webnovel

Chapter Nine: First Day

Chapter Nine: First Day

"Uy sobra pa yung kwarto, may 12 rooms sa itaas!" Sigaw ni Zed na syang nauna sa paglibot ng buong bahay.

Hindi namin inaasahan na ganto pala kalaki ang bahay or dorm na ibibigay sa amin. Ang akala namin ay simple lang at kailangan naming maghati sa dalawang kwarto na hahatiin sa babae at sa lalaki pero hindi, dahil sobra sobra pa sa dami namin ang kwarto sa bahay na ito at masyado ring malaki ang sala at kusina. Napansin ko rin na may maliit na garden area sa likurang bahagi ng bahay kaya mabilis akong pumunta rito.

"Mukang Isolated ang lugar ng dorm house natin ah?" Sumilip mula sa backdoor si Blade at nilingon-lingon niya ang kanyang paningin para pagmasdan ang buong paligid. "But it's huge, it even has a garden." Tukoy niya sa madamong labas at maliit na fountain na nasa gitna nito.

While we were navigating this house a while ago, napansin namin na sa bandang west side sya ng academy kung saan masukal at mapuno ang bahaging 'to, napansin rin namin na parang masyado kaming isolated kumpara sa ibang dorm na nadaanan namin kanina na magkakalapit lang sa isa't isa.

"Wala tayong kapit bahay? Tayo lang?" lumabas na rin si Xyan at mula sa back door ay naglakad sya papunta sa garden at pinagmasdan ang maliit na fountain. "Wow! A dorm with a fountain." He exclaimed.

"Maybe, mukang isolated rin ang bahay na'to." Sagot ko sa kanya. I looked around and it still amazes me that this house is kinda unique compared to what we are expecting. Lumapit ako sa maliit na pot na nasa tabi ng back door at napansin ko na unti-unti na itong nalalanta na para bang walang nagdidilig rito kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa maliit na fountain na nasa gitna at nagsalok ng tubig gamit ang palad ko at patakbong lumapit sa halaman.

Mukang hindi sapat iyon kaya tumakbo ulit ako para kumuha ng tubig. "I think this water can has a purpose?" bigla nalang may maliit na water can na sumulpot sa harap ko at tinignan ko ang may hawak nito.

"Thanks, hindi ko napansin." Pasasalamat ko kay Blade at kinuha sa kanya ang water can tsaka ito idinilig sa halamang malapit nang malanta. "I think that plant is just waiting for us." Tukoy niya sa halamang dinidiligan ko. Nagataas ako ng tingin sa kanya dahil sa naka asian squat ako at busy diligan ang maliit na pot na 'to.

"Huh? Bakit naman tayo aantayin ng halaman na to?"

"Cause it seems that it is the only plant that looked withered." He pointed out the other pots that has a better grown plant compare to this one that I am watering.

"Stop using metaphorical phrases to emphasize the plant situation, hindi lang sya gaanong nasisinagan ng araw and for sure hindi rin nauulanan hindi gaya ng iba na expose." Bigla nalang sumingit si Kim habang naka crossed arms at nakasandal ang likod sa doorway.

Blade arc his eyebrow and looked at Kim. "How can you say that?"

"Hm?" Kim pointed up straight and a ceiling at the top over was covering us and the plant that was in the doorway, it seems that she was right because unlike the other plants, this one is not exposed to too much sunrays and rain.

"Tss." Blade cussed under his breath, pumasok nalang sya sa loob at iniwan kaming dalawa ni Kim rito. "Mukang ayaw ng napupuna ah." Pang aasar pa nito kay Blade kaya napailing nalang ako sa kanila at ibinalik na ang water can kasama ang ibang gardening tools.

"Anyway, may pagkain na sa loob, we have found na may mga stock na from ref at mukang ready to eat na ang iba so kung nagugutom kayo, pumasok nalang kayo." She announced at tuluyan nang pumasok sa loob.

Huling sinulyapan ko si Xyan na mukang busy sa paghuli ng mga insekto rito gamit ang maliit na bote na nakuha niya kanina sa gilid. "Kain na raw." Aya ko sa kanya. "Sige una ka na, kunin ko lang 'to-Ugh!" he whimpered ng kumawala sa bote ang nahuli niyang insekto. I shrugged my head at iniwan na syang mag isa sa labas.

Dumiretso ako sa loob at nauna kong nakita sa sala si Minki na busy'ng nagtsatsaa mag isa. Napansin niya ako kaya tumingin sya sa akin. "You want?" alok niya at inilingan ko nalang sya, ako naman ang nag-alok sa kanya sa dining area pero wala ata syang balak na kumain dahil mas gusto niya lang ang iniinom niya kaya hinayaan ko nalang sya mag-isa at pumasok na sa dining room na katabi lang ng kusina.

Nakita ko roon ang malaking lamesa sa gitna habang pirmeng nakaupo na sina Dexter at sa tabi nito ay si Blade at Shara. Lumapit naman si Kim rito at naglapag ng isang pagkain na nilabas niya mula sa oven ng tumunog ito.

"Selene! Dito ka sa tabi ko." Aya sa akin ni Shara kaya lumapit ako sa kanya at inayos niya ang upuan sa tabi niya para roon ako maupo. "Gusto mong bread or rice?" alok niya sakin at umiling ako rito. "Ako na kukuha." Sagot ko at kumuha nalang ako ng isang slice of bread na pinalamanan ko nalang ng nutella na nasa harap ko.

"So kailan mag s'start ang klase natin?" tanong ni Zed na may pagkain pa sa bibig niya at may dala-dalang donut sa kaliwang kamay at cola naman sa kanan nito. Lumapit sya sa lamesa kung saan kami kumakain at kumuha ng tinidor para itusok sa isa sa mga hotdog na nakahain rito.

"Wag ka ngang magsalita ng may laman ang bibig." Saway sa kanya ni Shara ngunit parang wala lang sa kanya ito dahil kumuha pa sya ng isa pang hotdog at isinubo ito. "Sinong nagluto nito? Ang sarap ah."

"Pritong hotdog lang yan walang special dyan." Kim commented as she lay down another dish in front of us. "Saan mo nakukuha ang mga pagkain na 'to?" turo ko sa kanya ng mapansin ko na isang malaking chicken ang nilapag niya sa lamesa.

"Ewan ko? Nakita ko lang lahat yan sa kusina at nakahain na kaya dinala ko na dito sa dining table." Sagot nito sa akin na kumuha ng chicken sabay kagat nito. Umupo sya sa bakanteng upuan na nasa harap namin at busy sa pagpapak ng manok.

"Wow talagang provided nga nila lahat pati pagkain natin~Sana all." Zed trying to speak properly while his mouth keeps eating. "Ang baboy mo! Wag ka nga magsalita ng may laman pa ang bibig mo!" saway ni Shara sa kanya, ngumiti lang ito sa kanya at muling binakbakan ang manok na nasa harap nya.

I saw Xyan walking inside the dining area and seated with us after. Nagsisidatingan narin ang iba at nagsimula nang sumalo sa amin sa hapag kainan. Magkakasama na kami sa malaking lamesa na narito maliban kina Kei, Minki at yung huling lalaking dumating which is si Rance.

"Oh wait, nakalimutan ko." Zed shoved his hand in his pocket and pulled out a paper. "Nakita ko sa kwarto ko kanina. I think ito yung class schedule ko, hindi ko lang alam ang sa inyo." Pakita niya ng papel na naka fold kaya kinuha ni Blade sa kamay niya 'to.

"So, this is your class schedule?" Blade asked at tumango naman si Zed. "I think meron rin kayo sa mga naka assigned rooms niyo." Sagot naman niya kaya binigay na ni Blade ang papel na hawak niya at tumayo para pumunta sa kwarto niya.

"Baka meron rin ako." Shara guess and went to her room, leaving us behind. I saw Dexter finished his food and walked upstairs too, panigurado ay titignan niya rin ang schedule niya kaya mabilis ko nalang din tinapos ang pagkain ko at lumabas na ng dining room.

Naabutan ko naman sa sala si Minki na may hawak na ring papel, maybe nakita niyang kinukuha na ng iba ang kanilang form kaya kinuha na rin niya ang sa kanya. "What class are you?" tanong ni Minki sa dumating na si Shara, nakatutok lang to sa papel na nasa harap niya.

"San ba malalaman yung section dito? Hindi ba tayo magka-classmate kasi team tayo?" tanong rin ni Shara na nakatutok parin sa papel niya, her face looked confuse as she scans the paper.

Dinaanan ko lang sila at umakyat nalang din sa kwarto ko ng masalubong ko si Rance sa hagdan, huminto ako saglit para salubungin sya. "Hi Rance." Bati ko rito pero hindi man lang sya nagtapon ng tingin sa akin at dire-diretso lang sa pagbaba.

Ang suplado naman ng isang iyon hindi naman ako anino or multo para hindi niya makita, hindi kaya bulag sya kaya para'ng wala syang pinapansin? "He has the same aura like Keiran." Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Dexter at hinawakan ako sa balikat.

Nag angat naman ako ng tingin sa kanya ng nauna na syang naglakad pataas. "Huh?"

"I mean, it seems like he doesn't like to associate." Sagot niya sa tanong ko at nilingon ko ang daan pababa kung saan dumaan kanina sa Rance.

"Okay? Siguro mag long lost brother sya at yung Kei mo." Sarcastic na sagot ko rito at naglakad na rin pataas. "What? Long lost brother? Kei ko? Where did you get those." natatawang tanong nito na sumabay na rin sa bilis ng lakad ko.

"Kasi masungit din sya at feeling bad boy tsaka sabi mo nga. He was like Kei hindi ba? At isa pa, ikaw ang bestfriend nung antipatikong Kei na 'yun kaya kargo mo sya." I told and pointed him my finger, narinig ko nalang ang mahinang tawa niya dahil dito.

I arc my eyebrow at him at hinayaan nalang sya matawa sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa roon. "Speaking of, nasan na pala yung si walk out guy?" I asked making him to stop from his little laugh.

"Oh Kei? He must be unwinding now, doing his thing." He stated kaya tumingin kaagad ako sa kanya. What does he mean by that? "Andito ka na sa kwarto mo?" turo niya sa pintong nasa harap namin at doon ko lang napansin na sa kwarto ko na pala ito, a placard with my name was hung in front of the door.

Inalis ko na ang tanong sa isip ko at nagpaalam na sa kanya ng makapasok na ako sa kwarto 'ko, muka kasing nasa dulo pa ang kwarto niya.

Mahinang isinara ko ang pinto ng kwarto ko at tinignan ang loob nito. I did not expect na ganto kalaki ang magiging silid namin. It has a pink bed in the middle with a simple pastel coloured bedside table. There is also a big mirror at the corner of the room and it was airconditioned too. Napansin ko rin na may sarili banyo ang kwartong ito, it is looked like a hotel but in a form of a big house.

Hindi sya nagmumukang cheap dorm lang dahil sa ayos at laki nito, isama pa na may sariling garden ito at fountain. Lumapit ako sa maleta ko na nasa tabi ng kama na mukang hindi nagawang pakeelaman ng kung sino man ang nagdala nito rito.

Inalis ko ang mga gamit ko rito at nilagay na sa closet na nasa kwartong ito ang mga damit ko. Matapos kong mapagod sa pag aayos ng gamit ko ay tsaka ko lang naisip kung bakit ako pumasok rito. I was too amazed by the fact that I have a new room to stay with. I walked at the bedside table and open one of the drawers there and there I saw a folded paper.

Binuklat ko iyon and saw my name above the word 'Peculiar Student'. I read my information and there I saw the schedule that I had. I think we have no permanent classes because of the vacant of days and hours that gapped each class. Nakalagay lang rito kung anong room nabibilang ang klase naming iyon. Like a college typical schedule.

"Selene?" narinig ko nalang na may kumatok mula sa labas ng pinto ko kaya mabilis akong naglakad para buksan iyon. "Oh Shara?" tanong ko ng bumungad kaagad sya sa harap ko.

"Anong class mo?" she asked and enter my room without me inviting her in, I just let it go as she sat at my bed. "Ibig sabihin ba nito hindi tayo blocked section as a team?" tanong niya ulit sakin ng makalapit ako sa kanya.

Tinignan ko ang hawak hawak niyang papel at pinagkumpara ito sa class schedule ko. Napansin kong hindi nga kami pare-pareho ng klase dahil may araw sya na walang pasok which is every Thursday at sa akin ay every Wednesday. "I think, yes? Pero mukang may ibang klase naman na magkakasama tayo."

Turo ko sa ibang class kung saan pareho kami ng schedule in time and room. Napansin niya rin iyon at namuo ang ngiti sa labi niya. "Oh! At least may mga classes na magkakasama tayo!" masaya niyang sabi at pinagkumpara pa ang papel naming dalawa.

Matapos niyang gawin iyon ay nagpaalam na sya sa akin at lumabas na ng silid ko dahilan para maiwan ako mag isa rito.

Kinuha ko ang luggage ko at tinanggal ang natitirang gamit ko mula rito ng makita ko ang pamilyar na bagay sa maleta ko, kinuha ko ito at inilagay sa bedside table ko. I emotionally looked at the picture frame in front of me. It was me with Mom and Dad. I think I was just 7 or 8 when this photo was taken.

"Hi Mom and hi Dad I miss the both of you." I curled up as I looked at the picture, everything came like a bliss. The house, Dad protecting me, Mom lying on the floor, blood staining the carpet, and me crying in the corner.

Everything came up like it was just yesterday when it happened. Isinubsob ko ang ulo ko sa pagitan ng dalawang tuhod ko at niyakap ang sarili ko. I felt the tears as it fell in my cheeks. Everything seems vivid to me but there is part of me that can't accept it.

I cried to the extent that I felt the tiredness of my eyes, I heard them knocking at my door but I pretended to be asleep. That is the last thing that I remember before I felt the weight of my eyes.

❇️❇️

"Anong oras ang class mo?" tanong sa akin ni Shara ng makababa na sya at nakasuot na ng uniform, napansin ko na may tig tatalong set ng uniform ang meron ang Mystify Academy. She is wearing a short sleeve white polo with a big ribbon at the middle, the skirt is colour pink with stripes, para syang anime high school girl sa suot niya.

"1 hour pa." Sagot ko sa kanya sabay subo ng cereal. Hindi pa ako nakakabihis dahil inuna ko munang kumain pero nakaligo na rin ako. "Ay ganun so mauuna na muna ako? Kita tayo sa..." she looked at her phone for a second. "...third subject mo which is pangatlo ko rin." Suggest niya at tumango nalang ako sa kanya.

Kinuha niya ang bawat schedule naming siyam at pinagtugma iyon sa kanya kaya sumasabay sya sa mga kapareho niyang oras ng klase. Napag alaman ko rin na dumating na si Kei ayon kay Zed na nauna bumaba kanina.

"Una na kami." Nakita kong dumaan sa likod ko si Dexter at bigla nalang ginulo ang buhok ko kaya napalingon kaagad ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin pero ngiti lang ang ginanti niya sa akin. Pumunta sya sa gilid ng lamesa at doon kinuha ang lunch box niya sabay lagay nito sa kanyang bag.

Nauna nang umalis sina Shara, Xyan at Dexter at naiwan naman kaming pito rito sa bahay kaya ng matapos akong kumain ay minadali ko tong hugasan at umakyat sa kwarto ko para mag ayos at magpalit ng school uniform.

I looked at the three uniforms in my bed. Really, this school is kinda unique and cool on its own way dahil may tatlong uri sila ng uniform and it's up to you on what uniform you preferred. Hindi ko na pinatagal ang pagpili ko at pinili ko nalang ang pinaka simple at mukang hindi mainit suotin.

Nang matapos ako ay kinuha ko na agad ang mga gamit na kailangan kong gamitin. Napansin ko rin ang ID sa tabi ng uniform ko kaya kinuha ko 'to at sinuot, nakakapagtaka lang kung saan nila nakuha tong picture ko sa id when I don't remember that I took a photo for Id purposes.

Lumabas na ako sa hallway at kasunod ko lang na lumabas sa kabilang kwarto si Rance na dire-diretso lang naglakad at hindi man lang lumingon sa akin. Hinayaan ko na sya at bumaba nalang. "Are you going to school now?" tanong sa akin ni Minki habang inaayos nito ang medyas niya sa sofa.

Tumango ako sa kanya bilang pag sang-ayon. "Let's go together, I think we have the same class." Tinuro pa niya ang form na nasa tabi niya ng matapos sya magsapatos. Lumapit naman ako rito at tinignan ang first schedule niya, he was right cause we have the same class.

Walang kahit anong subject na nakalagay sa form namin kundi oras at classrooms lang kaya wala kaming ideya ni isa kung ano-anong mga klase ang pinapasok namin.

Nang matapos na sya ay sabay na kaming lumabas at sumabay narin sa amin si Kim na kapareho namin ng oras pero iba ang classroom.

Nang marating namin ang school ground kung saan naglalagi ang maraming estudyante ay nagpaalam na si Kim sa amin dahil sa Southeast wing pa ang classroom niya habang East wing naman kami ni Minki.

Sinundan ko lang sya sa paghahanap ng classroom namin hanggang sa dalhin kami nito sa isang room na nagngangalang 'Charm Potion'. Nagkatinginan pa kaming dalawa ng matukoy naming ito nga ang classroom namin at tumango kami sa isa't isa hudyat na papasok na kami.

Binuksan ni Minki ang sliding door ng classroom na to at bumungad na samin ang ibang students na naririto. Napahinto pa sila sa kani-kanilang ginagawa at tinignan kaming dalawa ni Minki pumasok. Nakaramdam ako ng konting hiya dahil nasa amin ang mata ng mangilan ngilan.

"Ohmygash teh, ang gwapo."

"Classmate ba natin?"

"Halata naman diba. Grabe ang gwapo ng bagong dating."

"Wow he is looked like a prince."

Mukang alam ko na kung bakit todo titig ang lahat, they were mesmerized by the beauty of this man in front of me. Nahihiya tuloy akong tumabi sa isang 'to.

"Where do you wanna seat?" He asked looking back at me while I am behind him. Lumingon lingon ako para maghanap ng bakanteng upuan. "I think doon nalang." Turo ko sa kaliwang bahagi ng second row malapit sa bintana ng hallway. Tumango siya at pinauna ako sa paglalakad para mauna akong maupo sa bahaging iyon.

Malapit ako sa glass window dahilan para makita ko ang mga students na dumadaan sa hallway at katabi ko naman si Minki.

I keep listening to Minki's story tungkol sa unang araw niya rito at napag-alaman ko ngang galing pala talaga sya sa maharlikang pamilya. He did not say his position in the society but base on his story, seems like he is a noble one. Natapos rin ang kwentuhan namin ng may pumasok nalang sa loob ng classroom at dire-diretso itong naglakad sa unahan at pumwesto sa teacher's table.

"Good day." A young man appeared in front of us as he fixed his eye glass using his finger. He looked like he was just around 30 years of age. We all stood up and greeted him back, he signalled us to sit after.

"I am Professor Kwon, your instructor in Potion making." He announces, ipinatong niya sa lamesa ang dala-dala niyang niyang case. "And now, you are making a potion."