webnovel

Too Many People Want You Dead (5)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 964: Masyadong Maraming Tao ang Gustong Mamatay Ka (5)

 

"Zhu Lingling, anong klase kang kaibigan… hindi mo man lang ako niyaya?" Nagkunwaring galit si Huo Mian.

"Ah… Eh… Wala kasi akong pasok ngayon, sabi ni Gao Ran masarap ang roasted duck kaya niyaya niya ako."

"Mr. Moeybags Gao Ran… bakit hindi mo niyaya ang asawa ko? Akala ko ba magkaibigan kayo." Sinadyang tingnan ni Huo Mian si Gao Ran.

Napa-ubo na lang si Gao Run…

"Ahem… Um… Maraming ginagawa si Mr. Qin, nabalitaan kong naghahanda na ang GK para sa new year banquet, kaya ayoko sanang maka-istorbo."

"Hindi mo nga ako tinanong eh, paano mo nalaman na marami akong ginagawa? Ang galing mo naman na manghuhula." Pa-simpleng inilaglag ni Qin Chu si Gao Ran.

Lalong naging hindi komportable si Gao Ran…

"Tara, tara, upo kayo. Sabay-sabay na tayong kumain." Agad na tumayo si Zhu Lingling at nag-alok ng upuan, umaasang mabago ang usapan at malayo na sa usaping ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com