1 Prologue

"Take your mask off!" Mariing utos niya sa babaeng kasama sa kuwarto. Nakatunghay siya ngayon sa babaeng nakasuot ng maskara habang ito ay nakatungo at hindi man lamang siya makuhang tignan. May malaporselanang kutis ito at seksi ang pangangatawan. Regalo ito ng kaibigan niyang si Aiden bago siya umalis papuntang America.

Dinala niya ito sa isang pipitsuging hotel. Maayos naman ang loob noon. May 16 inch na TV. Malaki naman ang kama para sa pagpapakasasa niya sa katawan ng kasama. Hindi na niya pinag-aksayang tignan ang banyo dahil wala siyang balak gamitin iyon.

Isa pa, unang beses niyang gawin ang bagay na iyon. Unang beses niya rin matikman ang sinasabi nilang tawag ng laman. At ang una niyang matitikman ay isang bayarang babae.

"Hindi!" Matigas na tanggi nito at halos hindi makatingin nang diretso sa kanya. Nanatili itong nakatungo. "Gawin na natin para matapos na!"

Nakunot niya ang kanyang noo sa turan ng dalaga. Hindi pa man siya nakakahuma ay naglakad ito papunta sa switch ng ilaw at pinatay iyon.

Napangisi siya.

"Natatakot ka bang makita ko ang mukha mo? Hindi ka pa kuntento sa maskara, gusto mo madilim pa!" Sarkastiko niyang saad dito. Hindi niya alam kung maiinis siya o matatawa. Seksi naman ang babae kaya nagtaka siya kung bakit ayaw nitong ipakita ang mukha.

"Pangit siguro!" Usap niya sa sarili at napailing na lang.

"Iisa lang naman ang ipinunta natin dito, sir. Ang katawan ko para sa kabayaran mo," seryoso at may diin ang boses na sabi nito. Hindi niya alam kung guni-guni ba niya ang pagpiyok ng boses nito at tila ba maiiyak na.

Hindi niya kasi makita ang ekpresyon nito dahil madilim at nakatago ang mukha sa maskara. Ipinagkibit balikat na lamang niya ang napansin.

Napalunok siya dahil mukhang palaban ang babaeng nakuha nina Aiden para sa kanya.

"Sana naman masarap ang isang ito. Kung hindi lagot ang dalawang iyon sa akin," lihim niyang banta sa dalawang kaibigan. Sina Aiden at Heron.

Naramdaman niya ang paglapit ng dalaga sa kanya. Nakatayo siya malapit sa kama. Napapiksi siya nang abutin nito ang tshirt niya at itinaas.

"Woah!" Mangha niyang bulaslas.

"Gawin na natin, hindi ako puwedeng magtagal bilang palipasan mo. Usapan ay tatlong oras lang," saad nito na nagpangisi sa kanya. Nang lumapat ang mainit na kamay nito sa kanyang balat ay tila naman siya nasilaban ng apoy.

Hinawakan niya ang naglalandas nitong kamay sa kanyang pantalon.

"Ako na baka maubos ang oras natin sa pagtanggal mo pa lamang ng pantalon ko," nakangisi niyang saad. Nanginginig ang kamay ng babae. "Unang beses mo bang gawin it..."

"Please, gawin na natin!" Putol nito sa sasabihin niya. Parang uminit bigla ang kanyang ulo. Kanina pa siya nito binabara.

"Humanda kang babae ka!"

Sa isang iglap ay naipagpalit niya ang kanilang puwesto. Itinulak niya ang babae sa kama. Naramdaman niya ang pagsinghap nito nang kumalansing ang kanyang sinturon bago alisin ang kanyang pantalon at panloob upang bigyang laya ang naghuhumindik niyang kaibigan.

Hinila niya ang paa ng dalagang kasama at hinaklit ang kasuotan. Nakabestida lamang ito kaya madali niya iyong napunit! Tila wala naman pakialam ito sa nasirang damit. Hinuha niya'y may dala ito sa loob ng malaking bag na kanina pa nito dala-dala.

Gaya ng ginawa niya sa bestida nito. Hinaklit niya rin ang kasuotang panloob nito at saka siya pumaimbabaw.

Halos hindi naman huminga ang babae nang naramdaman ang bigat ng lalaking kasama sa kuwarto. Ang lalong nagpakaba sa kanya ay ang matigas na bagay na sumusundot sa kanyang puson. Nararamdaman niya ang katigasan nito at laki.

"Shit!" Napamura siya dahil sa sinuong na sitwasyon. Pero nangangailangan siya ng pera. "Minsan lang ito, tama isipin mong kailangan mo ng pera!" muli niyang paalala sa sarili.

Napabalik siya sa katinuan ng marubrob siyang halikan ng lalaki sa labi. Nagpaparusa at tila ba mapupunit ang labi niya sa paraan ng paghalik nito.

Ang mga kamay nito ay naglakbay sa kanyang katawan. Pinanindigan siya ng balahibo dahil doon. Ang kaba niya ay lalong lumakas. Nang halikan siyang muli nito ay tumugon siya. Masarap itong humalik at tila ba nagsisimula na rin siyang mag-init dahil sa ginagawa nitong paghaplos.

Nang biglang itaas nito ang kanyang paa at pumuwesto sa gitna ng kanyang hita. Alam niyang ready na siya doon dahil kanina pa siya naglalawa.

Kaya lang ay bigla siyang nakaramdam ng takot dahil parang hindi ready ang isip at puso niya.

"S-sandali!" Pigil niya dito kahit alam niyang huli na ang lahat. Baka pilipitin nito ang kanyang leeg dahil mabibitin ito.

"What?" Medyo galit na saad nito sa kanya. Tila biglang may lumamutak sa kanyang sikmura. Kahit boses nitong galit ay guwapo. Sa lahat ng gusto siyang maikama ito ang pinili niya dahil mukhang malinis at disenteng tao. Kung bakit kasi napasubo siya sa ganoong sitwasyon.

Hindi na niya masyadong pinagtuunan ng pansin ang mukha ng lalaki dahil ayaw niyang tumatak sa isip niya ang mukha nito at maalala kapag nagkataon.

Malaki rin ang bayad na inoffer ng kaibigan nito kaya napa-oo siya.

"M-may dala ka bang condom?" Nauutal niyang tanong dito.

"Hindi na kailangan. I'm an expert! Sinasayang mo ang tatlong oras ko sa iyo!" sabi nito at bigla na lang umulos ng malakas.

Napasigaw siya sa sakit. Napakapit siya sa braso nito at nabaon ang kanyang kuko. Kinagat niya ang kanyang labi para hindi lumabas ang impit niyang iyak dahil talagang masakit.

"Bullshit! Virgin ka?" Hindi makapaniwalang tanong nito at balak hugutin ang nangangalahati nang ari nito.

Pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagpulupot ng hita niya sa  beywang nito kahit pa masakit ang gitna niya.

"Ituloy mo!" Nanghihina niyang utos. Baka kasi hindi siya mabayaran ng buo kapag hindi niya naibigay o nasatisfy ang lalaki. Kailangang-kailangan niya ng pera kaya kumapit siya sa patalim. Maging ang katawan niya ang kabayaran.

"Ituloy mo!"  Utos niyang muli  at siya na ang gumalaw. Kinabig niya rin ang ulo ng lalaki para halikan.

Nagmura muna ang lalaki bago siya muling bayuhin. Hindi ito naging maingat at binayo lamang siya ng binayo. Mabibilis at malalakas.

Ang kaninang masakit ay nahahaluan na ng kakaibang sensasyon. Kaya hindi niya mapigilang umungol ng malakas. Minsan ay napapatutop siya sa kanyang bibig dahil halos sumigaw siya sa sarap na nararamdaman.

Ang lalaki naman ay labis na nasisiyahan. Masarap at masikip ang lagusang kanyang binabayo. Kakaibang pakiramdam ang nararamdaman niya habang kasiping ang babae.

Kaya sa kasarapan, hindi niya agad nahugot ang kanyang sandata. Nakapagpalabas siya sa loob.

"This is not good but I can't control myself," muling saad niya sa isip. Tila hinihigop siya ng matinding pagnanasa at ang kagustuhang paulit-ulit na pag-angkin sa babae. "This is heaven!" Sigaw niya sa kanyang isip nang marating nila ang langit.

avataravatar
Next chapter