webnovel

Chapter Forty-Seven

*Jared Dela Cruz*

Takteng Romeo D'Arrez! Hwag lang syang magkakamali! Para akong iginisa sa sarili kong mantika ah! Pakshet lang kung tama si Zeke sa hinala nya! Mabubugbog ko talaga ang gagong 'yon!

*Miracle Samantha Perez*

Tumakbo si Red na parang may hinahabol na sasakyan. WAAAAAAA~!! Sinundan ko sya. Nakupoooo!! Lagot na!! Ano kaya ang mangyayari? Tumigil kami sa direksyon na itinuro ni Zeke sa amin. Nakita nga namin sina Audrey at Omi. Basang-basa silang dalawa at may towel na nakabalot sa katawan ni Audrey.

Wala naman silang ginagawang masama pero naabutan namin sila ni Omi na...magkayakap habang nakatayo sa may gilid ng pool. Ang romantic actually. Para akong nanunuod ng pelikula. Fireworks nalang ang kulang.

"AUDREY!!" nakakatakot na sigaw ni Red.

Agad na naghiwalay sina Audrey at Omi. Gulat na gulat sila at may guilty expressions. Ilang malalaking hakbang lang ang ginawa ni Red at nasa harap na sya ng dalawa. Hindi nagtagal ay tumama ang kamao ni Red sa mukha ng kaibigan nya. Napatakip ako sa bibig ko.

"LINTEK OMI!! PANO MO NAGAWA 'TO SA KAPATID KO?!!" sigaw ni Red.

"KUYA!! STOP!" pinipigilan ni Audrey si Red sa pagsugod.

Natumba sa sahig si Omi dahil sa lakas ng suntok ni Red. May dugo rin ang labi nya. Tumakbo ako at pinigilan din si Red.

"RED HUMINAHON KA NGA!!" awat ko at hinawakan sya sa braso.

Tinulungan ni Audrey si Omi na tumayo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Audrey kay Omi.

"Wala 'to" sagot ni Omi habang pinupunasan ang dugo sa labi nya.

"AUDREY!! TAKTENG 'YAN, LUMAYO KA DYAN!" galit na galit na sigaw ni Red.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso nya. Baka sugurin nya ulit si Omi. Natatakot ako sa kanya ngayon pero kailangan ko'ng tulungan si Audrey. Ang isa pa, baka masira sila nang tuluyan kung hindi ko pipigilan si Red sa gusto nyang gawin sa kaibigan nya. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari ngayon pero gagawin ko ang sa tingin ko ay kailangan sa sitwasyon na ito. Kailangan huminahon ni Red.

"KUYA YOU'RE BEING UNFAIR!! WHY DID YOU DO THAT?!" sigaw pabalik ni Audrey.

"OMI D'ARREZ! ANAK KA NG TUPA KAPATID KO YAN!! ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAGAWA MO?!"

"Alam ko. Alam ko kung ano ang ginagawa ko. Sorry Red," kalmadong sagot ni Omi. "Pero mahal ko talaga ang kapatid mo."

"SHIT 'YAN OMI!! NAKALIMUTAN MO NA BA ANG FIRST RULE?! LIMOT MO NA BA?!"

"KUYA HWAG KA NGANG MAG-ESKANDALO DITO!!"

"TUMAHIMIK KA AUDREY!! AT KAILAN KA PA NATUTONG MAG-LIHIM SA'KIN?!!"

"Hwag mo syang sigawan Red ako ang nag-umpisa nito." Itinago nya sa likod nya si Audrey na parang pino-protektahan.

"Tang*ang 'yan pare, kapatid ko 'yang gusto mo'ng gawing syota naiintidihan mo ba?!"

"Hindi ko sinasadya, nagmahal lang ako. Mahal ko ang kapatid mo!" matatag na sabi ni Omi. Nakikita ko sa mga mata nya ang determinasyon na nakita ko sa mga mata ni Timothy noon.

"TANG*ANG PAGMAMAHAL YAN!! LINTEK!!" sigaw ni Red.

"Red. Calm down," awat ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid dahil baka may mga paparazzi na.

Baka mamaya maging headline pa 'to sa newspaper, kailangan na namin mag-ingat since nasa right age na kami. Pwede na kaming maging headline sa mga balita. Hindi katulad dati.

"Naiintindihan mo higit sa kahit na kanino man sa grupo natin ang pakiramdam na gustuhin ang kapatid ng isa sa mga kaibigan natin. Alam mo ang pakiramdam hindi ba? Naranasan mo na 'yon?" mariing sabi ni Omi kay Red.

Matalim na tingin lang ang isinagot ni Red kay Omi. Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ni Omi.

"Pero pinili ko kayo at nagawa ko syang kalimutan," sagot ni Red.

"Dahil lumayo ka bago ka pa mahulog nang tuluyan sa kanya, kaya nakaya mo syang iwan at piliin ang grupo. Pero hindi ako katulad mo Red, mahal ko na talaga ang kapatid mo at isang taon ang tiniis ko. Sinubukan ko syang layuan pero impyerno ang binagsakan ko. Yung impyernong 'yon Red, alam kong nandon ka rin ngayon," makahulugang sabi ni Omi.

Tumingin sa'kin saglit si Omi kaya medyo nagulat ako.

"Alam mo ang pakiramdam na mahalin ang isang tao nang patago. Dahil alam mo na bawal 'yon, ano ang third rule Red? Alam mo hindi ba? Ang third rule ang pumipigil sa'yo ngayon."

Ang third rule. Sinabi na sa'kin dati ni Red 'yon. Noong nasa beach house kami. Sinabi nya sa'kin pero hindi ko na matandaan. Nagulat nalang kami nang muling suntukin ni Red si Omi.

"TUMAHIMIK KA NA!!"

"KUYA!!" Humarang si Audrey kay Red nang muli nitong susuntukin si Omi sa pangatlong beses.

"Tama na kuya," umiyak si Audrey. "Please. Tama na."

"Audrey tumabi ka dyan," mukhang makakapatay na talaga ang hitsura ni Red.

"Gusto ko syang makasama kuya. Please," umiling si Audrey. "Please kuya..."

Hindi makapaniwala ang hitsura ni Red. Sigurado ako na nagulat sya sa sinabi ni Audrey. Kahit ako man, nagulat. Hindi ko alam na gusto nya pala si Omi.

"Gusto mo ang gagong 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Red.

"Yes, mahalaga sya sa'kin kaya hwag mo syang saktan," sagot ni Audrey na patuloy sa pag-iyak.

Tumayo si Omi. Namumula ang bahagi ng mukha nya na tinamaan sa kanya. Hinigit nya si Audrey at itinago sa likod nya.

"Hayaan mo lang sya Audrey, may usapan kami na kapag nangyari 'to kailangan naming harapin ang parusa sa'min," pinunasan ni Omi ang dugo sa labi nya.

Nanatiling nakatitig sa kanilang dalawa si Red. Mukhang mas nagulat sya sa sinabi ni Audrey. Hinawakan ko sya sa braso.

"Red..." tawag ko.

"Kung ganon desidido ka na talaga? Alam mo'ng wala nang bawian ito hindi ba?" mapait na tanong ni Red.

"Alam ko," mahinang ngumiti si Omi. "Handa na ako'ng harapin ang parusa Red."

Ano'ng parusa? Mahabang katahimikan ang bumalot.

"Ano'ng parusa yon Omi?" nag-aalalang tanong ni Audrey kay Omi.

Hindi sumagot si Omi. Nakatingin lang sya nang diretso kay Red. Naghihintay kami sa gagawin ni Red. Bubugbugin kaya nya si Omi?

"Kung ganon," seryosong umpisa ni Red. "Simula ngayon Romeo D'Arrez, Omi ng Lucky 13..."

Ngumiti si Omi at hinawakan nya ang kamay ni Audrey. Mukhang hindi maganda ang mangyayari. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Red. Ganon ba kabigat ang parusa? Nakompirma ko 'yon nang ipagpatuloy ni Red ang sinasabi nya.

"Tinatanggal na kita sa grupo."

Next chapter