Louie.

"Hindi ba siya ang anak ni Crisostomo Perez?" habang nakaturo sa'kin.

"Oh My Gosh, Louie!" sagot ni Riri na muling nag-flip ng buhok at saka tumawa nang malakas. "HAHAHAHA!! Like no way highway kaya!"

Tinitigan ako ni Louie.

"Nagkamali ka ng tantya, Love, mukhang siya nga 'yon. Nakita ko ang picture niya sa dyaryo noon. Galing pa nga sila sa Paris noon kasama ang boyfriend niya."

"W-What? Hindi kaya!" Tumingin sa'kin si Riri. "Hoy malanding babae, ano ang pangalan mo?!"

"Miracle. Samantha. Perez. At mayaman ako. Kaya lagot kayong lahat dahil for sure, pinaghahanap na ako ngayon ni kuya Lee!"

Gulat na gulat si Riri. Hindi ko mailarawan ang mukha niya. Halatang wala siyang kaide-ideya sa tunay na katauhan ko.

"Sinungaling ka! Social climber!" Nanlalaki ang mga matang sigaw sa akin ni Riri.

"Nagsasabi siya ng totoo. Si Sammy ay pinsan ni Lee," sabat ni Maggie.

"P-Pinsan?!" Biglang namutla si Riri. "PINSAN?!"

"Tsk! Sasabit tayo rito. Delikadong kalaban ang mga Perez, Rica," nag-aalalang sambit ni Louie.

"Shut up, Louie! Wala akong pakialam! Ang mahalaga, makuha ko ang gusto ko!" Bumunot ng baril si Riri at itinutok iyon sa akin. "Papatayin kita! HAHAHAHA!"

"SAMMY!!" sigaw ng Crazy Duo.

Nang makita kong nakatutok sa'kin ang baril ay bigla na lamang akong natulala. Nangyari na sa'kin 'to dati. Isang deja vu.

*BANG!*

"AAAAAAAAAAHHHH!!!"

Isang putok ng baril ang nagpabalik sa akin sa aking ulirat. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakikipag-agawan ng baril si Maggie kay Riri.

"BITCH!! BITAWAN MO KO!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!"

"Maggie!" tawag ni China.

"BILIS! TAKBO!!" sigaw ni Maggie na patuloy pa rin sa pakikipag-agawan ng baril.

Mabilis akong tinanggalan ng tali ni China subalit hindi kami makaalis dahil kay Maggie. Mabuti na lamang at naagaw ni Maggie ang baril at naihampas niya iyon sa ulo ni Riri.

Samantala, si Louie naman ay may tama ng baril sa balikat. Natamaan siguro siya kanina nang nag-agawan ng baril ang dalawa.

"BOSS!!!!!!" May dalawang lalaking dumating.

Agad na nagpaputok ng baril si Maggie para hindi makalapit ang mga tauhan nina Riri.

"Huwag kayong lalapit kung ayaw niyong mabaril! Ibaba niyo ang mga baril niyo, bilis!" utos ni Maggie.

Sa takot naman nila ay kanilang ibinaba ang mga baril nila.

"Humarap kayo sa pader! Doon sa sulok! TALIKOD!!" utos ni Maggie.

Natulala na lang kami ni China sa mga nangyayari. Pumasok naman sa loob ang mga tauhan ni Riri at isa-isang humarap sa pader gaya ng utos ni Maggie.

"'Yung mga pantalon niyo, ibaba ninyo!" utos ni Maggie.

"Beks, bakit mo ipinabababa ang mga pantalon nila? Gagahasain mo ba sila? Huwag 'yan Mags. Hanap na lang tayo ng gwapo sa labas."

"Bading! Syempre, para kapag tumakbo tayo, hindi kaagad sila makakasunod kasi nakababa ang pantalon nila," paliwanag ni Maggie sa kapatid.

Sumilip ako sa labas. Wala ang ibang tauhan nila. Baka dudukutin na nila si Michie?!

"IBABA SABI!!!" Muling pinaputok ni Maggie ang hawak niyang baril.

Dali-dali naman nilang ibinaba ang mga kanilang mga pantaloon.

"Tumakas na tayo!" sabi ni China.

Mabilis kaming lumabas at isinarado ang pinto, kaso walang lock.

"Harangan na lang natin nito para 'di kaagad mabuksan," sabi ko sabay kuha ng malaking sanga.

Tinulungan nila akong buhatin ang sanga at iniharang namin ito sa pinto. Matapos iyon ay sabay-sabay kaming tumakbo paalis ng gusali.

Nasa gitna ng kagubatan ang factory na pinagdalhan nila sa amin. Walang malapit na bahay roon na maaari naming mahingian ng tulong. Kalahating oras na kaming lakad-takbo pero wala pa rin kaming makitang taong pwede tumulong sa amin.

"May cellphone ba kayo?" tanong ko.

Tumigil muna kami sa tabi ng isang puno para doon ay magpahinga.

"Wala eh," sagot ni China na hinihingal pa.

"Ako rin wala," segunda naman ni Maggie habang nagpupunas ng pawis sa noo.

Kinapa ko ang bulsa ko.

"Wala rin 'yung cellphone ko rito," dismayadong sabi ko.

"Ay wait!" May kinapa si China mula sa bandang ilalim ng kanyang pantalon. Mula roon ay kinuha niya ang isang pink na bagay na nakatago sa laylayan ng pang-ibaba niya.

"TADAH!! Cellphone!" Ipinakita niya sa amin ang maliit na cellphone na mukhang keychain. Mapagkakamalan iyong laruan o di kaya naman ay calculator.

"Buti na lang dinadala ko 'to. Kapag kasi nauubusan ako ng pang-text, nakuha ako ng load dito. Hehehe! May load wallet kasi to eh," paliwanag ni China habang binubuksan iyon.

"Chinz, bakit ngayon mo lang naisip 'yan ha?" usisa ni Maggie.

"Eh ganon talaga kapag maganda, medyo slow dapat," nakangiting sagot ni China.

"May signal ba?" tanong ko.

"Uhhh..." Itinaas ni China ang cellphone niya at naghanap ng signal. "Wala eh."

"Hay...ano ba 'yan?! Walang kwenta, tapon mo na nga yan!" inis na sabi ni Maggie.

"Kung makalait ka naman, beks! Tapon agad? Di ba pwedeng sapakin muna para magka-signal?" tanong ni China.

"Sige, go! Sapakin mo baka sakali magkaron nga."

"Huwag na, baka masira 'yan," awat ko sa kanila.

Lumakad na ulit kami habang patuloy pa rin sa paghahanap ng signal si China.

"Teka mga bakla, wiwiwi muna ako," paalam ni China.

Tumakbo siya sa likod ng isang malaking puno ng balete.

"Malapit nang dumilim," puna ni Maggie habang nakatingin sa langit kaya naman napatingala na rin ako.

"Maggie, salamat kanina," sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Kung hindi mo inagaw ang baril, siguro wala na ako ngayon."

"Ano ka ba, Sammy?! Syempre hindi ko hahayaan na may mangyari sa'yo at kay China," paliwanag ni Maggie.

"Pero natakot talaga ako kanina. Sobra." Naalala ko na naman kung paano ako tinutukan ng baril ni Riri.

Lumapit sa akin si Maggie at marahang tinapik ang balikat ko.

"Magiging ayos din ang lahat, Sammy."

"Sana nga, Maggie. Gusto ko nang umuwi," naiiyak na sabi ko.

"Aww...such a very touching scene."

Napatingin kaming dalawa ni Maggie sa dumating. Nakita namin si Riri na may hawak na baril at nakatutok iyon sa amin.

"Too bad kailangan ko nang i-cut ang scene niyo rito. Pero huwag kayong mag-alala, sabay ko naman kayong papatayin eh. HAHAHAHAHA!"

Wala na siya sa katinuan niya. Nakikita ko sa kanyang mga mata na wala na siya sa tamang pag-iisip.

"Sino kaya ang uunahin ko? Eenie Minie Mini Moe!" Sa akin iyon tumigil.

Agad akong napaatras sa takot. Mamamatay na ba ako rito? Hindi ako makagalaw. Natatakot akong mamatay.

"MAMATAY KA!!!"

Napapikit ako sa sobrang takot. Naisip kong kung talagang oras ko na, tatanggapin ko na lang na hanggang dito na lang talaga ang aking buhay.

"SAMMY!!!"

*BANG!!*

"AAAAAAAAAHH!!!"

Iminulat ko ang aking mga mata matapos ang malakas na pagputok subalit nagulantang ako sa aking nakita. Duguan si Maggie habang nakaupo sa lupa. Mukhang tinamaan siya ng bala.

"PESTE!! Paharang-harang!!" singhal ni Riri.

"M-Maggie..." Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tuluyan na akong naiyak.

Duguan siya. Ako dapat 'yon at hindi siya.

"T-Takbo Sammy...b-bilisan mo!" sigaw niya habang hawak ang parte ng katawan niyang nabaril.

"Hep hep! Hindi ka pwedeng tumakbo. May baril ako. Babarilin kita kapag tumakbo ka! Hahaha!"

Hindi ko pinansin ang baril na nakatutok sa akin. "Maggie!! Maggie!!" Lumuhod ako para tignan ang tama niya. Tinamaan siya sa kanang balikat.

"Nadaplisan lang ako, Sammy, hindi pa ako mamamatay. Pero masakit talaga siya. G-Ganito pala ang pakiramdam nang mabaril. Ang sakit-sakit pala talaga."

"M-Maggie, hindi mo dapat ginawa 'yon. Ikaw tuloy ang tinamaan.." sabay hikbi ko.

"MAGGGIIIEE!!!!!" Dumating si China na tumatakbo palapit.

"ISA KA PA!!!!" Itinutok ni Riri ang baril kay China.

Patakbo akong lumapit kay Riri at binunggo ko siya. Napahiga siya sa lupa at tumalsik sa malayo ang hawak niyang baril.

"AKO LANG NAMAN ANG KAILANGAN MO HINDI BA?! Eh di habulin mo ko!!" sigaw ko kay Riri sabay takbo.

"ARRGGGHHH!!! Bumalik ka rito, papatayin pa kita!!!" sigaw niya.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Alam kong hinahabol niya ako. Wala na siya sa katinuan. Ako lang naman talaga ang gusto niyang patayin kaya mas maganda kung kaming dalawa na lang ang maghabulan. Ayoko nang madamay pa ang mga kaibigan ko.

*BANG!*

AAAHH! Tinamaan ang sanga ng punong malapit sa'kin. Shiz! Tumakbo pa ako nang tumakbo at saka lumiko-liko para hindi ako mahagip ng bala. Ni hindi ko alam kung tama pa ba ang direksyon na tinatahak ko. Ipinagpatuloy ko lang ang pagtakbo hanggang sa mapadpad ako sa mas masukal na parte ng gubat.

*BANG!*

*BANG!*

"BIIIIIITTTCCHHHH!!! PAPATAYIN TALAGA KITAAAA!!! AAAAAAHHH!!!"

Kung saan-saan ako tumakbo nang tumakbo. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang mga yabag niya. Nararamdaman kong binibilisan niya rin ang pagtakbo.

*BANG!*

AAAAAAAAAAHH!!

Nadaplisan ng bala ang binti ko kaya naman bumagsak ako sa lupa.

"HAHAHAHAHAHA!!! Naabutan din kita! HAHAHAHAHAHA!!! DITO KA NABABAGAY MAMATAY!! HAHAHAHAHA!!!"

Tinignan ko siya. Tumatawa siya at mukhang sayang-saya sa mga nangyayari. Wala sa focus ang kanyang mga mata. Tila nababaliw na nga siya. Ang malas ko naman. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pang makita si Timothy. Si Timothy. Babalikan pa niya ako.

"Kahit kailan, hinding-hindi ka pakakasalan ni Kuya Lee! Hindi siya pumapatol sa mga baliw na katulad mo!"

"TUMAHIMIK KA!! TUMAHIMIK KAAAA!!! MAMAMATAY KA NA KAYA TUMAHIMIK KA!!!!" sigaw niya habang nakatutok sa'kin ang baril.

"Ang malas mo, may iba nang pakakasalan si kuya."

"PAPATAYIN KO SIYA!! PAPATAYIN KO LAHAT NG AAGAW SA KANYA!! Kaya papatayin na rin kita. Lahat kayo papatayin ko!! HAHAHAHAHAHAHA!!!"

Huminga ako nang malalim at pilit na tumayo. Tiniis ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking binti.

"Kahit na mamatay kaming lahat, hindi ka pa rin magugustuhan ni kuya! Dapat sa'yo, ipasok na sa mental!"

"TUMAHIMIK KA!!" Muli niyang pinaputok ang baril at tumama iyon sa punong nasa gilid ko lamang.

"Ang pinakaayaw ni kuya ay 'yung mga babaeng may oversize na dibdib!"

"GINAGALIT MO TALAGA AKO!! PAPATAYIN NA TALAGA KITA PARA MANAHIMIK KA NA!!!"

Muli niyang itinutok sa akin ang baril. This time, alam ko na wala na akong ligtas pa. Wala nang darating pa para sagipin ako. Nasa gitna kami ng gubat. Kaming dalawa lang.

"HAHAHAHA! Any last words, bitch?"

Puno ng galit ko siyang tinitigan sa mata.

"Go to hell," sambit ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!!! MAMATAY KA NA!!!"

*BANG!*

***

"Drop the gun!!" the police officer hollered over the megaphone as he aimed the gun at one of the abductors while the rescue team surrounded the place.

"FUCK! WHAT NOW, RICK?!!" Robert grunted as he hid against the wall, holding the little girl hostage.

"DAMN! I DUNNO! FUCK IT! LET'S KILL THE MOTHERFUCKER!!!!" Rick pulled out his gun but before he could pull the trigger, he was shot in the head.

"RIIICKKK!!" Robert yelled desperately to his brother.

"DROP THE GUN!!!!" the policeman yelled again. "LET THE CHILD GO!!" they called him, but instead he grunted.

"FUCCCCCCKKKK!!!" Robert hissed angrily pointing the gun to the crying little girl's forehead. "YOU DROP YOUR GUNS, BASTARDS, OR THIS GIRL WILL BE HISTORY!" he roared.

"SAMMYYYY!!!!" Jae wailed as he shook forcefully, yanking his little body away from the one holding him as he scampered towards Sammy.

"DAMN IT!! GET THAT BOY!!" another policeman called out by seeing the little boy dart in the place. Jae didn't mind! He was a superhero! And he'll be there for Sammy.

"DON'T SHOOT!! DON'T SHOOT!!" The policemen's frantic voices dissipated in the place as they called over.

"JAEEE!!" Sammy screamed.

*BANG!*

***

"Samantha."

Agad kong iminulat ang mga mata ko.

"Jae..." bulong ko.

"Matagal nang walang tumatawag sa'kin nang ganyan."

"AAAAAAAHH!! BITAWAN NIYO AKO!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!!! HAHAHAHA!!! PAPATAYIN KO KAYO!! MAMAMATAY KAYONG LAHAT!! HAHAHAHAA!!"

Biglang nagbalik sa'kin ang mga pangyayari.

"RED!!!" Nakapatong siya sa akin.

Umalis siya sa pagkakapatong sa'kin at humiga sa tabi ko. Agad akong napaupo.

Ang daming dugo. Ang daming dugo. Napatingin ako sa mga kamay ko. Ang dugo ni Red. Si Jared ang tinamaan ng bala na para sana sa akin.

"Red!! RED!!" Napahagulgol na ako ng iyak habang hinahanap kung saan siya tinamaan ng bala.

"Huwag k-kang umiyak," napapangiwing sambit niya.

Halos mawalan ako ng malay nang makita ko kung saan siya tinamaan ng bala.

"Bakit mo ginawa 'yon? Jared..." humihikbing sabi ko habang nag-uunahang pumatak ang aking luha.

Ngumiti siya nang pilit.

"P-Para saan pa ang pagiging s-superhero ko kung...kung h-hindi kita kayang protektahan? Kahit ilang bala ang k-kailangan kong saluhin para sa'yo... g-gagawin ko...kahit...k-kahit ilang ulit p-pa..." Ngumiti siya. "Bata pa lang tayo...lapitin ka na t-talaga ng aksidente...kaya naman...kaya naman naisip ko na..." Umubo siya. Nagulat ako nang masaganang dugo ang lumabas mula sa kanyang bibig.

"JARED!! HUWAG MO KONG IIWAN!! JAREEEDD!! HUWAG KANG GANYAN!!" Hinawakan ko ang kamay niya.

"M-May kryptonite yata 'yung b-bala niya. Ha-ha... Sam h-hindi kita iiwan... Mananatili ako s-sa tabi mo... B-Babantayan kita..." Dahan-dahan na siyang pumikit. Unti-unting namutla ang mukha niya. Maging ang mapula niyang labi ay nawalan na rin ng kulay. "Sam...m-mahal kita."

Pakiramdam ko ay tumigil ang oras.

"Red, No...no...no...NO!! Huwag kang pumikit, Red!! RED!! JAREEEDD!!!" Niyugyog ko siya ngunit hindi na niya muling iminulat pa at kanyang mga mata. May mga taong pumigil sa aking galawin si Red. "REEEED!! JARED DELA CRUZ!! REEEEED!! Huwag kang ganyan! Gumising ka! REEEED!"

"HAHAHAHAHAHA!! PINATAY MO SIYA!! PINATAY MO SIYA!!! HAHAHAHAHA!!" humakalakhak na sabi ni Riri habang nakaposas at hawak ng mga pulis.

Mabilis akong tumayo at tumakbo palapit kay Riri. Pinagsasampal ko siya.

"BAKIT MO 'YON GINAWA HA?!! BAKIT?! BAKIT?! BAKIT?!" Patuloy ko siyang pinaghahampas.

"AAAAAAAHHH!!! HAHAHAHAHAHA!!" Wala siyang ibang ginawa kundi ang tumawa lang nang tumawa. Wala ni isang matinong sagot akong nakuha mula sa kanya.

May mga dumating na medic at inilagay si Red sa stretcher. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana.

Vote and Rate~ Danke~ :)

AlesanaMariecreators' thoughts