webnovel

Pagtatagpo

GREANNA'S POV

Nagmamadaling bumangon si Greanna sa kanyang pagkakahiga dahil muli siyang nakatulog buhat ng tumunog ang kanyang alarm makalipas ang Bente minutos.

"Kapag minamalas nga naman oh!"--ani niya sa sarili.

First day kasi ng klase ngayon kaya mahirap na ang ma-late. Wala kasi sa bokabularyo niya ang na-le-late sa eskwelahan. Ligo at pagbibihis na lang ang ginawa niya dahil gabi palang ay nakahanda na ang kanyang gamit. Maalaga at maingat din siya sa gamit kaya naman malinis na malinis talaga ang kanyang kwarto. Pagtapos niyang mag-ayos ay tumungo na siya sa ibaba upang magpaalam sa magulang dahil aalis na siya. Pagbaba niya ay laking gulat niya ng nagsisimula palang mag-prepare ng umagahan ang kanyang ina.

"Oh, anak? Bakit sobrang aga mo naman? Tila excited ka sa unang araw mo sa eskwela ah"--nakangiting sambit ng kanyang ina.

"Ma, anong oras na po ba? Tumunog na kasi ang alarm ko kanina pa at nakatulog pa nga po ako eh. Kaya nagmamadali na ko kumilos"--kunot noo niyang sagot.

"Anak, 5:00 palang ng umaga oh? Diba mamaya pang alas syete ang pasok mo?"--muling tanong ng kanyang ina.

"Hays! Pumasok na naman po ba si kuya sa kwarto ko kagabi?"-- naiinis niyang tanong.

"Si kuya mo? Hmm? Ay oo. Pinuntahan ka niya kagabi kasi may itatanong daw siya sayo pero tulog ka na raw kaya di ka na niya inistorbo."--tugon ng kanyang ina.

"Ahhhh!! Grrrr! Yung bwisit na yun talaga ohhh!!!"--galit na galit niyang bulong sa isip.

Walang kaabog abog ay agad niyang kinuha ang lemon sa refrigerator at hiniwa iyon sa dalawa.

"Humanda ka sakin kuya" -galit niyang tinungo ang kwarto ng kuya niya.

"Anak? San ka pupunta?"--nagtatakang tanong ng nanay niya ngunit hindi na siya sumagot pa.

Malamang na malamang kasi ay pinagtripan na naman siya ng kuya niya. Mahilig kasi siyang pagtripan nito.

Pagkarating niya sa pinto ng kwarto ay dahan-dahan niya itong binuksan at lumapit siya sa kuya niya na nakanganga pa at mahimbing ang tulog.

"Lintik lang ang walang ganti"--bulong niya sa sarili.

Agad niyang piniga ang lemon sa bibig ng kuya niya at tumakbo siya ng mabilis palabas ng kwarto. Isang malakas na sigaw ang namutawi sa loob ng bahay.

"GGGGRRREEEEAAAANNNNAAAAA"--sigaw ng kanyang kuya na sobrang lakas.

Tawa siya ng tawa pabalik ng kusina kung saan nandun ang nanay niyang nagluluto.

"Oh? Ginantihan mo naman ang kuya mo? Hay naku! Kayo talagang mga bata kayo oh! Lagi nyong pinagtitripan ang isat-isa."--kunsimidong sabi ng kanyang ina.

"Si kuya naman po ang nauna, ma. Malamang kasi binago niya yung oras ng alarm clock ko kaya tumunog ng sobrang aga. Hmm!"--pangangatwiran niya.

"Kahit na. Nadinig mo ba yung sigaw ni kuya mo? Halos mayanig ang bahay natin oh! Yare ka na naman niyang kuya mo. Alam mong malakas ang pagkasutil nun eh. Sana di mo na pinatulan."--pakamot na sabi ng kanyang ina.

"Kahit na anong mangyari mama, hangga't di niya ko titigilan sa pantitrip niya, palagi ko rin siyang babawian."--nakangiting tugon niya.

"Kayo talagang mga bata kayo oh! Di ko na alam gagawin ko sa inyo."--unsimidong tugon ng kanyang ina.

Maya-maya pa ay nadidinig na nila ang lakas ng yapak ng paa pababa ng hagdan. Alam ni Greanna na kuya na niya yun na galit na galit.

"Bleh! Nangunguna ka kasi kaya amanas lang tayo hahahahaha!"--mapang asar niyang sambit.

"Ano bang ginawa ko sayo ha? Halos di ako nakahinga at ubo ako ng ubo sa sobrang asim nung nilagay mo sa bunganga ko. Malamang galing sa kili-kili mo yun nuh? Kadiri ka!"--nakakunot noong tugon ng kuya niya.

"Anong ginawa mo sakin? Inadjust mo lang naman ng almost 1hour and 30mins ang alarm clock ko. Ano tatanggi ka?" sagot niya.

"Anong inadjust pinagsasabi mo? Baka katangahan mo lang yun. Ikaw ang mahilig mag advance ng alarm diyan. Tapos ako sisisihin mo? Abnormal ka ba?" bwisit na sagot ng kuya niya.

"Hay naku kayong dalawa talaga oh! Magtigil na nga kayo at baka magising ang ama nyo, parehas pa kayong mapagalitan diyan. Sige sige na. Gayong gising na kayo, mag almusal na kayong dalawa." sabat ng nanay nila.

"Ayoko makasabay mag almusal yang abnormal na yan ma, mamaya na ko kakain." sambit ng kuya niya at dali-daling bumalik sa kwarto nito.

"Mas ayoko rin kasabay ka" tugon naman niya at nagsimula na siya mag almusal.

Naghintay na lang ng ilang minuto si Greanna bago umalis kahit napaaga siya ng isang oras. Pagkarating niya sa school ay hinanap na niya ang kanyang classroom at gaya ng inaasahan nya, siya palang ang tao. Kaya naman naupo na lang siya at sinubukan niyang matulog habang nakayuko sa desk ng upuan.

Makalipas ang ilan pang minuto ay unti-unti ng ng nagkaron ng tao. Nagising siya bigla ng nagtilian ang kababaehan sa classroom. Isa lang ang ibigsabihin nun, classmate niya ang isa o higit pa sa myembro ng CC-4.

"GOODLUCK SAKIN"-- bulong niya sa sarili.

Ayaw na ayaw niya kasing maging classmate ang mga ito dahil nayayabangan siya. Lalo na dun sa dalawang kambal. Hindi siya tumitinag sa pagkakayuko niya. Iintayin na lang niya dumating ang instructor bago siya mag angat ng ulo.

Ngunit bigla na lang siyang ginulat ng isang tao na galing sa kanyang likuran na siyang dahilan para mapasigaw siya.

"Ay Palakang Nalunod"--kabado niyang sigaw.

Napatingin sa kanya ang lahat ng kaklase niya at tawa ng tawa naman ang taong gumulat sa kanya. Pagtingin niya dito ay laking gulat niya ng isa sa myembro ng CC4 ang gumulat sa kanya.

"Sa susunod, kapag darating kami. Wag mo kaming babaliwalain ha. Ms. Antukin"--sambit nito.

"At sino kang walang modo na nang istorbo sa pagkakatulog ko ha?"-- buong tapang niyang sagot.

"wwoooooooowwwww"

"Booooooooooooooooo"

Kantyaw ng kanyang mga kaklase.

"Wow? Walang modo? Nice. I like you ha! Matapang ka. Tama yan. Di ka dapat basta basta nagpapaapi. I like it"-- tugon nito na hinawakan pa ang kanyang baba habang nakangisi sa kanya.

"Wag mo nga kong hawakan. Bwisit na to"--pahampas niyang inalis ang kamay nito sa kanyang baba.

"Hmmm. Tingnan natin kung hanggang saan aabot ang tapang mo, Ms. Antukin."-- pananakot nito.

"Di mo na ko kailangan takutin, dahil matagal na kong takot." tugon naman niya.

Hindi na nakasagot ang lalaki sa kanya dahil dumating na ang instructor nila.

Hanggang saan kaya aabot ang tapang ni Greanna sa lalaking bumalabog sa tahimik niyang mundo?

Abangan !!!