webnovel

Ang Babaeng Ito ay Pabago-bago (14)

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumingin si Deng Kai kay Zhu Lingling na para bang sinusubukan niya kunin ang opinyon nito at kaagad naman nagsalita si Zhu Lingling, "Ayoko, hindi ko ito gagawin. Ayoko ng mga ganitong laro."

Pilit na tumawa si Deng Kain at tumingin kay Zhou Guangming, "Kinakabahan siya sa madaming tao. Idagdag pa rito, galing siya sa mahirap na pamilya kaya hindi pa niya nararanasan kung paano magsaya katulad natin. Huwag mo naman itong personalin, Young Master Zhou."

Sa totoo lang, ang mga salita ni Deng Kai ay hindi ikinatuwa ni Zhu Lingling, pero hindi na rin ito nagsalita.

Nagkunwari siyang sinadya ito sabihin ni Deng Kai para umalis si Zhou Guangming…

Pero, ayaw magpatalo ni Zhou Guangming at sa halip, inabutan siya nito ng isang baso ng wine, "Talaga? Pero birthday ko ngayon, at ako ang boss. Kung hindi mo man tatanggalin ang pang-itaas mo, edi inumin mo nalang itong wine para sa akin."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter