webnovel

Ang Lahat ng ito ay Isang Kalokohan (2)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sa tingin ko ay hindi mo gagawin yun," seryosong sagot ni Huo Mian.

"Bakit?"

"Dahil… nakikita ko na mabait ka at nagkukunwari ka lang."

"Ha… hindi ko inakala na makikita mo ang ugali kong ito ng sobra dahil kahit ang nanay ko ay hindi nakita ito. Totoo, tinatakot ko lang talaga siya; kailanman ay hindi ko yun gagawin. Kahit na ilantad pa niya ako, ang pampublikong imahe ko lang ang nasira niya. May sapat naman na akong pera para pumunta sa kahit saan ko gusto, sadyang, hindi ko pa naibabalik ang kabaitan ni Ate Yingzi. Pinangako ko sa kanya na magiging idol ako sa loob ng sampung taon," mahinang sabi ni Ni Yang.

"So ang nanay mo ang dahilan ng stress mo?" Tanong ni Huo Mian.

"Oo."

"Sa tingin ko ay pwede mo na itong kalimutan ngayon, nangyari na sa kanya ang karma nung iniwan ka niya. Para naman sayo… ang dami mo ng naabot. Nasa nakaraan nalang ang lahat ng ito at hindi mo dapat pinapahirapan ang sarili mo ng dahil dito."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter