webnovel

°°°°

▪️ᴄʟʏᴅᴇυѕ ᴢᴏʟᴅɪᴄ▪️

Taimtim na pinagmamasdan ng binata ang dalagang kasalukuyang nahihimbing sa kanyang bisig. Hindi pa rin mapigilan ni Clyde ang panginginig, hindi sa takot kundi sa galit ng makita niya ang nakahandusay na si Janias Demetria katabi ang isang bulto ng lalaki. Mas nanginig siya ng maalala niya kung paano sinubukang hawakan ng bultong iyon ang babae kaya mabilis siyang lumapit sa pigura at walang habas itong pinugutan ng ulo. No one will touch her. No one will touch his property. Muling pinagmasdan ng huli ang dalaga. Tunay na napakaganda nito na kahit ang demonyo ay mahahalina at maaakit.

" T-tritawsan. Haylabyuu~ clydeus" he was stunned on what just happened . 'Is she dreaming of me?' stupidly asking himself kahit na nasa harap niya na at narinig pa ang kasagutan. Hahaplusin niya sana ang namumula nitong pisngi pero agad ring ibinaba ang kamay ng makita niya ang marahang pagmulat ng mga mata ng babae.

"Clydeus?" mukang disoriented pa ito sa nangyayari dahil nakakunot ang noo ng babae sa harap niya pero wala pang isang minuto at bigla nitong iniangat ang ulo dahilan para magka untugan ang kanilang mga noo. Mabuti nga't mahigpit ang pagkakakahawak niya sa mga hita at braso ng dalaga kung hindi ay siguradong nalaglag na ito. He silently cussed.

" C-Clydeus!! Ikaw si Clydeus!" mukang wala lang sa babae ang pagkaka untog ng mga noo nila dahil sa kislap ng mga mata nito. Abot hanggang tenga rin ang ngiti nun. Is she numb? Or plainly dumb?.

"Stupid" he didn't want to say that word but he wants to see the irritated face of the girl. Hindi nga siya nagkamali dahil dinuro duro na siya neto habang nanggigigil na sumisigaw. Nabibingi siya sa kaingayan at nabibigatan dahil sa magalaw ito. It's confirmed. This Girl is plainly dumb.

"Shut up or i will not hesitate to drop you." pero sadya nga sigurong pinanganak ito ng kulang sa buwan.

" Aba. Hindi porque idol kita. Ganyan mo na ako ituturing. Mister baka ipaalala ko sayo na babae ako at ang babae dapat pinapahalagahan at hindi sinasaktan."

"I don't care if you're a man or a woman"

"Hoyyyy wala ka bang nanay huh?Dapat kung pano mo siya ituring ganun rin sa iba." that's the queue. He dropped her without hesitation and look at her with full of unknown emotions.

" Don't. Mention. Her."

▪️𝙹𝚊𝚗𝚒𝚊𝚜 𝙳𝚎𝚖𝚎𝚝𝚛𝚒𝚊▪️

Sisigawan ko na sana siya dahil sa ginawa niya sa akin pero agad itong natikom ng makita ko ang nakakatakot niyang awra. Wala sa sariling napaatras ako na naging dahilan kung bakit mabilis na lumapit si Clydeus.

" a-a"

"One word and your dead. I don't need you here." tumalikod ito sa akin pero agad na napigilan ng mga kamay ko ang tangka niyang pag alis.

"Teka. A-asan ako? At bakit ako nandito?" naramdaman ko ang pagpipigil ni Clydeus sa kung ano. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kamao niya.

"Some bastard tried to kidnapped you." aniya bago magpatuloy sa pag-alis. Takot ang nadama ni Jade ng maproseso ng utak niya ang sinabi ng binatang umalis. Sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang na-agrabyado maliban na lamang siguro sa tulad niyang Fans na nakainitan niya. Pero napakaliit na bagay niyon para gawin nila ang bagay na ito sa kanya.

"Don't think about it, self." anang niya sa sarili at tumayo. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya uuwi dahil sa mga oras na ito paniguradong wala na siyang masasakyan. Maghahatinggabi na at siguradong makakatikim na naman siya ng matamis na pingot sa teynga sa nanay niya.

××

Kabadong pinihit ni Jade ang Segadura ng pinto ng kanilang bahay at pigil hiningang naglakad papasok. Kung pano siya nakauwi? Yun ay dahil nag-ala toro siyang tinakbo ang mall patungo ng bahay nila. Kakatwang wala siyang naramdamant takot dahil sa dilim ng kapaligiran. Ang tanging nasa isip niya ay kung paano haharapin ang nagbabagang galit ng ina na nasa tahanan nila at marahil ay naghihintay.

Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa kanyang muka ng makita niya na ang pinto ng kanyang silid. Isang hakbang, dalawang hakbang, tatl-

" Janias Demetria Rivera." mapanganib na turan ng kung sino na nasa kanyang likod. Patay na.

" Mama hehehe" pinagpapawisan siya ng malamig. Bakit ito nandoon? Sadya atang nabara na ng kaba ang ugat niya sa utak dahil sa tanong niyang iyon sa sarili at hindi na naisip ang mga hinabi niyang palusot sa oras na magtagpo sila ng ina ngayon. Mabigat ang mga paa ng ina ng unti-unti itong lumapit sa kanya na ikinaatras niya. Bibilang pa lamang siya para simulang tumakbo ng mahablot nito ang teynga niya.

"Araaayyy. Mamaaa huhuhu tama na"

"Pistingyawang bata ire. Saan ka nanggaling huh!. At bakit ngayon ka lang" mas tumamis pang lalo ang pagkakapingot neto. Nagsimula na siyang maluha sa sakit. Pashneyaaa may lahi ata ng pusa ang nanay niya sa talim ng mga kuko. Hindi pa ito nakuntento dahil pinaulanan siya ng hampas sa braso.

" Ma. Galing ako sa. Concert huhu tama na ma. Ang shakettt"

"Anong concert? Akala mo siguro ay hindi ko alam na pasado alas-otso ng gabi ay tapos na ang concert na iyon. Pinaglololoko mo ata akong bata ka. Kanina pa ako nandito at maghihintay sa iyo. Gusto ko ng magpahinga dahil sa pagod sa trabaho pero ano. Ngayon ka lang umuwi" natigil sa kaka-aray si Jade ng marinig niya ang sinabi ng ina. Gusto niya ring sabihin ang totoong nangyari sa kanya habang nagsasalita ito pero napigil iyon. Pagod ang ina niya. Pagod ang ina niya sa kakatrabaho habang siya naman ay nagpapakasaya sa Concert na inattendan.

"Mama. I'm sorry." natigil na ito sa kakapalo at kakapingot. Hinila rin siya ng ina sa mahabang sofa na nasa sala nila at doon ay pinaupo. Lumipas ang ilang minuto ay nagsalita ito.

"Masakit ba? Sorry anak. Nag-alala talaga kasi ako at hindi ko na napigil na ibuhos iyon sa pamamagitan ng pagpingot at palo sayo." nanghihinang turan ng ina sa kanya. Tiningnan niya ang ina at hinaplos ang namumutla nitong muka.

"Ma, tulog ka na. Ako na bahala dito." marahan siyang ngumiti at hinalikan ang mga mata ni Demeter. Tumitig ito sa kanya at tumango. Sinulyapan niya ang pinto ng kwarto ng ina ng tuluyan itong makapasok. She glance at the clock that is pinned to their wall. 11:58 PM. Two minutes bago mag hatinggabi. Nakaramdam siya ng pagod kaya hindi na siya nag abalang pumasok ng kanyang kwarto at sa halip ay sumalampak na lamang ng higa sa mahabang sofa. It was a tiring day for her.

-------

@jblrsr(2019)