webnovel

Hindi ka Mamamatay kung Hindi mo Susuyuin ang Kamatayan (3)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos, idinagdag ni Qin Chu, "Alam mo na nung napagdesisyunan na ng mga Zhous na kasuhan ka, hindi ka na makaalis ng ganun-ganun lang gamit ang pagbayad o maisking pagkakakulong. Gusto ka nila ikulong at sisiguraduhin nilang mangyayari iyon. Hindi rin sila susuko hangga't hindi ka nasesentensyahan ng hindi bababa sa sampung taon sa kulungan."

Napakagat labi si Huo Mian at hindi na nagsalita pa…

Tama si Qin Chu – alam niya na gagawin ng Zhous ang lahat ngayon at hindi siya hahayaan ng mga ito na makaalis lang ng ganun-ganun lang..

Kaya naman, kung hahanap sila ng ordinaryong abogado, paniguradong matatalo siya…

Malakas ang loob ng Zhous para magsampa ng kaso, kaya ibig sabihin nito, sigurado sila na mananalo sila.

Pero paanong iniisip pa rin ni Huo Mian ang reputasyon ng GK kaysa sa sarili niyang hinaharap ngayon?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com